Image model Rizza Santos may be sued for failure to abide by contract

Fil-Canadian beauty queen turned actress Rizza Santos hasbeen into a lot of fixes lately. Recently, she was replaced as image model ofthe clothing brand Mint by Cristine Reyes for allegedly not fulfilling hercommitments.


Habang tumatagal, mas lalong dumarami ang mga negatibongisyu na nag-uugnay kay Rizza Santos. Maganda pa naman ang pagpasok niya noon sa showbiz—from being the Miss Earth-Canada ay napasok asone of the housemates in Pinoy Big BrotherCelebrity Edition 2 where she started to have fans.

Pero heto na nga ngayon at sunud-sunod na ang mga negativeissues and publicity on Rizza, na ang karaniwang sentro ay ang kanyangattitude or work ethics.

Matatandaang nagkaroon siya ng isyu sa ilang Kapuso starsdahil sa diumano'y pang-iirap niya sa mga ito sa isang event ng FHM. Nagkaroon din ng problema sa kanyasi Ruffa Gutierrez sa taping naman ng ILove Betty La Fea.

Recently, napabalitang nagkaroon naman ng isyu ang mismongnagma-manage sa kanya, ang Viva Artists Agency, dahil sa biglaan nitong pagpapaalampara umuwi raw ng Canada. Naapektuhan tuloy ang mga commitments niya nanai-book ng management agency.

However, a reliable source told this writer na hindi namanpala totoong umuwi ng Canada si Rizza. All the while, ayon sa aming source,nasa Pilipinas lang ang ex-beauty queen.

Kaugnay nito, may mga haka-hakang dahilan lang ni Rizza angpagpunta nito sa Canada at ang totoo diumano ay may ipinaayos ito sa kanyangmukha. May mga nakapansin kasi nang um-attend ito sa pageant night ng MissEarth kamakailan lang na tila may nagbago sa mukha nito, particularly ang ilong.

Nalaman din writer na ito from another source na tinanggal napala as celebrity endorser si Rizza ng Mint, isang clothing brand. May lessthan a year contract pa raw sanang tatapusin si Rizza sa contract nito withMint. Pero ang mismong may-ari at management na rin daw ng clothing brand angnagdesisyon na tanggalin at palitan na si Rizza ng bago nitong endorser na siCristine Reyes.

Ito rin ang sinasabing resulta ng biglaang pamamaalam niRizza para umuwi ng Canada. Supposedly raw kasi, may limang mall tours na naka-scheduleang Mint for Rizza. At bilang image model, natural lang na si Rizza angmag-represent ng brand sa mga naturang shows.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon sa aming source, kahit daw nakaharap pa ang may-aring clothing brand, buong-ningning daw na sinabi ni Rizza na, "I can't do that.I'm going to Canada." Nakasaad pa naman sa kontrata na kasama sapagiging endorser niya ang pagpunta sa malls to promote the clothing brand.

Nakarating na rin sa aming kaalaman na nakuha nadiumano ni Rizza ang kabuuang bayad sa kanyang kontrata bilang image model ngMint. Buo na't hanggang sa pagtatapos ng kanyang kontrata ang bayad. Kaya'tdahil dito, sinabi pa ng aming reliable source na malaki ang posibilidad na mag-fileng case for damages ang Mint against Rizza, that is, kunghindi maayos ni Rizza ang problemang ito.

PEP (Philippine Entertainment Portal) tried to get in touchwith Rizza para maringgan ng kanyang panig, ngunit hanggang sa isinusulat ang balitang ito'y nanatilingtahimik si Rizza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN