Iwa Moto wants to work while visiting her ailing father in Japan

"Mahirap din pumunta at magpabalik-balik ng Japan, lalo't busy rin ako satrabaho ko rito. Sana lang kapag nandoon ako, magkaroon ako ng trabaho doon saJapan. Di ba, may Filipino TV din doon, yung cable TV ng GMA? Parakahit nandoon ako ay kumikita pa rin ako at nakakatulong sa aking pamilya," says Iwa Moto.



Ibang klase ang dedikasyon ni Iwa Moto pagdating sa kanyangpamilya at trabaho. Masasabi talagang kayod-marino ang motto ni Iwa kapagtrabaho na ang pinag-uusapan dahil lagi niyang iniisip ang kapakanan ng mgamahal sa buhay.

Kaya sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Iwa, nasabi nitongpagpunta niya ulit sa Japan, gusto niya'y nagtatrabahopa rin siya sa bansa ng kanyang tatay. Ito ay kapag nakaluwag sa marami niyang commitments paramabisita ang kanyang amang may malubhang karamdaman.

"Mahirap din pumunta at magpabalik-balik ng Japan, lalo't busy rin ako satrabaho ko rito. Sana lang kapag nandoon ako, magkaroon ako ng trabaho doon saJapan. Di ba, may Filipino TV din doon, yung cable TV ng GMA? Parakahit nandoon ako ay kumikita pa rin ako at nakakatulong sa aking pamilya," sabini Iwa.

Actually, kadarating lang ni Iwa from Japan, pero gusto niyang makabalik agaddoon dahil binigyan na ng taning ang kanyang ama na may liver cancer.



"Nalulungkot po talaga ako sa nangyari," aniya. "Pagdating ko nga po ng Japan, nagpuntaagad ako sa hospital at nakipagkuwentuhan sa father ko. Pinagbilinan niya akona alagaan ko ang aking mga kapatid, maging mabait na anak ako at kapatid.



"Kaya po mas masakit talaga at hindi ko maiwasang maiyak habang nagkukuwentodahil nagbibilin na ang tatay ko. Hindi ko ma-explain and hindi namin masabi naganito na lang ang itatagal ng buhay niya, yung mga nangyayari sa kanya. Kasi kahit kami, hindi pa namin tanggap ang nangyayari sa kanya ngayon,"naluluhang kuwento ng aktres.



Gayunman, nagpapasalamat pa rin si Iwa at kahit ganoon ang sitwasyon aynakakapiling niya ang ama sa huling sandali nito sa mundo.



"Kahit ganito ang sitwasyon, at least nasabi ko sa kanya na mahal na mahal kosiya," saad ni Iwa. "Actually, half of his body, hindi na gumagalaw, e, Junelang nalaman na may cancer pala siya, at July kumalat na yun sa buong katawanniya. Bale Stage 4 na nang malaman. Naaawa nga po ako sa kanya kaya gustokong makabalik agad doon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HEIR APPARENT TO KATRINA. Ukol naman sa kanyang showbiz career, itinanggi ni Iwa na siya ang tagapagmanang koronang iniwan ni Katrina Halili bilang numero unong kontrabida ngayon saKapuso network. Siya kasi ang magiging tinik sa buhay ni Heart Evangelista sabagong fantaserye ng GMA-7 na Luna Mystika.



"Huwag naman pong numero unong kontrabida sa GMA-7, kasi baka ma-pressure ako!"nakatawang sambit niya. "And alam naman natin na walang makatatalo kay Katrinapagdating sa pagiging kontrabida. Pero gagawin ko po ang lahat para yungexpectation naman ng tao ay hindi mabigo.



"Actually, si Katrina ang nagtuturo sa akin even before. Noong nagkasama kamisa Magdusa Ka, siya ang nagsasabi sa akin ng dapat kong gawin at hindi dapat.Talagang gina-guide niya ako kung paano ang tamang pag-atake at kung paanomagiging magaling na kontrabida."

Ngayong siya na ang mang-aapi kay Heart, paano kayang atake ang gagawin niya?



"Idol ko si Heart even before na hindi pa ako artista," sabi niya. "Napapanoodko na kasi siya bago pa man ako sumali sa StarStruck. Nag-usap kami beforehandkung paano ko siya aapihin. Sinabi niya sa akin na huwag akong mangimi kungkailangang sampalin ko siya para maging makatotohanan ang role na ginagampanannamin, at para maging maganda na rin ang soap namin."



Sinabi rin ni Iwa na kuntento na siya sa pagiging kontrabida. "Okey na ako satakbo ng career ko. Masaya ako sa anumang role na ibinibigay sa akin ng GMA-7.Ayokong ako ang maging bida dahil ayokong ako ang mamaga ang mukha! Mas gustokong ako ang nagpapamaga ng kanilang mga mukha!" tawa niya.

"At kapag bida kasi," patuloy ni Iwa, "kailangang umiyak ka nang umiyak,mamamaga ang mata sa kaiiyak. At saka ang expectation, ganoon kataas, mahirap.

"Samantalang kapag kontrabida ka, hindi ikaw ang sasampalin, ikaw ang mananakitat puwede ka pang gumawa ng sariling attack. At kahit anong drama atpare-parehong kontrabida ang role na naibibigay sa akin, hindi ko naman iniisipna pare-pareho lang ‘yon. May pinanggagalingan pa rin naman akong iba paramaka-atake ako nang kakaiba pa rin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN