Danita Paner settles issue with mom Daisy Romualdez

"Ako, matagal ko nanggusto na maging maayos kami. Ang mahirap, lagi na langkaming nagka-clash. Magkaiba kasi ng interes sa buhay. Ako, gusto ko dito; siya,gusto niya dalhin ako dun. Siguro malaking bagay rin ang generation gap namin, perookey na kami ngayon," says rock singer Danita Paner about her relationship with mom Daisy Romualdez.



More than a yearago, pinag-usapan ang matinding away sa pagitan ng dating aktres na si Daisy Romualdezat ang anak-anakan nitong si Danita Paner, isang rock singer. Ang pag-aaway ng mag-ina ay nauwi sa paglalayas ng dalaga. (CLICK here to read related article.)

Isasa rason na lumabas noon ay hindi na raw nakayanan ni Danita ang pagiging overprotectiveng kanyang ina-inahan. Madalas din daw pagtalunan nina Daisy at Danita noon ang boyfriend ng dalaga na siKean Cipriano, ang lead vocalist ng bandang Calla Lily. Hindi raw kasi tanggapni Daisy si Kean para kay Danita.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Danita sa Nescafe Soundskool 2008, aband competition, sa ULTRA noong November 15. Masayangibinalita ni Danita sa PEP na nagkabati nasila ng kanyang Mommy Daisy.

"Ako kasi, gusto konang maayos ito before pa," simula ni Danita. "Hinahanda ko pa ang sarili ko.Hindi naman kasi puwedeng bigla-bigla, hindi ko alam kung ano ang ire-reactniya. Then yung tita ko sa mother side, siya yung nag-set-up sa amin.

"One Thursday night, sa Mall of Asia, after ng set ng banda namin for an event,pagdating ko, kinausap niya [her aunt] ako. ‘O, nandun ang Mommy!' Nagulat naman ako,‘Ha, teka lang, ano ang gagawin ko? Baka magalit yun!' Nag-panic ako.

"Habang naglalakadsiya [Daisy], sinalubong ko siya sa labas, niyakap ko. ‘Mommy, sorry, sana dika na galit.' Ang sabi niya, ‘Hindi na ako galit, tapos na yun.' Ayaw na raw niyangmagalit. Siguro na-realize niya na may edad na rin siya, dapat relaxed na rinsiya," kuwento niya.

Sa pag-uusap nilangito ay naging bukas na rin si Danita sa ina-inahan. Matagal na rin kasi niyanggustong maayos ang relasyon nila bilang mag-ina, pero dala ng differences nilaay hindi sila magtagpo sa gitna.

"Ako, matagal ko nanggusto na maging maayos kami," sabi ng rock singer. "Ang mahirap, lagi na langkaming nagka-clash. Magkaiba kasi ng interes sa buhay. Ako, gusto ko dito; siya,gusto niya dalhin ako dun. Siguro malaking bagay rin ang generation gap namin, perookey na kami ngayon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang taon na angnakalipas mula nang umalis ng bahay nila si Danita pagkatapos nilangmagkatampuhan. Sa ngayon ay kasalukuyang nakatira siDanita sa isang condo unit malapit sa eskuwelahang pinapasukan niya.

Hindi man bumalik sabahay ni Daisy si Danita, bukas naman daw ang communication line sa mag-ina.

"Wala ako sa bahaynamin for one year," sabi ni Danita. "Tumira muna ako sa daddy ko tapos humanapkami ng condo na malapit lang sa school ko. Every weekend, umuuwi ako kayMommy. Dun ako natutulog and everyday magkausap kaming dalawa."

Naging issue rinbefore na hindi raw boto si Daisy sa boyfriend ni Danita na si Kean. Ayon kayDanita, wala na rin daw problema sa kinikilalangina ang relasyon niya kay Kean.

"Matagal ko nasiyang [Kean] naipakilala, pero ngayon mas open na siya. In our more than two-yearrelationship, I can say na okey talaga kami, we're happy. Dapat siguro yunginteres ninyo pareho, yung goal ninyo. Dapat mayroon kayong pangarap at dapatokey rin kayo sa family ng bawat isa," saad ni Danita.

Aminado si Danita namasaya siya sa itinatakbo ng kanyang buhay, partikular na sa pagbabati nilangmag-ina.

"Masaya ako, sobrang saya!" sambit niya. "Okey yungstudies ko, nag-i-start uli kami ng banda ko. Okey ako when it comes to mypersonal life, and okay na kami ni Mommy. Sa sobrang saya ko, kaya parangaraw-araw nagse-celebrate ako. Ipagdarasal ko na sana habang buhay nang ganito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN