Singer Donna Cruz has found a new passion—running

by Ricky Calderon
Nov 18, 2008
Donna Cruz may have retired from singing and acting, but this doesn't stop the Cebuana-based singer-actress from being busy and making herself fit. Donna and husband Dr. Yong Larrazabal signed up for a 10-mile marathon to be held next year.

Pagtatakbo ang siyang bagong passion ng semi-retired singer-actress na si Donna Cruz-Larrazabal, na ngayon ay nakatira na sa Cebu.

Ito ang napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula mismo sa dating Viva recording artist, who gave us the hits like "Rain," "Kapag Tumibok ang Puso," "Habang May Buhay," at "Only Me and You."

Ayon sa text message na natanggap ng PEP kahapon ng tanghali, November 17, sasali si Donna sa 10-mile marathon na San Francisco Sur na gaganapin sa April 2009.

Excited nga ang dating singer-actress sa pagsali niya sa marathon dahil first time niyang lalahok sa ganitong klaseng sports event. "Nagpa-register na kami ni Yong [Dr. Yong Larrazabal, Donna's husband]. Sa 42-kilometer race naman siya sa sasali," sabi ni Donna sa kanyang text message.

Mula nang mahilig ang kanyang asawa sa pagtakbo, naengganyo na rin si Donna na subukan ito. Kaya raw niya ito.

"Isang buwan na akong nagte-training in preparation for the race," sabi ni Donna thru text pa rin. "I have been running every day for one month now. Kaya ko na i-cover ang distance na 5 kilometers for 34 minutes. Ang goal ko ay makaabot ng time na 28 minutes for the same distance."

Continue reading below ↓

Sasali rin silang mag-asawa sa Subic Marathon 10-kilometer race sa January. "Masarap tumakbo at enjoy na enjoy talaga ako," wika pa ni Donna, na one month nang nagti-training noong Linggo, November 16. Balak pa niyang sumali sa ibang running events in the future.

Bukod sa pagiging singer ay lumabas din sa maraming pelikula si Donna sa bakuran ng Viva Films. Ang ilan sa mga pelikulang nagawa niya ay Kadenang Bulaklak, Pangako ng Kahapon, DoReMi, Isang Tanong Isang Sagot, at Muling Umawit ang Puso.

Read Next
Read More Stories About
Donna Cruz, Yong Larrazabal
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Donna Cruz may have retired from singing and acting, but this doesn't stop the Cebuana-based singer-actress from being busy and making herself fit. Donna and husband Dr. Yong Larrazabal signed up for a 10-mile marathon to be held next year.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results