Dingdong Dantes also hopes to be friends with Karylle after their breakup

"Simula noong kung anuman yunghuling sinabi ko noong magbigay ako ng pahayag, same pa rin. It's just lastweek, and we're human. Hindi mo naman puwedeng tulugan ng overnight lang yun," replies Dingdong Dantes when asked if he has already moved on after breakup with Karylle.



Habang naghihintay para sa kanyang live interview sa ShowbizCentral noong Linggo, November 16, nakapanayam ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) si Dingdong Dantes sa dressing room ng bagongbuilding ng GMA Network.

Bukas, November 19, ay magbubukas na sa mga sinehan ang OneTrue Love, ang first movie nila ni Marian Rivera bilang movie love team, kasama si Iza Calzado. Ito ay mula sa GMA Films at Regal Entertainment.Mamayang gabi, November 18, ang premiere night sa Cinemas 9 & 10 ngSM Megamall.

Maituturing na isang bonus para sa One True Love ang PG-13 rating nito nmula sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Ayon sa review ng MTRCB chairperson na si Ms. Jackie Aquino-Gavino,maganda ang pelikula at "perfect" ang casting nito.

Hindi naman itinatago ni Dingdong na kinakabahan siya sanalalapit na pagpapalabas ng One True Love.

"Para akong tatay na naghihintay na may lalabas na anak!Kung healthy ba siya, kung bouncing baby boy, kung babae ba... Parang ganoon angpakiramdam!" natatawang paglalarawan ni Dingdong ng kanyang nararamdaman.

Pero aniya, higit sa kaba, mas matindi ang kanyang excitement.

"Because itoang pinakahinintay kong proyekto sa taong ito, and finally, it was given to me.At dumating siya, so kumbaga, gusto ko talaga na makita at malaman kung ano angmagiging reaction nila sa pelikulang ginawa namin dahil maganda siya, and Iwant to share it with them."

Naniniwala si Dingdong na kung anumang mga isyu angkinasangkutan nila sa cast, partikular na sila ni Marian, hindi itomakakaapekto sa outcome ng pelikula.

"As long as maganda ang pelikula, hindi siya magkakaroon ngkoneksiyon or whatsoever sa mga nangyayari sa personal na buhay, because hindinaman dapat. Iba ang nangyayari sa labas, iba ang nangyayari sa shooting.Siguro for some, baka they might be more interested to know kung ano nga ba angmga kaganapan sa pelikulang ito. Kung papaano siya ginawa sa gitna ng mganangyayari noong panahon na yun," saad ng matinee idol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong namin kay Dingdong kung hindi nga ba naapektuhan ngmga personal niyang problema ang paggawa niya ng pelikula. O, nagamit pa niyaito sa kanyang character?

"Siyempre, kumbaga, hindi mo alam kung kailan ka magsi-shiftinto your character at sa totoong buhay. So dapat kapag nasa set ako, as muchas possible, ayokong isipin ang anumang nangyayari. Kapag nagtatrabaho ako, Igive my whole heart, e. Ayoko yung kalahating paa nasa labas.

"Ayoko rin dayain yung sarili ko, yung audience, yungdirector, at co-actors ko. Siguro nakatulong man siya, pero temporarily lang.It's really solving the problem that matters at kung paano mo iha-handle,"paliwanag ni Dingdong.

Malaki ang paniniwala ni Dingdong sa pelikula nila. Kahit sadubbing pa lang daw, nakita na raw niyang kakaiba at maipagmamalaki niya angOne True Love.

"Iba siya because it's a straight drama. Actually,adult drama pa nga, e. Kumbaga, it's very realistic that it could happentomorrow. And nakakatakot oras na mangyari sa ‘yo. Makikita mo yung mga 'whatifs', e.

"Kumbaga, hindi mo siya papanoorin kung sino yung nandoon,it's more on kung paano namin ginampanan ang mga characters namin. At ako,proud ako sa work, especially nilang dalawa, ni Iza at si Marian."

MOVING ON. Sa puntong ‘yon ay iniba na namin ang usapan. Nakapag-movena nga ba si Dingdong mula sa breakup nila ng dating girlfriend na si Karylle?

"The same," sagot niya. "Simula noong kung anuman yunghuling sinabi ko noong magbigay ako ng pahayag, same pa rin. It's just lastweek, and we're human. Hindi mo naman puwedeng tulugan ng overnight lang yun."

Pero naniniwala si Dingdong na mas makakatulong daw talagana hindi na lang ito pag-usapan pa.

"Oo naman, kasi kung sagot ang hinihingi nila, e, nasabi nanaman namin kung anuman ang dapat sabihin. Other than that, that remains withus," saad ni Dingdong.

Natawa lang si Dingdong nang tanungin namin kung sa palagayniya ay bagay sa kanya ang description na "most eligible bachelor."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes, I'm a bachelor. What you see is what you get," sabiniya.

Nasa process na ba siya ngayon of enjoying hissingle blessedness?

"Enjoying? Well, siguro I'll find out kung itong daratingna Pasko, yung mga ganoong bagay. But with what I'm doing regularly, puro workpa lang. Although may waiting period ako for my next soap, may mga iba pa rinnaman akong trabahong gagawin. Pero yung mga pagkakataon na I can live life,outside work, doon ko malalaman kung papaano na ako as single," pahayag ngaktor.

A "LOVELESS" CHRISTMAS." Naa-anticipate na ba niya ang parating na Kapaskuhan na walasiyang girlfriend?

"As long as my family is there, it will always be good,"maikli niyang tugon.

First time ba niyang maging single sa maramingnagdaang Pasko sa buhay niya?

"Yes, since birth!" biro niya. "Hindi...magmula siguromag-start akong mag-artista, which I think that was fourteen years ago... Peroalam n'yo, ang Christmas naman kasi sa akin, ang priority talaga, always ispamilya. So, I think, it will only be the same as long as they are there. Siguro,maaaring may kulang, pero yun ay isang bagay that we have to live with."

Naitanong din ng PEP kay Dingdong ang pagkakadawit palaging pangalan ni Antoinette Taus. Madalas ay iniuugnay pa rin si Antoinette sabreakup nila ni Karylle. Ano ang masasabi niya sa bagay na yun?

"Wala, she has nothing to do with it," diin ni Dingdong. "Atnanahimik na siya sa ibang bansa. We're very good friends and, in fact, ngayon,we can talk about everything. Talk about this, talk about that... And she willgive unsolicited advice which is not biased."

FRIENDS AFTER BERAKING UP. Sa isang interview ni Karylle, nabanggit nito na sinabi raw sa kanya ni Dingdong na gustoniyang maging mag-best friend sila pagkatapos ng lahat. Totoo ba ito?

"Siguro magkaibigan... To say best friend, that will happensiguro in the process. Siyempre, sa mga pinagdaanan naman namin ay higit pa samagkaibigan. So, hindi mo naman matatanggal yun," ani Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung pagbabasehan ang track record ni Dingdong with his pastgirlfriends, masasabing na-maintain niya ang friendship sa mga ito. Mangyayaririn kaya ito with Karylle?

"Hindi ko masasabi. But I really hope...I really hope," sagotniya.

May balitang pagkatapos ng Let's Celebrate concertnila ni Marian Rivera sa Los Angeles, lilipad si Dingdong patungong Las Vegas paramanood naman ng Manny Pacquiao-Oscar dela Hoya boxing match.

"Kung may mahahanap akong tickets, oo...manonood talaga ako. Kasama ko ang daddy ko," sabi niya.

Kung matutuloy ngang manood si Dingdong, magkikita sila niKarylle dahil ang singer-actress ang kakanta ng Philippine National Anthem sa laban ninaPacquiao at Dela Hoya.

"Makikita ko siya, pero ewan ko kung makikita niya ko.Siyempre, ang daming tao dun sigurado," sabi ni Dingdong.

THIRD TEAM-UP. Next month ay magsisimula na raw sila ni Marian namag-taping para sa pangatlong soap opera nila together, Ang Babaeng HinugotSa Aking Tadyang. Si Direk Joyce Bernal pa rin angmagiging director nila. Nabalita na kasi noon na ang Dyesebel na ang hulingpagdidirek sa kanila ni Direk Joyce sa soap.

"Yes, si Direk Joyce pa rin," nakangiting sabi ni Dingdong. "Sigurokasi, ayaw rin nilang masira yung team naming tatlo. Malaking bagay yun, e."

May preparation na ba siyang ginagawa for his new soap andhis new character?

"Wala pa. Hindi ko pa alam ang story, but I'm planning tomeet with Direk Carlo J. Caparas. Kailangan ko munang malaman kung anongcharacter din," sabi ni Dingdong.

Dahil pangatlong beses na nilang magsasama ni Marian saisang soap opera, ito na rin ba ang magiging huli?

"Posible...posible sa TV. Alam ko naman na darating dinang araw na maghihiwalay kami. Pero, hangga't puwede naming i-maximize, e,nandito kami," pagtatapos ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN