Former Eraserheads members Ely Buendia and Raimund Marasigan reunite for a photo shoot

"Everything's okaynow for all of us. Nagkaayos naman na kami ng grupo even beforethe reunion concert here in The Fort. Hindi naman namin itutuloy ‘yon if weweren't okay. They said nga that you can't force it to happen. It will justhappen and heto na nga ‘yon," says Ely Buendia (right) about his former Earserheads band, which included Raimund Marasigan (left).



Natupad na anghiling ng maraming fans ng Eraserheads dahil nagkaayos na nang tuluyan ang dating magkabandana sina Ely Buedia at Raimund Marasigan.

Through theintervention of columnist-eventologist and Embassy owner Tim Yap, napagsamaniya sina Ely at Raimund sa isang photo shoot kasama ang ibang sikat na rockartists na sina Rico Blanco at Jett Pangan para sa isang cover pictorial.

Ayon sa kuwento niTim sa PEP (Philippine Entertainment Portal), naging malaking tulong din angmisis at manager ni Ely na si Diane Ventura sa pag-convince kay Ely to acceptthe photo shoot, kung saan makakasama niya siRaimund.

Sa interview ng PEPkina Ely at Raimund sa Members Only Club sa The Fort kagabi, November 18,sinabi nila na okey naman na silang dalawa noon pa. Naging big deal lang dawang naging eight-year gap nila noong mag-disband ang kanilang famous group naEraserheads.

Ayon kay Ely,Raimund has been a friend through and through. Noong first time siyangnaoperahan sa puso, nandoon daw si Raimund at ang ibang E-heads member nanagdasal para sa kanya.

"Everything's okaynow for all of us," sabi ni Ely. "Nagkaayos naman na kami ng grupo even beforethe reunion concert here in The Fort. Hindi naman namin itutuloy ‘yon if weweren't okay. They said nga that you can't force it to happen. It will justhappen and heto na nga ‘yon."

Nagbiro naman siRaimund na hindi raw niya alam na makakasama niya si Ely sa isang pictorial atpinapunta lang daw siya sa naturang venue. "Pinabili nga lang ako ng suka[vinegar]! Tapos may pictorial na pala!" sabay tawa niya.

"But seriously,"sabi ni Raimund, "we're happy that things are okay. Yung friendship naman ngE-heads was always there lang. Kita n'yo naman, when Eli was hospitalized,nandoon kami to give him and his family the best support we can offer them.

"Maybe this was justthe right time. Nagpapasalamat kaming lahat kay Diane and to Tim who reallythought of this whole thing. It's a great start for everybody."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

In the works na rindaw ang second reunion concert ng Eraserheads. Pero ayaw pang magbigay ngdetalye nina Ely at Raimund dahil inaayos pa lahat ng mga dapat ayusin.

"We will definitelyhave another reunion concert, but we are still talking about it. Kung kelan,mahirap pang sabihin. But it will happen. Let's all pray for it," nakangitingsabi ni Ely.

Sa kasalukuyan, si Ely ang frontman ng bandang Pupil at siRaimund naman ang vocalist ng Sandwich.

"AMBASSADOR OF GOODWILL." Natuwa naman si Timdahil naging successful ang plano niyang pagsamahin sina Ely at Raymund. Noonguna ay akala niya magiging problema dahil baka may isang mag-back out sa photoshoot. Pero naging very cooperative naman daw ang dalawa at doon na nga naganapang pagbabati nila.

Ni-reveal din ni Timna binalak niyang pagbatiin sina Rico Blanco at Bamboo, na dating magkasama sabandang Rivermaya. Pero nag-back out daw si Bamboo dahil may prior commitmentdaw ito, kaya si Rico lang ang nakarating.

"It would have beena back-to-back pagbabati, di ba?" sabi ni Tim. "Pero hindi mo nga namanmapipilit kung hindi pa talaga ready ang bawat isa. But with Ely and Raimund, Iwas so happy that it finally happened, at masaya kaming lahat sa photo shoot.This is going to be a big hit."

Dagdag ni Tim, gustoniyang magkakasundo ang lahat at mas maganda kung masaya ang lahat dahilwalang tension lalo na kung magkikita-kita sa iisang event.

Ginawang example niTim ang pagbabati nina Joey de Leon at Willie Revillame sa Supreme to the Extreme Awards ng Philippine STAR noongOctober 17. Hindi raw intention ni Tim na magkita ang dalawa dahil alam niyaang naging away nila. Pero it was fate that led the two na magbati na inpublic.

"That's what I'msaying," sabi ni Tim. "If it's time for reconciliation, it will just happen.Like with Joey and Willie, wala kaming gimik na pagbabatiin ang dalawa. Kusanilang ginawa 'yon and we were like the instrument kaya nangyari ‘yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon, it's Elyand Raimund which really made us all happy during the photo shoot kasi walangnag-iiwasan and they were all jiving like old friends again."

Si Tim din angnaging tulay upang magkabati ang dati ring magkaaway na sina Ruffa Gutierrez atClaudine Trillo.

Binibiro na nga ngayon si Tim na"Ambassador of Goodwill" na siya dahil sa ginagawa niyang paraan na magkaayosang mga magkaaway.

"Maganda ‘yon. Weall want to live in a happy world and it's good to know na magkakasundo lahat.Let's stop the fighting and let's all be friends. Hindi dahil sa malapit na angChristmas, but because it's a good feeling to know na wala kang kaaway and youare friends with everybody," pagtatapos ni Tim.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN