QTV 11 VJ Hilary Isaac says there's no sibling rivalry between her and sister "Lumen"

"Someday I wouldlike to try acting din naman. Para maiba lang. But right now,mas concentrated ako with radio and my VJ stint. Who knows baka one day, Imight give it a try. Huwag lang kami pag-compare ni Jan because she has moreexperience in acting kumpara sa akin," says Hilary Isaac.


Kahit parehongnasa mundo ng entertainment ang magkapatid na January at Hilary Isaac, wala rawsibling rivalry na nagaganap sa pagitan nila.

Nakababatang kapatidni January, o mas kilala bilang Lumen ng sabong panlaba na Surf, ang radio discjockey at video jock sa QTV 11 na si Hilary. Pareho man silang commercialmodels at kapwa nasa entertainment business, may kanya-kanya raw silangidentity at nagtutulungan silang magkapatid.

Aminado naman siHilary na mas nakakaangat si January sa kanya. Bukod sa mas kilala ito ng masadahil sa character nito as Lumen sa Surf, mas marami rin itong actingassignments for both movies and television.

"Jan has been doingthe Surf commercial for more than 11 years na. Malaki na ang kinita niya sapagiging Lumen, di ba?" natatawang sabi ni Hilary nang makausap siya ng PEP(Philippine Entertainment Portal).

Dagdag niya, "Akonaman, I've done lots of commercials na rin. Paiba-iba ang roles ko kaya enjoynaman ako. Then there's my VJ work with QTV 11 and sa radio show ko everymorning."

Bukod sa trabaho niHilary sa QTV 11, disc jockey din siya sa JAM 88.3. Two years na raw siya sanaturang radio show. Nanggaling siya before sa K Lite 103.5. Kaya naman dawibalanse ni Hilary ang kanyang trabaho sa TV at radio.

"It's really easybecause my radio show is in the morning lang and my VJ work with QTV ay usuallymga late afternoon towards the evening. Kaya no stress at all. Nakakaraket paako because ilang oras lang talaga ang work ko. What I do is really afulfilling thing for me kaya I enjoy every minute of it."

Gusto ring subukanni Hilary ang umarte tulad nang ginagawa ng kanyang Ate Jan. Sabay silangnaging contestant sa reality competition ng ABC-5 noon na Hollywood Dream kayakahit papa'no ay may alam na ng konti sa acting si Hilary.

"Someday I wouldlike to try acting din naman," sabi ni Hilary. "Para maiba lang. But right now,mas concentrated ako with radio and my VJ stint. Who knows baka one day, Imight give it a try. Huwag lang kami pag-compare ni Jan because she has moreexperience in acting kumpara sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DREAM TO HOST A TRAVEL SHOW. Dream ni Hilary na mag-hostsiya ng isang travel show. Since graduate naman daw siya ng InternationalStudies [major in Spanish] sa De La Salle University, she can fully utilize angkursong natapos niya.

"It has always beenmy dream to host a travel show. I love to travel kasi with my family andfriends. Hindi lang naman dito sa bansa natin but to different countries inEurope, Africa, America, and Asia. Mas gusto kong puntahan yung mga smallcountries na bihirang mapuntahan but you will discover na maganda pala siyang bansa.

"But of course,gusto ko munang unahin ma-explore ang Pilipinas. There are still places here nahindi ko pa nararating and want to explore balang araw. I keep asking manypeople nga kung ano ba ang magandang puntahan aside from the usual tourist spotslike Boracay, Batangas, Ilocos Norte, Baguio, Tagaytay, or Cebu.

"Right now, I amvery interested in exploring Palawan. Marami palang puwedeng puntahan at gawindoon. Someday, I love to do a documentary trip of the island of Palawan and itsmany wonders," sabi ni Hilary.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN