Yul Servo beats Hollywood actor Nick Nolte and Egyptian superstar in Brussels

"Paano ba naman, co-nominee ko si Nick Nolte ng Hollywood, para sa entry ng U.S. na Off theBlack! Astig, di ba? Talunin ko ba naman si Nick Nolte?" quips three-time Brussels International Film Festival best actor Yul Servo.



Isa sa matindingachievements ni Yul Servo bilang aktor ay ang pagwawagi niya ng tatlong besesbilang Best Actor sa Brussels International Film Festival sa Belgium. Una parasa Batang Westside noong 2001, sumunod noong 2004 para sa Naglalayag, atpinakahuli ngayong 2008 para sa Torotot (Forbidden Passions).

Ang isa pa niyangpelikula, Brutus, na entry rin sa Brussels International Film Festival thisyear ay nanalo namang Best Asian Film.

Dapat ay sanay nanghumarap sa foreign luminaries si Yul, having won in Brussels three times. Perotodong kaba pa rin daw ang naramdaman niya nang ia-announce na ang pangalanniya for Best Actor.

"Paano ba naman, co-nominee ko si Nick Nolte ng Hollywood, para sa entry ng U.S. na Off theBlack! Astig, di ba? Talunin ko ba naman si Nick Nolte?" natatawang sabi ni Yulsa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Ayokong ilagaysa ulo ko, pero kahit ano pa ang sabihin ng iba, the fact na nakalaban ko angisang Nick Nolte sa isang acting competition, ibang klaseng achievement na yunsa akin.

"The least naini-expect ko, kami ng Egyptian actor na si Nour El Sherif ang magta-tie, peropangalan ko lang ang nabanggit ng presentor. Pareho kaming present ng Egyptianactor na yun sa venue for the awards," kuwento ni Yul.

CHILD MOLESTER. Inaabangan na rinang premiere ng Dose bukas ng gabi, November 20, sa UP Film Institute (CineAdarna). Isa sa mga bida ng indie film na ito si Yul, with Emilio Garcia andchild actor Fritz Chavez.

"Naiiba angrole ko riyan sa mga nagampanan ko," sabi ni Yul. "Child molester.Nang-seduce ng 12-year-old na batang bading. Puro cerebral lang ang sex dito,kasi mahirap maging graphic. Involved kasi ang isang bata.

"As apolitician, marami nang nagtatanong sa akin kung bakit tinanggap ko ang ganitongklaseng role. Simple lang. Kasi, actor ako. I should be open to any challenge,na sa palagay ko naman, hindi ito magiging dahilan para maapektuhan angpagseserbisyo ko sa mga nasasakupan ko sa Maynila," paliwanag ni Yul, na konsehalsa lungsod ng Maynila..

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Dose, na directorialdebut ng screenwriter na si Senedy Que para sa CinemaOne Originals, ay magtatampok kay Yul in hissexiest. Pero hindi naman daw kailangang maghubad.

"Sexy sa paraang matapang ang tema ngpelikula," saad ni Yul. "Yun ang una kong napansin nang mabasa ko angscript, kaya sinabi ko agad kay Direk Maryo [J. de los Reyes, his manager], gustokong tanggapin ang pelikula. Steady and subtle lang ang attack ko sa role ko rito,kaya masasabing iba talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN