Dennis Trillo elated by high ratings of "Gagambino"

"Feeling ko nga, napakasuwerte ko dahil sa kabila ng lahatng nangyari, pagkatapos ng lahat ng gulo, ng mga unwanted issues, heto, magandapa rin ang kinalabasan. At hindi lang basta maganda kundi number one pa," says Dennis Trillo about the success of his GMA-7 fantaserye Gagambino.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si DennisTrillo sa premiere ng One True Love kagabi, November 18, sa SM Megamall. Isa siDennis sa matiyagang naghintay sa pagsisimula ng premiere night ng One TrueLove, na pinagbibidahan ng mga kapwa niya Kapuso stars na sina Dingdong Dantes, Iza Calzado, at Marian Rivera.

Pagpapakita ba niya ng suporta kay Marian, na maituturing nakapatid niya sa kanilang manager na si Popoy Caritativo, ang pagdalo niya sapremiere night ng One True Love?

"Actually, sa kanilang lahat... Kay Iza, Marian, at Dingdong.Kay Direk Mac Alejandre siyempre na ilang beses kong nakatrabaho. Suporta kosiyempre sa industriya natin. Kailangangsuportahan natin. Tayo-tayo lang dito, so tayo-tayo lang ang magtutulungan,"sabi niya.

NO. 1 PRIMETIME SHOW. Hindi naman nakapagtataka kung mas relaxed na ang aura niDennis ngayon. Ito ay dahil masasabing nakalusot na siya kung pagsubok man namatatawag ang pagbibigay sa kanya ng GMA-7 ng Gagambino, ang pinagbibidahan niyang fantaserye.

Ano naman ang pakiramdam niya na ang pinagbibidahangfantaserye niya ang nangungunang primetime show ngayon sa Mega Manila? Ayon sa pinakahuling survey ng AGB Nielsen Philippines sa Mega Manila, ang Gagambino ang top primetime program noong Biyernes, November 14, at Lunes, Nov. 17. (CLICK here to read related story.)

"Siyempre, sobrang saya!" sambit ng matinee idol. "Ako at ang mgakasama ko, sobrang ganado palagi kapag taping dahil tinanggap siya nang maayosng mga manonood, lalo na ng mga bata. Sobrang proud at saka sobrang suwerte!Tingin naming lahat, sobrang suwerte namin na napunta kami sa show na yun."

Inaasahan ba niya na magna-number one ang pinagbibidahanniyang fantaserye?

"Noong umpisa kasi, hindi talaga ako umaasa," sabi niDennis. "Basta ginagawa lang namin yung best namin sa bawat eksenang ginagawanamin sa Gagambino. Pero, kumbaga, dagdag bonus na naging okey siya. Kasi yungexpectation ko, kumbaga, hindi talaga namin inaasahan, sobra!"

Sa palagay niya ba ay "nakalusot" na siya?

"Lusot na lusot talaga!" natatawa niyang sabi. "At sakahindi lang siya yung nakalusot, kasi consistent ang rating niya at number onesiya sa primetime."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado si Dennis na noong hindi pa umeere ang Gagambino,kinabahan siyang talaga dahil alam niyang nanggaling siya sa ilang mga negatibong issues.

"Siyempre, hindi mawawala talaga yun. Kaya hindi akomasyadong nag-expect sa kalalabasan. Pero maganda yung kinalabasan ng show.Magaling lahat ng kasama namin. Magaling ang directors [Topel Lee and DonMichael Perez]. Grabe rin ang pagpupuyat at pagtatrabaho namin. Hindi langdoble kundi grabe talaga yung dedication namin sa show," pahayag ni Dennis.

Natawa si Dennis nang tanungin namin kung nare-recognize naba siya ngayon ng mga tao bilang Gagambino.

"Wala na ngang tumatawag sa akin na Dennis, lahat halos,‘Bino' na! Yung iba naman hinahanap yung gagamba. Talagang apektado sila sa mgaeksenang nangyayari at napapanood nila sa TV. Nakakatuwa kasi yung Gagambino,walang nakakaalam until ipinalabas siya. ‘Ayun, nakilala siya bigla," masayangkuwento ni Dennis.

NO COMPETITION. Dahil sa mataasna rating na nakukuha ng Gagambino, naikukumpara siya agad sa ibang youngactors ng GMA-7, partikular na si Richard Gutierrez, lalo pa't nag-abot angCodename: Asero nito at ang fantaserye ni Dennis. Pero ayaw i-entertain ni Dennis ang competition.

"Hindi ko iniisip yun," sabi ni Dennis. "Basta kung anumanang ratings, basta...mataas ang rating ng Gagambino. Yun lang ang masasabi ko."

Alam ni Dennis na puwedeng gawan ng anggulo o pagsabunginsila ni Richard. Pero as early as now, halatang iniiwasan na ito ni Dennis.

Aniya, "Hindi big deal sa akin kung mataas ang rating kesa sa ganito, naungusanor hindi. Basta ang maganda do'n, ang importante do'n, yung naungusan namin angkabilang istasyon [ABS-CBN]. Hindi namin iniisip yung maungusan mo yung kapwaka-show mo sa GMA, di ba?" saad niya.

At this point, Dennis is just thankful and blessed sa lahatng nangyayari sa career niya. Hindi na lamang siyang isang award-winning actor,pero nagagawa pa rin niyang magdala ng show.

"Feeling ko nga, napakasuwerte ko dahil sa kabila ng lahatng nangyari, pagkatapos ng lahat ng gulo, ng mga unwanted issues, heto, magandapa rin ang kinalabasan. At hindi lang basta maganda kundi number one pa,"nakangiti niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN