Joyce Bernal directs Dingdong and Marian for the third time in "Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang"

"Actually, tinanong ko rin. Sabi ko, ‘Bakit ako?' Tapos yunnga, sabi nila, ayaw nilang i-break yung team. Even the management thinks nahindi pa kami tapos sa isa't isa. So, sabi ko, bakit hindi ko nga naisip ‘yan?Ganun-ganon," says Joyce Bernal about directing Dingdong Dantes and Marian Rivera for the third time.



Bukod sa pagiging direktor ng dalawang magkasunod na primetimeseries nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na Marimar at Dyesebel, maituturingna personal friend na rin ng dalawa si Direk Joyce Bernal. Kaya hindinakapagtatakang dumating si Direk Joyce at nagbigay ng suporta sa premiere ng OneTrue Love sa SM Megamall kagabi, November 18. Sina Dingdong at Marian ang bidasa pelikula, kasama si Iza Calzado.

Bago magsimula ang premiere night, nagpaunlak muna nginterview si Direk Joyce sa PEP (Philippine Entertainment Portal). Kinumpirmaniya na siya muli ang magiging direktor ng ikatlong primetime seriesnina Dingdong at Marian, Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Ito ay base sa nobela ni Carlo J. Caparas at isinapelikula noong 1981, na pinagbidahan nina Vivian Velez at ng yumaong actor-director na si Eddie Rodriguez.

Kahit daw si Direk Joyce ay nagulat na sina Dingdong atMarian pa rin ang ididirek niya sa next project niya sa GMA-7. Ang pagkakaalamdaw kasi niya, tulad ng alam ni Marian, last soap na nila together ang Dyesebel.

"Hindi ko rin alam," sabi ni Direk Joyce. "Nitong two weeksafter pa siguro ng Dyesebel ko lang din nalaman na yun nga... Tapos, yun angin-offer sa akin. So, umoo ako, pero nag-isip din ako."

Bakit siya napaisip?

"E, kasi, sila na naman, parang ganoon. E, nalaman ko, maypahinga naman pala nang mahaba-haba," ani Direk Joyce.

Pero nandoon pa rin ba ang challenge naidirek sina Dingdong at Marian sa ikatlong pagkakataon?

"Well, yun ang challenge sa akin," sagot niya. "Pero nangmalaman ko ang kuwento, ‘A, okay!' Huwag lang nila akong ibabalik sa Marimar atsaka sa Dyesebel. Kasi, parang wala na rin akong ibibigay sa kanila. Kung yungdalawa, meron pa silang maibibigay, ako, feeling ko lang, wala na."

Tungkol saan ang Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang?

"It's actually an action, suspense, drama," sabi ng director.

Nakikita na ba niya sina Dingdong at Marian sa mga bagonilang characters?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, yun kasi, kay Direk Carlo J. Caparas ‘yan. So, bukas[November 19] pa lang ang meeting namin. Pero mas nae-excite ako, kasi siMarian kasi yung nasa underworld, like sa masasamang loob, kidnapping, yungganoon."

May pressure for sure na maging number one sa rating ang AngBabaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, gaya ng Marimar at Dyesebel. Sa tingin kayani Direk Joyce ay mahihigitan ng ikatlong series nila ang Marimar at Dyesebel?

"Hindi ko alam how the TV audience... Hindi ko sila matimpla,e. Kasi, sa gusto kong eksena, yun pa ang mahinang mag-rate. Yung mga hindi kogusto, yun pa ang nagre-rate. So, hindi ko natitimpla. Clueless ako sa TV,"sabi ni Direk Joyce.

Masaya sina Dingdong at Marian na si Joyce pa rin angdirektor nila sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Ayon nga kay Dingdong,ayaw nilang masira team nilang tatlo. Ano ang masasabi ni Direk Joyce dito?

"Actually, tinanong ko rin. Sabi ko, ‘Bakit ako?' Tapos yunnga, sabi nila, ayaw nilang i-break yung team. Even the management thinks nahindi pa kami tapos sa isa't isa. So, sabi ko, bakit hindi ko nga naisip ‘yan?Ganun-ganon."

Ayon kay Direk Joyce, sa December na raw nilasisimulan ang taping ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Pero dahilsa pagiging busy nina Dingdong at Marian, halos nasa lima o anim na tapingdays lang siguro ang magagawa nila bago magtapos ang taon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN