"One True Love" to be screened in several U.S. cities

GMA Films President Annette Gozon-Abrogar reveals to PEP that after One True Love, the film arm of the Kapuso network will start working on the second team-up of Richard Gutierrez and KC Concepcion.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang GMAFilms president na si Atty. Annette Gozon-Abrogar habang hinihintay angred-carpet premiere screening ng One True Love kagabi, November 18, sa SMMegamall Cinemas 9 & 10.

Ang One True Love ay tinatampukan nina Dingdong Dantes, IzaCalzado, at Marian Rivera. Ito ay mula sa direksiyon ni Mac Alejandre.

Binanggit namin kay Ms. Annette na maraming mga kababayannatin sa abroad ang nagre-request ng international screening ng One True Love, isana rito ang Singapore.

"Talaga? Salamat," nakangiting sabi ni Ms.Annette. "Dapat pala ay makipag-usap kami sa kung sino ang puwede namingmaging contact doon. As of now kasi, sa USA pa lang ang naka-schedule naminginternational screening."

Ibinalita ni Ms. Annette na dadalhin ngayong araw,November 19, ang kopya ng One True Love sa Micronesia Theater sa Guam.Magsisimula na kasi ang screening nito sa Friday, November 21, at magtatagalito hanggang December 5.

Susundan ito ng eight city tours sa Los Angeles, SanFrancisco, New York, Las Vegas, at Hawaii. Every weekend ang internationalscreening ng One True Love from November 29 to December 21.

May possibility ba na makadalo alinman kina Dingdong,Marian o Iza sa screening ng pelikula abroad?

"Hindi kami nag-promise sa mga in-charge ng showingdoon na makadadalo sila," sabi ni Ms. Annette. "Pero ita-try daw nina Dingdongat Marian kung mabibigyan sila ng oras pagkatapos ng concert nila sa ShrineAuditorium sa Los Angeles on December 5.

"Si Marian kasi, kailangang bumalik agad dito for herprevious commitment. I don't know si Dingdong, kung tuloy siyang manonood ngPacquiao-Dela Joya fight sa Las Vegas on December 6."

FUTURE PROJECTS. Nakibalita rin ang PEP tungkol sa mga naka-lineup naprojects ng GMA Films at maging ng GMA-7 na rin.

"Tomorrow [November 19], story conference na ngValentine movie nina Richard Gutierrez at KC Concepcion, with Direk Joey Reyesand scriptwriter Aloy Adlawan. Wala pa kaming title sa movie, pero hopefully,mag-start na kaming mag-shooting sa last week of November," sabi ni Ms.Annette.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May possibility ba na mag-shoot din sila sa abroad?

"Hindi pa namin alam," sagot ng lady producer."Magdi-depend ito sa schedule nina Richard at KC, pero nag-submit na sila ngschedules at kailangan naming sundin ‘yon. Magkakaroon na rin kasi sila ngkani-kanilang soap."

Binanggit ni Ms. Annette na magsisimula nang mag-taping siRichard ng kanyang next primetime series sa GMA-7 na Zorro sa January; sa March2 ang pilot nito. Magte-taping na rin ang aktor ng Full Force Nature, aonce-a-week show na ipapalit sa World Records ni Paolo Contis.

Kung sa February 11, 2009 ipalalabas ang Valentine movienina Richard at KC, kailan naman ang playdate ng horror-suspense-thriller movieni Robin Padilla na Sundo?

"Siguro by March 2009 na," sagot ni Ms.Annette. "Parang hindi magandang salubungin ang New Year na isang horrormovie ang ipalalabas namin."

Dagdag niya, "Baka isunod na namin ang movie ni Gabby[Concepcion]. Nakipag-usap na siya sa amin na itutuloy na niyang gawin ang project.Wala pa kaming final na usapan dahil, sa ngayon, nasa San Francisco siya. SaJanuary 2009 pa siya babalik dito.

"Then, itutuloy na rin namin ang Part 2 ng Ouija withJudy Ann [Santos] and Jolina [Magdangal]. Sa abroad ang shooting nito, perohindi pa namin na-decide kung saan sa States."

Ibinalita rin ni Ms. Annette ang pagsisimula ng tapings ngtatlong malalaking soaps ng GMA-7 for next year: Totoy Bato, Ang Babaeng Hinugot SaAking Tadyang, at All About Eve.

Nakausap din ng PEP si Joey Abacan, Vice-President ng GMAFilms. Si Joey ang in-charge sa pagkuha ng mga Asianovela ng GMA Network.Sinabi niya sa amin na ang Koreanovela na Money War ang ipapalit nila saipinapalabas pa nilang ngayong My Husband's Woman, na matatapos na sa November27.

Pagbibigyan din daw nila ang request ng fans na ibalik angoriginal na Kim Samsoon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN