Mark Gil reacts to brother Michael de Mesa's announcement to quit showbiz

"Hindi naman niya dapatin-announce yun, e. Kahit saang parte ng mundo siya pumunta, artistasiya. Parang si Cherie [Gil, Mark and Michael's sister],nag-announce-announce din, pero bumalik din naman sa showbiz. Siyempre, hindinaman talaga niya maiiwan ang showbiz dahil nasa dugo at laman niya," says Mark Gil (in photo) about brother Michael de Mesa's announcement to quit showbiz.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) angveteran actor na si Mark Gil sa presscon ng indie film na Puntod noong Martes,October 18. Nagbigay ng reaksiyon si Mark sa naging pahayag ng kanyang kapatid na si Michael de Mesa sa balak nitong talikuran na ang showbiz.

"Natatawa lang ako," sabi ni Mark. "Hindi naman niya dapatin-announce yun, e. Kahit saang parte ng mundo siya pumunta, artistasiya. Parang si Cherie [Gil, Mark and Michael's sister],nag-announce-announce din, pero bumalik din naman sa showbiz. Siyempre, hindinaman talaga niya maiiwan ang showbiz dahil nasa dugo at laman niya."

Parehong artista ang mga magulang nina Mark, Michael, at Cheriena sina Rosamarie Gil at Eddie Mesa. Karamihan ng mga anak ng magkakapatid ay nasa showbiz din.

Si Mark ba ay hinding-hinding iiwan ang showbiz?

"Of course, at hangga't gusto ko," sagot niya. "In our casenaman, hindi naman kami namimili ng role. Big role, small role, there's no suchthing as a small role, para sa amin. Pero kahit naman saan ka pumunta, kahit ako pumunta sa America,basta may Filipino community, Mark Gil ako, Michael de Mesa pa rin siya. Andthen your sideline will still be performing."

Ano ang reason na ibinigay ni Michael kung bakit gusto niyanang mag-quit sa showbiz?

"Siguro, he's saying goodbye to the system for now, " sagotni Mark "The system is just totallydifferent na. So many stars, so many actors na ngayon. They tie you up, thenthey don't use you. Iba na."

Dagdag niya, "The network war is very unhealthy. Basta mayginawa ako sa isang network, hindi ako makakagawa sa ibang network. Hindi akomakakagawa rito hangga't ineere nila yung dito. So, tengga rin ako. That'swhy I think of saying goodbye too, yung the system—not the work, not the art."

May regret ba si Mark Gil sa showbiz?

"No, none," sabi niya. "Itong buhay ko, buhay ng buongpamilya. Like I would say, ito ang nagtustos ng pag-aaral namin. Ito rin angnagtutustos sa pag-aaral ng mga anak namin. I'm proud of being an actor. More so, I've been in this business thirty years. I like the respect. I earned it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado si Mark na talagang napu-frustrate siya sa sistemangayon sa showbiz.

"But it doesn't affect me. Personally, it does not. Well,minsan nakakainis, ‘no. But it doesn't affect my life. Ano lang,nakakapanghinayang para sa mga baguhan. Like my son, si Sid [Lucero]. He's oneout of hundreds. Panahon ko, I'm one of five, one of six contemporaries. Now it'slike one out of one million. And they come and go," opinyon ni Mark.

INDIE VS. MAINSTREAM MOVIES. Ang Puntod ay pang-pitong indie film na nagawa na ni Mark.Saan ba siya nag-e-enjoy, sa paggawa ng indie film or mainstream?

"Well, in my case pag mainstream kasi, ano na yung role mo,e, it's either tatay ka ni ganito or kontrabida ka ni ganito. Pag mainstream,mas lucrative. Now, wala nang dream role, e, dream project na lang. Like, I'dlike to do a movie with the likes of Judy Ann Santos and Piolo Pascual, yungmga sikat na sikat. Maganda na yung part ka nung project na yun. But ifyou ask me a dream project, I wanna work with Vilma Santos again.

"Ang indie naman is not lucrative. Honorarium lang ‘yan, e.Barya lang ‘yan, e. Pero yung passion, yung involvement at yung importanceng ikaw, involve ka sa lahat, e... Sa production pati leading lady mo,pagpili, story, the direction, everything. 'Tsaka the freedom, walang MTRCB[Movie and Television Review and Classification Board] dito," pahayag ni Mark.

Mula nang pasukin ni Mark ang showbiz ay nakagawa na siya ngmahigit isang daang pelikula. Sa mga pelikulang nagawa ni Mark, ano angpinakapaborito niya?

"Marami akong nagawang maganda. Siguro ilan sapaborito ko ay yung Batch '81. Tapos yung Miss X with VilmaSantos. Ang Miss X ang nagdala sa akin as matinee idol. So,I had the mix of an actor and a matinee idol kasi naging leading man ako,e. Gusto ko rin yung Magnifico. Yung Kid, 'Wag Kang Susuko, I won an awardthere. Best supporting ako sa CMMA [Catholic Mass Media Awards]... Marami pa akong paborito," saad niMark bilang pangwakas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN