Roxanne Guinoo says it's hard to maintain a relationship in showbiz

"It's hard talaga na parang i-separate angpersonal sa trabaho kasi you work kayo pareho sa showbiz, di ba? Parangmahirap...ako nahirapan. Pero ako naman kasi, pag nasa relationship, fightlang ako ng fight," says Roxanne Guinoo.



Nag-guest sa showbiz talk show ng TV5 na Juicy ang young actress na si Roxanne Guinoo kahapon,November 19.

Tinanong siya ni AlexGonzaga, isa sa hosts ng Juicy, kung ano ba sa buhay niya si Carlo Aquino.Nali-link kasi ngayon sina Roxanne at Carlo.

Sabi ni Roxanne," Si Carlo, super friendko lang siya. Nagkakilala kami kasi yung AD [assistant director]namin sa Ligaw na Bulaklak, ipinakilala niya sa akin siCarlo. Tapos ayun, bonding-bonding. Wala naman e. ‘Yang si Maja [Salvador, fellow ABS-CBN artist]ang nagsasabi na nililigawan ako ni Carlo."

Sundot na tanong ni Alex, "Nililigawan ka ni Carlo?"

"Actually, hindi," sagot ni Roxanne "Paanobang manligaw ang mga boys? Kasi ang nangyayari sa akin, nade-develop akosa mga ka-loveteam ko. So, hindi ko na-experience na naligawan ako ngbongga."

Unang naging boyfriend ni Roxanne sa showbiz si JorossGamboa. Sumunod ay si Jake Cuenca. Matagal na rin namang hiwalay sinaRoxanne at Jake. Kaya tanong ni Alex kay Roxanne kung ready na ba siya na ma-inlove ulit.

"Naku, hindi pa! Dyusko, hinihintay ko na si Mr. Right,nasaan ba? Puwede ba silang mag-audition sa show na ito!"natatawang sagotni Roxanne.

Parehong artista ang naging boyfriendsni Roxanne, tanong ni Alex kung mahirap bang magkaroon ng karelasyonna artista.

"Oo, mahirap, kasi minsan darating kayo sa point naparang feeling ninyo, magkakumpitensiya kayo. Magkakaroon kayo ng ganung isyu.Minsan gusto mo na maghilahan kayo pataas, pero siyempre surrounded kayong mga maraming...alam mo na, conflict of interest.

"It's hard talaga na parang i-separate angpersonal sa trabaho kasi you work kayo pareho sa showbiz, di ba? Parangmahirap...ako nahirapan. Pero ako naman kasi, pag nasa relationship, fightlang ako ng fight," saad ni Roxanne.

MONITO-MONITO. Pagkatapos nito ay naglaro ng isang game si Roxanne Tinawagitong "Monito-monito" ni Alex. Pag bubunot daw siya sa bowl sa mga pangalanng malalapit o connected kay Roxanne ay sasabihin niya kung anong gift angibibigay niya rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Unang pangalang nabunotni Alex ay si Katrina Halili, na nali-link ngayon kay Joross. Anong"something round" ang ibibigay niya kay Katrina?

"Bilang kasama ko siya kagabi, magbibigay ako ng pillowna round na round. Kasi nung pagsakay niya dun sa car, antokna antok. Mukang sume-segue lagi. Siyempre yung pang-kotse, kahitsaan madadala. I think yun naman yung puwede dun kay Katrina," sagotni Roxanne.

Sumunod na nabunot ni Alex ay ang pangalan niJoross. Anong "something sweet" na ibibigay ni Roxanne sa kanyangex-boyfriend?

"Picture ko. Ay, sweet ako, alam niya yan!"natatawang sabi ni Roxanne. "Para ma-reminisce niya lahatyung sweetness namin."

Anong "something soft" naman ang ibibigay niya kay Jake Cuenca?

"Pass! Ayoko, huh! Kasi hard pa sa akin kaya ayokongmagbigay ng something soft," tanggi ni Roxanne

Ang pangalan ni Bea Alonzo ang sumunod na nabunot ni Alex.Si Bea ang sinasabing naging girlfriend ni Jake after nilang mag-break niRoxanne. Anong "something heart" ang ibibigay ni Roxanne kay Bea?

Halatang nagulat si Roxanne na napasama ang pangalanni Bea kaya ang naging sagot niya ay, "Bakit ba kasi nilalagay ninyoang pangalan ng mga taong ‘yan? Napaka-juicy ng mga hinahanap ninyong sagot... Siguroyung heart ko na lang!" tawa niya.

Huling nabunot ni Alex ang pangalan ni Carlo. Anong "somethingred" ang ibibigay dito ni Roxanne?

"Siyempre, heart ko rin," sagot niya.

Biniro ni Alex si Roxanne na dalawa raw ang puso nitodahil ang kanyang heart ang ibinigay nito kay Bea at ganundin ang ibinigay nitokay Carlo.

"Dini-divide ko na kasi ang puso ko," sagot namanni Roxanne.

Bakit dini-divide ni Roxanne ang puso niya?

"Ay, love ko si Carlo! Love ko talaga 'yan,"aniya.

Since nabanggit ang pangalan ni Bea sa nasabing games,tinanong ni Alex si Roxanne kung totoo ba na nang magkita sila ni Bea saisang variety show ay nag-deadmahan sila.

"Hindi,"sagot ni Roxanne. "Civil lang kami.Kung ako may isyu kasi, like yung isyu namin, isyu ko with Jake notwith Bea. So out ako sa picture kung anuman meron sila meron saamin. Nirerespeto ko sila. Yun din naman ang gusto ko, irespeto rin nilaako, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman sila as colleague?

"Okey naman kami. Hindi rin naman kami talaga closeever since. So pag trabaho, trabaho, ganun. Pag maytsansa kaming mag-usap, nag-uusap kami. Pero hindi talaga kamiumaabot sa puntong super kuwentuhan o bonding, ganun," sabi ni Roxanne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN