Singer Kris Lawrence dismisses rumor that Katrina Halili stole him from Jasmine Trias

"Sobrang totoong tao siya. Yung mga roles niya sa pelikulaor sa TV na kontrabida at maldita siya, malayo yun sa reality. Kasi satotoong buhay, totoong tao siya... Mabait, very sweet, maalaga, malambing. Prettymuch everything the I look for in a girl, nasa kanya," says Kris Lawrence about rumored girlfriend Katrina Halili.



Nali-link ngayon ang Star in A Million 2006 champion na si KrisLawrence sa sexy actress na si Katrina Halili. Marami ang nagsasabing masuwerteang male singer dahil si Katrina ang special someone niya ngayon.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Kriskung ano ang pinakagusto niya sa pagkatao o personalidad ni Katrina, bukod sa isa ito pinakaseksing babae ngayon sa Philippine showbiz.

"Ang pinakagusto ko sa kanya yung ugali niya, yungpersonality niya," sabi ni Kris. "Kasi sobrang totoong tao siya. Yung mga roles niya sa pelikulaor sa TV na kontrabida at maldita siya, malayo yun sa reality. Kasi satotoong buhay, totoong tao siya... Mabait, very sweet, maalaga, malambing. Prettymuch everything the I look for in a girl, nasa kanya."

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Katrina ay sinabi nito na"very sweet" din si Kris. Ikinuwento pa ng Kapuso star na binigyan siya ni Krisng isang special CD na pinaghirapang gawin ni Kris.

"Oo, binigyan ko siya ng CD na may kanta, ako yung kumantaat ni-record ko. The one I gave to her was yung song na ‘Now and Forever,' yungkay Richard Marx," kuwento ni Kris.

Bago nagkaroon ng "mutual understanding" sina Kris atLawrence, na-link muna si Katrina kay Joross Gamboa. How true na si Kris angnagpatigil kay Joross sa panliligaw kay Katrina?

"Hindi, I haven't talked to him about Katrina," sabi niKris. "We [him and Joross] know each other, pero hindi kami ganun ka-close. Peroif we see each other, we talk, we joke around."

Dagdagpa ng singer, never daw nilang pinag-usapan ni Joross si Katrina.

Na-link din dati sina Katrina at Marvin Agustin. Kinausap bani Kris si Marvin about Katrina?

"Si Marvin? Hindi, pero naririnig ko na before me, siyayung nali-link kay Kat," sabi ni Kris.

Okay lang naman daw kay Kris kung na-link man si Katrina saibang lalaki bago siya dumating sa buhay ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okay lang, that's the past na naman. Siyempre, wetalk about the past. It's a great way to know more about the person. And Ican't change the past, I have to accept it."

Pero hindi na raw papayag si Kris na may manliligaw pangibang lalaki kay Katrina ngayon.

"Hindi ako papayag," diin ni Kris. "If she does somethingthat's disrespectful to me, siyempre mahe-hurt ako, di ba?"

Nagbigay rin ng comment si Kris sa intriga na inagaw siya niKatrina sa dating American Idol finalist na si Jasmine Trias.

"Natawa ako dun kasi sobrang hindi totoo. Last year pa kamibreak ni Jasmine, kaya hindi niya [Katrina] ako inagaw. With Jasmine also, Idon't know kung official din kami, mga months lang kami," paglilinaw ni Kris.

Bakit sila nag-break ni Jasmine?

"Hindi ko alam... Long distance, mahirap, e," aniya.

Tinanong namin si Kris kung anong meron ang isang KrisLawrence at nahulog sa kanya ang isang Katrina Halili.

"Hindi ko alam!" tawa niya. "Baka mabait lang ako sa kanya.Nagtataka din ako! I'm just blessed and lucky, and I'm thankful that whatever wehave, I'm happy."

Ibinalita rin ni Kris na lalabas na ang bago niyangalbum next year.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN