Glaiza de Castro admits watching concert with Patrick Garcia, denies he's courting her

"Wala akong dapatikatakot if ever manligaw siya because he's single. Hindi ako takot sa sasabihin ngtao, kundi sa mga nakapaligid. Kasi parang yung iba, magdudugtong ng intriga nahindi naman totoo. But as of now, wala talagang nangyayari, nothing to worry about," says Glaiza de Castro about Patrick Garcia.



Hindi itinanggi ni Glaiza de Castro ang nabalitaan ng PEP(Philippine Entertainment Portal) na magkasama sila ni Patrick Garcia na nanoodng concert nina Chris Brown at Rihanna noong Linggo, November 16, sa The Fort.Pero nilinaw ng young actress na kasama rin nilang nanood ang magkasintahang sinaIsabel Oli at Paolo Contis.

Paliwanag ni Glaiza, "Niyaya niya [Patrick] po ako at gustokong mapanood nang live sina Rihanna at Chris kaya sumama ako. Wala naman akongnakitang masama kung sasama ako at apat naman kami. Hindi ko masasabing dateyun, pero first time naming lumabas na magkasama."

Nanliligaw ba sa kanya siPatrick?

"Hindi po," sagot ng dalaga. "Hindi ko rin alam kung bakitako ang niyaya niyang manood ng concert. Hindi pa nga kami formally introduced,pero friends kami sa Facebook at nagte-text siya at wala namang ibig sabihinyun."

Paano ‘pag nanligaw sa kanya si Patrick?

"Wala pa sa isip ko ang mag-boyfriend," sabi ni Glaiza."Alam kong 20 years old na ako, pero parang ayoko pang pumasok sa isangrelasyon. It's the farthest thing on my mind right now. Mahirap ‘pag inisip koang ganung bagay, e, nakikipagkaibigan lang naman si Patrick.

"'Saka, focused ako sa trabaho. Masaya kami sa Gagambino dahilumabot sa 39.3 percent ang rating ng show noong November 17. Dasal naminglahat, umabot kami sa 40 percent para mas masaya. Kaya wala muna sa isip ko anglove na ‘yan."

Kahit ayaw pa niyang magka-boyfriend, tiyak namali-link sila ni Patrick. Hindi ba natatakot si Glaiza ma-link kay Patrick na isanang binatang ama?

"Wala akong dapat ikatakot dahil hindi nga siya nanliligawat wala naman siyang masamang intention," paglilinaw ni Glaiza. "Wala akong dapatikatakot if ever manligaw siya because he's single. Hindi ako takot sa sasabihin ngtao, kundi sa mga nakapaligid. Kasi parang yung iba, magdudugtong ng intriga nahindi naman totoo. But as of now, wala talagang nangyayari, nothing to worry about."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naalala ni Glaiza na nagkasama na sila ni Patrick nangmag-guest ang aktor sa defunct GMA-7 youth-oriented show na Boys Next Door, kung saan mainstay si Glaiza. Pero dahilguesting lang yun, hindi sila naging close. Pero maya-maya raw ay nagti-text atnakatulong din ang Facebook account nila pareho para magkaroon sila ngcommunication.

How doos she find Patrick?

"Unexpectedly cool siya," sagot ni Glaiza. "Malalim atmahilig sa poetry. He's interesting at maraming alam. Alam ko ring he's a verygood actor."

Paano ‘pag pagsamahin sila ng GMA-7 sa isang show?

"Okey lang sa akin, no problem," aniya. "Hindi ako umaayawsa trabaho at gusto ko nga marami akong trabaho. Nag-iipon ako para makabili ngbahay para sa pamilya ko. Kaya nga tuwang-tuwa ako nang masama ako sa Gagambino, at sa primetime pa dahil matagal din akong walang regular TV show. Mahirappara sa family namin at mabuti na lang, noong wala akong regular show, angbrother ko [Alchris Galura], may mga projects, nagkakatulungan kami."

Dagdag ni Glaiza, kahit alam niyang second choice lang siyasa role bilang Leah sa Gagambino, dahil kay Yasmien Kurdi unang in-offer ang role at tinanggihan niya ito, agad itong tinanggap ni Glaiza. Hindi problema sa kanya kahitpang-fifth choice pa siya. Ang importante raw ay may trabaho na uli siya.

Nanghinayang nga si Glaiza dahil makakansela pa yata angdigital film na Rakista, which is produced and directed by Quark Henares.Tumigil daw kasi sila sa shooting at wala na siyang balita sa project.

Excited naman si Glaiza sa celebrity premiere ng Hollywoodfilm na Twilight sa November 26. Nag-usap-usap na raw sila ng co-starsniya sa Gagambino na sina Isabel, Jennica Garcia, at Nadine Samonte nasabay-sabay silang manonood ng "most-awaited movie of the year." Hindi pa lang dawniya tiyak kung saang sinehan sila manonood at may in-charge para kumuha ngtiket.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Ipinagmalaki pa ni Glaiza na may kopya siya ng librong MidnightSun. Sana rin daw ay tapusin na ng author na si Stephenie Meyer ang libro para matuwa ang mgakagaya niyang "Twilighters."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN