Billy Crawford reveals that his father has cancer

"But as I've said, I need to spend time with my father, 'yonnaman ang inuuna ko, e. Kahit walaakong trabaho or whatever, my family comes first, no matter what happens," says international singer Billy Crawford.


Pumutok ang balitang paglipat diumano niDiether Ocampo sa GMA-7, ang rival network ng ABS-CBN. Tiyempo naman na nakausap ng entertainment press si Billy Crawford sa opening ng branch ng Fox Clothing Company kahapon,November 19, sa Greenbelt 5, Makati City. Kaya naman hiningan siya ng kanyang opinyonukol dito.

Matatandaan na isa rin si Billy sa mga artista na "nag-oberda bakod" ngayong taon mula sa GMA-7 papuntang ABS-CBN. Ayon sa kanyang paliwanag, kinausap siya ng Endemolnoon habang nasa California upang mag-host ng singing contest na Pinoy DreamAcademy.

Ano ang masasabi ni Billy sa paglipat naman ni Diether sa Kapuso network?

"We'rehappy where he thinks his career will take him. I think he definitely has the power of heart and he's gonna worknaman, 'no?" sabi ni Billy.

Paliwanag niya, "You know, it's kinda hardto decide which company you'll be in. To be honest with you, it's work for us, pero it's also limited to thefans that we need their suporta. I thinkwe're all doing good sa mga sumusuporta sa amin. And, you know, no matter what network you are na sumusuporta,from what you do, from what passion sa ginagawa namin. So, kung happy na lilipat si Diet, ofcourse, good luck."

Kahit papaano ay naiintindihan naman niya ang desisyonni Diether kung sakaling lilipat talaga ang aktor sa GMA-7. Aniya, "As John [Prats] said, he will be amissed soldier 'cause I'm a new soldier here [ABS-CBN]. So, I kinda understand where he's going into. Of course, different naman ang job namin.I'm a performer here, he's an actor. For wherever he's going, hopefully he will be happy there and, you know,mag-enjoy lang siya. But we'll alwaysbe here as friends."

INTERNATIONAL SINGING CAREER. Kinumusta rin ng entertainment press ang plano noon ni Billy namagbalik na lamang sa France, kung saan kinikilala siya bilang isang sikat na singer. Ayon kay Billy, bumalik siya sa Pilipinasdahil, "May trabaho kasi. 'Yon nga,it's a blessing na nandito ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin naman ng PEP (Philippine Entertainment Portal)kung paano na ang kanyang career abroad, ito sinabi niya:

"Ang kino-concentrate ko naman sainternational ngayon is mostly producing and song writing, hindi naman ako'yong artista. I can always producesongs and write for other people. 'Yongcareer ko rin naman do'n, of course, is put on hold right now. Pero I'm justdoing so much more right now. Actually,I'm also leaving for France by next year."

Kahit na pansamantalang iniwan ni Billy ang kanyang career abroad, masaya naman daw siya sa nangyayari sa kanya saPilipinas.

"I'm just happy and I'm veryexcited to look forward to a new beginning—to career, to love. I'm here to do my job, I'm here to do agreat job to really show the people that I'm here, and hopefully masuportahanako ng mga tao. So, stay humble, keephumble, keep my feet on the ground, and I'm just happy, I'm happy witheverything."

CHRISTMAS WITH FAMILY. Napag-usapan din kung paano ipagdiriwang ni Billy ang kanyangPasko ngayong taon. Sa puntong ito,nalaman ng entertainment press na may karamdaman pala ang kanyang ama.

"We'll be here for Christmas," sabi ni Billy. "My father is flying over from the States. As I've said, he's sick so he wants to spendtime with the family, no matter what. So, spending time on Christmas and New Yearis definitely with the family."

Sa kabila ng malungkot na balita na ito, naging positibo parin naman si Billy. Aniya, "You know,life's tough no matter what happens. Everybody has their own set of problems that they're dealing with. I'll be fine. Everybody has to be strong. Nadadaan 'yan with prayers and my dad is a strong man. He's old but he's strong. He can still make his feet up and still bedoing the same thing. I love my dad andI'm happy that we're gonna be a whole family again here for the Christmas."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang karamdamanng ama ni Billy?

"He has cancer...multiple," malungkot na sabi ng singer. "We're justfinding out. He just got through sometests and some [chemotherapy]. This isthe second... We got it taken care oflast year and bumalik na naman..."

Muli, naniniwala si Billy na malalabanan din ng kanyang amaang karamdamang ito.

"He's getting old, you know," ngiti niya. "But as I've said, hindi magpapatalo ang daddy ko. Malupit 'yong si Dad! I love my dad, that ‘swhy he's coming for Christmas [and we] give him support, you know."

Dagdag niya, "But as I've said, I need to spendtime with my father, 'yon naman ang inuuna ko, e. Kahit wala akong trabaho or whatever, my family comes first, nomatter what happens."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN