Matt Evans strips to his undies for new endorsement

Young actor Matt Evans is the latest addition to the celebrity endorsers of Walker Undergarments. Other endorsers are Jericho Rosales and Alfred Vargas.



Posibleng ma-shock ang fans ng young actor na si Matt Evanssa bago niyang image. Ito ay sinabi mismo ni Matt sa presscon ng WalkerUndergarments na ginanap sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City,kahapon, November 19, para ipakilala siya bilang latest endorser nito.

"Opo, sa palagay ko ay masa-shock ang fans ko sa bago kongimage ngayon," saad ni Matt sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Perosiguro po, hindi naman talagang totally masa-shock, kasi may ginawa na rinnaman po akong ganito. Sa Your Song, nag-topless na rin po ako doon. Pero sabeach naman po ‘yon, kaya okay lang din.

"So, sa tingin ko masa-shock at matutuwa rin naman sila [hisfans] dahil maganda naman itong pictorials. ‘Tsaka, nagpapasalamat ako dahiltalagang very supportive sa akin itong Walker."

Ikinuwento rin ni Matt ang ginawa niyang preparation bilangbagong image model ng Walker.

"Ang pinaka-preparation ko po rito, nag-gym ako at nag-diettalaga nang todo. One month akong nag-ensayo, about four times a week. Tapostalagang mahirap pagdating sa diet. Bale one and a half months na akong hindi nagra-rice at medyo magastos dahilkasama sa diet ang steak. Alam naman natin na mahal ang steak, e, kaya sa nanayko na lang ako nagpapaluto nito," nakangiting saad ng 5' 10" aktor na nakilala sa role niya bilang Pedro Penduko.

Dagdag niya, "At saka talagang kasama sa workout ko yungmga baby fats na dapat pang maalis, talagang dapat ma-burn ito, e. Then, doonnaman sa pictorial, medyo dapat may attitude. Tapos medyo may pakitang konti,topless, pero okay naman po."

Nilinaw rin ni Matt na hindi niya pinalitan bilang endorserng Walker sina Alfred Vargas at Jericho Rosales. "Karagdagan lang po ako saWalker at hindi ko sila pinalitan bilang endorser. Kumbaga, magkakasama pokami," sabi.

Pero inamin ni Matt na may added pressure ito sa kanya dahilang mga "kuya" niya sa Walker ads ay magaganda ang katawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gustung-gusto ko po talagang pantayan ang mga katawan nila,"sabi ni Matt. "Pero yung sa akin po kasi, more on pang-kabataan talaga, yungpang-teens. Iyon naman pong kina Kuya Echo at Alfred, talagang, kumbaga,pang-men, yung matured na. Pero siyempre, gusto ko rin pong ma-achieve ‘yongtulad ng ganda ng katawan nila. Palagayko kasi, mas okay kung ganoon kaganda ang katawan ko e."

Sinabi rin ni Matt na hindi siya nagsusuot ng briefs kapagnatutulog siya dahil mas komportable siya sa boxer shorts.

"Ako po kasi, talagang nas napepreskuhan ako kapagnaka-boxers lang. Although with or without brief, talagang mas presko angboxers. 'Tsaka actually, kapag naka-boxers ka, you can walk na talagang parangokay lang, parang naka-shorts lang ako, ganoon. Unlike kapag brief lang ang suot ko, na parang, ‘oops, naka-brieflang ako, e.' Parang ganoon, kaya kapag natutulog ako, boxers lang ang suot ko,mas okay ‘yon, mas presko," lahad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN