Luis Manzano denies "no-kissing rule" in accepting role as lover of John Lloyd Cruz in "A Mother's Story"

"Therewas never any rule. All I asked was time to think. Para mong sinabi, puntaako sa meeting, o, talon ka sa bangin! Di ba mag-iisip ka rin nun kahit paano?Never akong nagka-rule. Ang sa akin lang is natatawa din ako na halos buongshowbiz career ko, ang nahalikan ko pa lang sa movie, si Anne [Curtis]. ‘Tapos segue,John Lloyd. Di ba nakakatawa?" says Luis Manzano when asked about his soon-to-beshot kissing scene with John Lloyd Cruz in his up


Nakausapng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang TV host-actor na si Luis Manzanokahapon, November 20, sa taping ng gag show na Banana Split, kung saan ay guest siya rito. Sinabi ni Luis sa PEPna next month ay magsisimula na ang kanyang inang si Batangas Governor VilmaSantos na mag-shoot ng pelikulang pagsasamahan nila at ni John LloydCruz, ang Star Cinema movie titled A Mother's Story.

Sabini Luis, "Kami ni Lloydie, next year pa magsu-shoot. Aalis kami ng April. We'llbe in New York ng mga halos isang buwan."

Paliwanagni Luis kung bakit next year pa sila ni John Lloyd magsu-shoot ngpelikula, "Meron pa siyang I Love BettyLa Fea. Tapos gagawin niya rin yung Part 2 ng A Very SpecialLove. Ako naman, ang Dyosa,extended. Meronakong Komiks Presents Flash Bomba, taposmay isa pa akong show na gagawin. Hindi ko alam paano ko isisingit ang paggawang pelikula."

Balitangmay kissing scene sina Luis at John Lloyd sa A Mother's Story kaya namannang i-offer ito kay Luis ay hindi niya agad ito tinanggap. Pinag-isipan niyaba muna itong mabuti dahil naiilang siya?

"Hindinaman ilang. Pero something big as this project, and, you know, it's not every daynaman kasi na bigla kang magkakaroon ng, ‘Oy, may kissing scene kayo niLloydie...' So I asked for time to think.

"Neverakong nagkaroon ng kahit anong demand regarding the movie. And I am in noposition to demand for anything. Pero there's nothing wrong with thinking aboutit, di ba?

"It'sa very big movie. Unang-una, nakaka-overwhelm na kasama ko ang mommy ko. Yun palang, e, nakaka-‘wow!' na yun. Tapos yun nga, the whole theme pa.

"Ofcourse, kilala ko yung mommy ko bilang ina. At alam ko rin ang kapasidad niyabilang isang artista, bilang Vilma Santos, the artist. Na paglabas ko ngkuwarto, nakikita ko kung gaano karaming awards niya sa bahay. The same way na Itruly believe that John Lloyd is one of the best actors of this generation, andhe's an acting genius. So, it's a challenge.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahitsinasabi nga sa akin na okey at mas kumportable ka sa comedy, kahit panakaka-drama ka. Pero it's a welcome challenge. Kahit paano, you know, I'm notgetting any younger. I need to grow as an individual, as an artist."

THE "NO KISSINGRULE." Pag natapos na ang kanilang pelikula, siguradong mapapag-usapan ang kissingscene nila ni John Lloyd. Handa na ba siya matanong tungkol sa kissing scenenila at kung ano ang lasa ng lips ng bawat isa?

"Yungsa amin, we're ready. Siyempre matatanda na kami. Alam namin kung paano umikotang industriya. And we're ready for those questions. Yun ang gagawin namin, sobakit hindi puwedeng tanungin kami tungkol doon?" sagot ni Luis.

Peropaano nabali ang "no-kissing rule" na sinabi niya before bago niya tinanggapang pelikula?

"Therewas never a no-kissing rule," paglilinaw ni Luis. "Ito, for example, pumasok ka sa isang meeting.Sasabihin sa ‘yo, all of a sudden na, ‘O, maghahalikan kayo!' O, di ba kahitnaman sino at one point, e, masa-shock din na...okey kailangan kong i-kiss siJohn Lloyd na kabarkada ko sa ASAP,kakulitan ko?

"Therewas never any rule. All I asked was time to think. Para mong sinabi, puntaako sa meeting, o, talon ka sa bangin! Di ba, mag-iisip ka rin nun kahit paano?Never akong nagka-rule. Ang sa akin lang is natatawa din ako na halos buongshowbiz career ko, ang nahalikan ko pa lang sa movie, si Anne [Curtis]. ‘Tapos segue,John Lloyd. Di ba, nakakatawa?"

Paanokung hindi si John Lloyd at iba ang kahalikan niya sa movie? Tatanggapin pa rinba niya ito?

"Ican't imagine na iba ang ka-partner ko. Sabi nga ni John Lloyd, at least,kumbaga, kumportable kami sa isa't isa. Nagkukulitan kami sa ASAP bilang kanto boys. And of course,plus yung pagiging artista talaga ni John Lloyd, na alam mong nandun yungrespeto pa rin niya. Nandun yung security niya both as an artist and as...sagender niya. That makes it, you know, more comfortable sa akin. And honestly, Ican't imagine doing the scene with anyone else," ani Luis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Perogaano katagal niya pinag-isipan bago niya tinanggap ang pelikula?

"Mgaone week or two weeks lang yata," sabi ni Luis. "Parang, di ba, kahit paano naman you need timeto think? Di ka naman basta aariba. Well, it's a big project, yes. But, kahitpaano you have to consider all angles naman. Di naman porke't maganda ito, gona, di ba?"

HEART OF THECHARACTERS.Parehong acting awardees sina Vilma at John Lloyd. Since mas kilala sa pagigingkomedyante si Luis, ano ang mga preparasyon ang ginagawa niya ngayon paramakipagsabayan kahit paano sa pag-arte ng dalawa?

"Sabinga ni John Lloyd, kailangang mahanap namin yung character ng isa't isa. Yun angperfect na sinabi niya sa story conference namin na dun ako napahanga. Kailangangmahanap namin ang puso ng bawat character. Then, tingin ko, once ma-adapt moyung puso ng character, hindi ka na aarte. Yun na yun, e, lalaban na lang yun,e."

Magkakaroonba sila ng acting workshop para sa kanilang pelikula?

"Ithink magkakaroon ng workshop, kaming dalawa ni Lloydie. The same way, I think,magkakaroon ng workshop na kasama yung mommy ko."

ANGEL INAUSTRALIA.Kumusta na ba sila ng sinasabing girlfriend niya na si Angel Locsin?

"NasaAutralia pa siya ngayon with Piolo [Pascual], shooting the movie," pag-i-informni Luis.

Kahitnasa ibang bansa si Angel ay hindi pa rin naman nawawala ang communication nilani Luis.

"Youknow, pag may oras, tumawag. ‘Pag may oras, mag-text."

Sinoang naghihintay ng tawag?

"Parehokami. Ganun lang kaming dalawa."

Hindiba mahirap ang makipag-communicate kay Angel sa Australia?

"Medyomahirap. Ganun nga. I understand her schedule, especially, yung workingcondition nila."

Sobrangmiss niya na ba si Angel?

"Matagalko na siyang hindi nakikita. Ano pa bang kasunod nun?" natatawang pagtatapos niLuis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN