Rafael Rosell upset by bad joke in "Banana Split"

"I felt I was violated," fumes RafaelRosell about the incident in the comedy show Banana Split, where he and fellow Coverboy Jon Avila were almostkissed on the lips by gay extras.




Nakarating sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang diumano'y sama ng loobng aktor na si Rafael Rosell dahil sa bad joke played on him sa tapingkamakailan ng BananaSplit kung saan isa siya sa mga guests.

Ayonsa isang report na nakalap namin sa isang nakatunghay sa insidente, si Raf,kasama ang isa pang Coverboys member na si JonAvila, ay sinabihan diumano na hahalikan sila sa pisngi ng ilangbading.

Pumayagnaman sila dahil kung sa pisngi lang ay wala silang nakikita at nararamdamangoffensive doon. Pero, laking-gulat nila, lalo na si Raf, nang tangkain silangsiilin ng halik sa labi ng mga bading.

Hindiraw sila nakakibo dahil very much aware sila na nasa harap sila ng kamera.

"Ifelt that I was violated," tahasang sabi ni Raf. "Hindi naman dahilsa hinalikan ako ng isang bading, kung hindi I was totally unaware of what wouldhappen.

"Pinaramdamko talaga sa kanila na hindi ko nagustuhan ang nangyaring yun. They sentfeelers naman that they will talk to me [the producers and the director]personally para ayusin ang problema.

"Tobe honest, hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko, and who gave theinstructions to those guys to kiss us on the lips instead of our cheeks,"sabi pa ni Raf.

VIOLATION IS THE ISSUE, NOT HOMOPHOBIA.Nasabi namin kay Raf na wala naman sigurong maglalakas ng loob na mga bading nahalikan sila on cam sa labi kung hindi malinaw ang instructions sa kanila, atkung alam nilang ikapapahamak nila yun.

"'Yunna nga, kaya hindi agad ako nakapag-react," pagtatapat ni Raf in a phoneinterview with this writer.

"AndI can't just give statements 'cause ayoko ring lumaki ang isyu. Hihintayin kona lang ang pakikipag-usap sa akin ng mga tao behind the show, kung bakitnangyari yun."

Kungbabae ba yun at hindi bading, mao-offend ba si Raf?

"It'snot really the issue, kung hindi yung sa palagay ko, nagkaroon ng violation,may malice yung joke, at hindi magandang joke yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ican do gay kissing scenes sa pelikula, if my role requires it, in front of thecamera. Pero, dapat yun ay handa ako. And I should be fully aware where Ishould come from sa ganoong sitwasyon.

"Hindiyung ganoon. Ano sa palagay nila ang magiging reaksyon namin? Na matutuwa kamikahit na alam naming may joke na ganoon na gagawin sa amin?" sabi pa niRaf.

Atwalanaman talagang nakakatawa sa halik ng isang bading sa isang lalaki, di ba?Depende na lang kung ano ang intensyon ng gag na yun na hindinaman klaro kung maipalalabas sa BananaSplit.

"Alamko kasing iba ang magiging interpretation ng iba sa sinabi ko. Baka yung iba,sabihing homophobic ako. Again, hindi naman yun ang point doon.

"Kahitkaninong straight guy, palagay ko, kung matino siya, hindi siya matutuwa nabasta na lang halikan ng kapwa lalaki o ng isang gay na hindi niya alam.

"Yungiba nga, baka manakit pa. Pero, hindi kasi ako ganoon. I just felt, mayviolation doon, and I find it foul," nasabi na lang ni Raf.

MALAYA WILLUNDERSTAND.Hindi kaya dahil sa protective siya sa relasyon nila ng girlfriend niyang si MalayaLewandowski, member ng grupong Kool Chx?

"Malayahas nothing to do with this. If I kiss another guy on cam, she will understandthat it's part of the job.

"Inthis case, sabi ko nga, there's a violation, and it's not part of the job.Palagay ko, kung mayroong hindi magandang nangyari, it's just normal and properthat I voice it out, at sabihin kong hindi ko nagustuhan yun," sagot nalang ni Raf.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN