John Lloyd Cruz denies buying Sarah Geronimo a Chanel bag

There were rumors circulating that John Lloyd Cruz bought aChanel bag for Sarah Geronimo. To this, John Lloyd said: "Wow, ang yaman konaman!" The actor denied it.


Sa pakikipanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal)kay John Lloyd Cruz, nagulat ito sa balitang niregaluhan niya raw ang A Very Special Love leading lady niya nasi Sarah Geronimo ng mamahaling Chanel bag. Muling magkakatambal ang dalawa sasequel ng A Very Special Love na pang-Valentineoffering next year ng Star Cinema.

"Hindi totoo yun. Wala...hindi talaga totoo. Wow, ang yaman konaman!" natatawang biro pa niya.

Hindi kaya advance promo lang yun dahil malapit na silangmag-shooting ng sequel ng A Very SpecialLove?

"Hindi ko alam, pero, parang mas gusto kong isipin na bakamay ibang gustong iba yung lumabas. Kasi, yung team-up naman namin ni Sarah,nakakatuwa kasi, hindi na naman namin kailangang palabasin na there's ‘something'sa amin," katwiran pa ni John Lloyd.

Once again, itinanggi rin niyang break or nagkakalabuan nasila ng non-showbiz girlfriend niyang si Liz Uy dahil wala pa rin daw nagbabagosa kanilang dalawa.

Bukod sa movie nga na gagawin niya with Governor VilmaSantos-Recto at anak nitong si Luis Manzano, ang movie nila ni Sarah ang masmauuna niyang gagawin at mauuna rin na ipalabas.

IT'S A SEQUEL. Kinumpirmani John Lloyd sa PEP na hindi ito another movie for them, but is, a sequel ngatalaga ng A Very Special Love.

"Sequel yung movie na gagawin namin. Ako kasi, sa tingin ko,maraming nabitin dun sa movie. So, marami pang puwedeng gawin, marami pang ideasna magagawa, kaya sequel siya.

"Hindi naman siya all-out drama, pakilig pa rin. Tingin ko,hindi kasi kami puwedeng tumalon from AVery Special Love na biglang heto, sobrang drama naman or seryoso, so,pabor na sequel ang mangyari. At para ma-maximize pa namin yung puwede panaming magawa at maibigay."

So far, sigurado raw na si Direk Cathy Garcia-Molina pa rinang magdidirek ng sequel nito. Panalangin pa ni John Lloyd, "I'm hoping nasana, same team, same staff, yun pa rin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN