"Banana Split" EP surprised by Rafael Rosell's interview about attempted gay-kissing "playtime"

Banana Splitexecutive producer Janice Señorin says she's surprised at Rafael Rosell'sinterview with PEP (Philippine Entertainment Portal) complaining about the attemptsof the gay extras to kiss him and fellow Coverboy Jon Avila on the lips in oneof the show's scenes. "Nakausap na namin si Rafael. Naayos na. Hindi na dapatpalakihin," declares Ms. Señorin. She says they already spoke with Rafael,yesterday evening


"Nakausap na namin si Rafael [Rosell]. Naayos na. Hindi nadapat palakihin," deklara sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng executiveproducer ng Banana Split ng ABS-CBN 2na si Janice SeƱorin nang makausap siya sa cell phone.

Nagulat nga ang executives at staff ng naturang show kungbakit nagpa-interview pa si Raf ng kanyang hinaing (read related article ) samantalangnakausap na nila ito kagabi, November 20. Napagkasunduan din na hindi naipalalabas ang eksena na tinangkang siilin ng halik sa labi ng mga gays ang mgaguests na sina Jon Avila, Will Devaughn at si Rafael nga.

Feeling ni Rafael ay na-"violate" daw siya sa paghalik ngmga extra na bading sa comedy show na BananaSplit kunsaan tampok sina Angelica Panganiban, Valerie Concepcion, CristineReyes, Roxanne Guinoo, RR Enriquez, Princess Ryan at Dianne Medina. Napapanood ito tuwing Sabado, 9:30 pmpagkatapos ng Maalaala Mo Kaya. Sadireksyon ng mag-amang Edgar "Bobot" Mortiz at Frasco Mortiz.

Ngayon lang may napikon at sumama ang loob sa mga "playtime"sa Banana Split pagkatapos mag-guestsang mga hunks na sina Diether Ocampo,Jake Cuenca, Gabby Concepcion, Sam Milby, Zanjoe Marudo at John Lloyd Cruz. Hindinaman kaila sa lahat na kasama sa format ng BananaSplit ang pinaglalaruan ang guests at bahagi na rin ng show na ginugulatsila o pini-playtime.

Ani Ms. Janice, tapos na ang issue kay Rafael at mas gustoniyang ibalita na lang ang pagge-guest bukas, Sabado, November 22, sa Banana Split ng boyfriend ni Angelica nasi Derek Ramsay.

Walang kiyeme nga at hinayaan na lang ni Angelica napaglaruan ng Banana Split girls angboyfriend na si Derek.

Ipinahiram din ni Angel si Derek kay Roxanne sa isang sketchkunsaan ay gumaganap na mag-asawa sila. Magrereklamo si Rox na may mga siranggamit sila sa bahay at gusto niyang ipagawa kay Derek. Ang problema nga lang, ayawgawin ni Derek.

May Machete sketch din na tampoknaman sina Derek at Angelica. Magiging isang estatwa (as Machete) si Derek nanabubuhay at nagiging bampira tuwing hatinggabi. Meron ding sketch namagkakakilala sa isang restaurant sina Angelica at Derek at magkakasabay silangmagsalita at parehong-pareho ang mga sasabihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakakatawa rin daw ang eksenang mag-uusap ng straight gaylingo sa isang gym ang mga machong sina Derek at Kontin Roque habangpinapakinggan nina Angelica at Roxanne. Makakapareha rin ni Derek ang iba pangBanana Split girls na sina Cristine Reyes at Princess Ryan sa iba pangnakakatawang sketch sa show.

Plug na rin ni Ms. Janice, abangan din daw sa Banana Split ang mga episodes guests nila sina LuisManzano, Pooh at Frank Garcia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN