Sharon Cuneta reveals daughter KC has non-showbiz suitors

"May mga lumiligaw kay KC ngayon, hindi artista," revealsSharon Cuneta when asked about her daughter KC Concepcion's lovelife.


Marami ang nagsasabi na hanggang love team lang talaga sinaRichard Gutierrez at KC Concepcion, lalo na nang ma-link ang huli kay SamMilby. Tila nakumpirma naman lalo na walang seryosong relasyon na namamagitankina Richard at KC sa mga pahayag ni Sharon Cuneta sa interview sa kanya ng mgapiling movie press, kabilang na ang PEP (Philippine Entertainment Portal), kahapon,November 20, sa McDonalds Greenbelt 1, Makati City.

"May mga lumiligaw kay KC ngayon, hindi artista," pagbubunyag ng Megastar tungkol sa kanyang anak.

Hindi naman daw pinapakialaman ni Sharon kung sino man anggustuhin ni KC. Sabi nga ni Sharon, "Kahit sino ang gusto niya."

Tinanong ang Megastar kung napanood ba niya ang episode ng The Buzz kung saan nag-sorry si Sam dahilsa pagkaka-link ni KC sa kanya.

"No! I did not. Alam mo, kaya ayaw kong patulan kasi angbabait nila pareho. Bakit ginaganun? Ang tao talaga... Kaya nga sabi ko,kaya hindi umaasenso ang bansang ito, e!Inuuna ang buhay ng ibang tao bago ang sarili," tuluy-tuloy na pahayag niSharon.

Ano naman ba ang reaksyon niya nang ma-link si KC kay Sam?

"Wala! Sanay na ako sa tsismis. She's been linked to peopleI've never even seen, di ba? They've been friends for a long, long time. They goto to the same church. Si Sam kaibigan ko, sinu-support ko ang lahat ng gawinni Sam, just like sinusuportahan ko ang ginagawa ni Piolo [Pascual] at lahat ngtaga-Talent Center. In case na manligaw si Sam, si KC ang bahala dun.

"Basta ang masasabi ko lang, mabait si Sam, mabait si KC.Sana 'wag na nating intrigahin kasi may kanya-kanyang... Well, si Sam, kungmaniniwala ako sa balita may ‘dinadaanan' din siya, so, parang hindi yata tamana magulo pa ang mga bata," pahayag pa ni Mega.

POLITICAL INTRIGUE. May himutok din si Sharon sa napabalitang hiwalayan nila ni Senator Francis"Kiko" Pangilinan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang sa akin lang, ganito, hindi maiiwasan sa mag-asawaang may tampuhan. Pero medyo sobrang nakasakit sa dibdib ko yung nanganganak nangnanganak ang issue. Feeling ko, napakawalang-respeto naman ng mga ito. Dito naako tumanda, nagdalaga, nag-asawa, nagkaproblema at nakapag-asawa ulit. Sananaghanap muna ng source kung totoo ba ito. Nakakagulat kasi dahil may mga anakkami. Hindi ko talaga kinaya," sabi pa ni Sharon.

Naisip din Sharon na may kuneksyon sa pulitika ang mgatsismis tungkol sa paghihiwalay nila ni Sen. Kiko.

"Takang-taka ako talaga. Hindi ko maiwasang isipin na pulitika.Kasi, kunwari nagtampo ako, aba, the next day, nakadiyaryo na. E, ilang besesna ba kaming nag-away, nagkatampuhan over twelve years, di ba? Never lumalabas. Kayasabi ko, ‘Hay... Alam ko na ‘yan.' Ha-ha-ha."

Nakatakdang simulan ng aktres ang pelikulang pagsasamahannila ni Richard Gomez pero depende raw sa katawan niya. Kailangan pa rin niyangmag-diet. Si Direk Loren Dyogi ang director nila.

"Siya ang last na balita ko. Yun ang crush ko. Ha-ha-ha! Joke!Lahat kami, crush namin siya sa ABS. At saka sabi ni Aga [Muhlach], maalaga siya sa babaeng artista," kuwento pani Mega.

KIKO'S VIEW ONHER LEADING MEN. Ano naman ang reaksyon ni Senator Kiko sa balik-tambalannila ng ex-boyfriend niyang si Richard Gomez?

"Wala.... Si Kiko, Diyos ko naman... Since ‘96 sobrang cool angasawa ko kaya hindi nila ako maintriga pag ex ko ang kasama ko. Kahit nga sapromo o sa premiere night, hindi sumasama ‘yan pag may love team ako sa movie.He understands, e!

"At saka ayaw rin niya makakita ng kissing scene, e!"napahalakhak si Mega. "Kahit kanino... Pero kay Aga at Boyet [de Leon], kumportablesiya."

E, kay Richard?

"Wala siyang pakialam. In that sense, kasi friends naminsina Boyet at Aga. Yung Madrasta,sabi niya kay Boyet, ‘Naiyak yung mga tao, ang ganda. Ako naiyak ako kasi nag-kisskayo.' Ha-ha-ha! Niloloko lang niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala siyang isyu kina Richard at Robin [Padilla]. Di ba sa Pagdating ng Panahon, meron kami niRobin. Sa amin naman ni Richard, pangatlo na ito since I got married, so,walang problema. Very supportive si Kiko," pagtatapos ng Megastar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN