Yayo Aguila hopes for good outcome on case against Baron Geisler

YayoAguila is both angry and sorry about her family's case against Baron Geisler. Angrybecause of what Baron did to her daughter Patrizha and sorry for the closenessthat she and Baron shared during their Pinoy Big Brother Celebrity Edition daysthat has to be set aside now because of the case.




Puro trabaho ang inaasikaso ni Yayo Aguila kahit nga alam ng marami angsitwasyon nila ng asawa niyang si William Martinez na may kinalaman pa rin sakasong Acts of Lasciviousness na isinampanila laban kay Baron Geisler.

Itoay may kinalaman sa nangyari noon sa anak nilang si Patrizha na ginawan diumanong hindi maganda ni Baron.

"Tahimiklang naman kami habang hinihintay pa rin namin ang resolution," sabi pa niYayo. "Gusto lang naming klaruhin dahil ang dami-rami nang balitangkumakalat na kesyo lumabas na raw ang resolution.

"Na-dismissna raw ang kaso, which is not yet true. Natatagalan nga. Hindi namin alam kungbakit. Hinihintay pa rin namin.

"Hopefully,maging okey na ang lahat."

Ipinagtapatni Yayo sa PEP (Philippine Entertainment Portal), nang makapanayam namin siya—habangnaghihintay ng pagsalang niya sa taping ng ShallWe Dance? kahapon sa TV5 sa Novaliches, Quezon City—ang overall impact saanak niyang si Patrizha ng kabuuang kaso.

"Noonguna, siyempre, super-affected siya. Hindi naman yun isang maliit na bagay langna araw-araw puwedeng mangyari, at hindi mo naman basta mapapalampas.

"Kayanga nagsampa kami ng kaso, e. Pero, sa pagdaan ng mga araw, siyempre, humupa narin ang tension and everything. Nagpapaka-busy na siya sa work. Kaka-graduatelang niya ng college, at lagi niyang kasama ang friends niya," kuwento pani Yayo.

Adultna kung tutuusin ang anak niya. Alam na raw nito kung saan lulugar, at kung anoang mararamdaman, depende sa sitwasyon.

"Bastakami, patiently, naghihintay kami sa kalalabasan ng kaso. May ipinaglalabankami.

"We'rehoping for a good outcome. At the same time, we have to move on," sabi pani Yayo.

Maycounter-charge nga sa kanila si Baron. Perjury naman ang kaso.

"Perjuryagainst me, at doon din sa kaibigan ng anak ko. May statement siyempre ako, nahindi raw totoo. Mga ganoon," aniya pa.

Hindiba siya nabubuwisit kung parang nababaligtad pa ang istorya laban sa kanila?

"Siyempre,kung ano ang sasabihin ni Baron at ikakatuwiran niya, yung makabubuti sa kanya.Right niya yun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It'sa universal thing. Honestly, hindi naman ako puwedeng magalit, e.

"Kahitsino, right nila yun. Yun din lang ang sasabihin mo, inaakusahan ko, hindi kaguilty. Ganoon lang yun," sabi pa ni Yayo.

TORN. Pero aware siYayo na wala siyang power para sabihin sa mga tao na definitely guilty nga siBaron sa kasong isinampa nila laban dito.

"Kayanga may hustisya. Para roon nga ma-prove, at maimbestigahan nga kung ano angtotoong nangyari.

"Hindiako nagagalit, pero alam mo, hindi ko puwedeng sabihing hindi ako nagagalit,pero nagngingitngit ako.

"Pero,wala naman akong magagawa. At the same time, ang laki ng panghihinayang ko.Kasi, open book naman sa mga tao kung gaano kami naging close ni Baron,"seryosong nasabi pa ni Yayo.

Paranganak na nga raw niya ang turing niya rito noong nasa Pinoy Big Brother Celebrity Editionpa sila noon.

"Maskiang family ko, alam nila kung gaano ako ka-close sa kanya," pagtatapat pani Yayo.

"Ireally, really treasure the friendship. But, again, something happened. Itinvolves my family, 'tapos, anak ko pa. Isipin mo na lang kung ano angkinalalagyan ko," dugtong pa niya.

Maramina nga raw nakakaabot sa kanya na sinasabi ng iba tungkol kay Baron, kasama naroon ang sinasabing atraso rin daw ni Baron kay Emilio Garcia noon, na maykinalaman din sa anak nitong huli.

"Saakin naman, problema ni Baron yun sa iba. Pero, at the back of my mind, bakitsa anak ko pa niya ginawa yun, di ba? Mahirap talaga ang sitwasyon ko,"tuluy-tuloy na nasabi pa ni Yayo.

PUBLIC APOLOGY AND MORE.Kung anuman daw, nasabi ni Yayo na handa silang tumanggap ng paumanhin o publicapology kay Baron kung gagawin nga niya yun.

"Pero,sabi nga ni William, hindi lang ganoon kadali yun. Siya raw ang gagawa pa ngparaan para matiyak lang na masasamahan niya si Baron sa pagpapa-rehab nito sapagka-alcoholic, nang sa gayon, maiwasan nang mangyari pa uli sa ibangkabataang babae ang nangyari sa aming anak," nasabi na lang ni Yayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN