Carlo Orosa reveals Dindong Dantes pushed for Karylle's "Lupang Hinirang" and "West End Story" jobs

"Aminado naman si Kaye [Karylle] na maramingnaitulong talaga sa kanya si Dingdong. And kung manonood si Dingdong ng labansa Las Vegas, may possibility na magkita sila dahil friends naman sila. And I'msure, pagbalik ni Kaye from Las Vegas, she will open a new life," says Stagespresident Carlo Orosa. Stages now manages Karylle's showbiz career.


Sa contract signing ni Christian Bautista bilangendorser ng ni-launch din noon na BlackWater men's spray ng Ever Bilena saAnnabel's Morato, Huwebes, November 20, nakausap ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) ang president ng Stages talent management na si CarloOrosa.

Hiningan ng PEP ng paglilinaw si Carlo hinggil sapaglipat ni Karylle sa management nila from Genesis of AngeliPanglinan-Valenciano, at sa pag-transfer din nito from GMA-7 to ABS-CBN.

Unang inusisa ng PEP ang paglipat ni Karylle saStages.

"Nangyari ito dahil sa pagkuha namin kayKarylle to play Maria in West Side Story,"simula ni Carlo. "Then kinausap ako ng daddy niya, si Dr. ModestoTatlonghari at humingi ng advice. Nag-usap naman kami at humihingi siyang new direction for Kaye's career. Bago kami natapos mag-usap, tinanong naniya ako kung puwede raw mag-move sa company ko si Kaye.

"I told her dad na dapat ay makipag-usap munasiya kay Angeli Pangilinan-Valenciano of Genesis Entertainment dahil nasakanila pa si Kaye," patuloy ni Carlo. "Ayaw ko kasing magkaroon kami ng conflict ni Angeli who's a good friendof mine and dating manager ko rin siya. Nag-usap sila at nag-usap din kamini Angeli, at in-entrust niya sa akin si Kaye.

"'She's very good, very intelligent,' ayon kayAngeli, which alam ko naman. So, tinanggap ko nang lumipat sa amin siKaye."

Alam ba niya na may problema sina Kaye at angdating boyfriend nito na si Dingdong Dantes?

"Wala akong alam noong una, pero nang lumabasna sa mga write-ups, ako na rin ang nag-suggest sa daddy niya na hindi kaya masmaganda kung ilipat namin si Kaye sa ABS-CBN. May mga friends naman ako saGMA Network at puwede akong makipagtrabaho sa kanya, pero dahil sa nangyari, mastama yatang sa ABS-CBN na lang siya.

"Pero bago ko ginawa iyon, nakipag-usap muna ako saABS-CBN kung open sila na tanggapin si Kaye. What's the use oftransferring kung wala naman palang maibibigay na project sa kanya? Pumayag naman ang ABS-CBN na lumipat sa kanila si Kaye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Para kasi sa akin, career move na rin kayKaye iyon dahil ang feeling ko wala na siyang place sa GMA Network dahil naroonsina Dingdong at Marian [Rivera] at hindi naman ako nagtataka na sila ang isasa top priorities ng network."

SAYING GOODBYE TO GMA. Paanonagpaalam sa GMA-7 si Karylle?

"Kaming dalawa ni Kaye ang nagpaalam sa GMANetwork," sabi ni Carlo. "Touched ako, naramdaman ko ang loveand care nina Ms. Wilma Galvante [GMA Senior Vice-President forEntertainment-TV] at Ms. Darling de Jesus (GMA Program Manager for VarietyShows) kay Kaye nang kausap namin sila.

"Ibinilin nila sa akin na alagaankong mabuti si Kaye at siguruhing no harm will happen to her. Siniguro konaman sa kanila na ibibigay ko kay Kaye kung ano ang alaga at love na ibinigaynila. Alam ko rin kung paano inalagaan ni Ms. Galvante and the late Bella Tanng Universal Records si Karylle noong araw. I will try to get the bestopportunities for her."

Ilang years ang pinirmahang contract ni Karylle saStages at sa ABS-CBN?

"Sa Stages, nag-sign na siya ng three-yearcontract, pero hindi pa siya pumipirma ng exclusive contract sa ABS-CBN,pinag-aaralan ko munang mabuti ang mga projects na ibibigay nila sakanya. But sure na iyong pagpasok niya sa ASAP '08.

Tuloy ba sa December 14 ang pag-welcome kay Kaye saASAP '08? Kailan naman siyapapasok sa I Love Betty La Fea?

"Mabuti pa kayo, marami nang alam kay Kaye,"natatawang wika ni Carlo. "Wala pa akong maibibigay na ibang detalye,iyong sa ASAP '08 pa lang. Sa Stages,pinag-aaralan namin kung saan ipapasok na record label ang album na natapos nani Kaye. Siya ang nag-compose ng lahat ng songs doon, magaganda. Maraminginteresadong record label and one of these days makikipag-usap na kami sa kungsino ang mapipili namin. Nakakatuwa dahil may mga endorsements na ringdumating, pero hindi ko pa puwedeng sabihin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DINGDONG'S HELP. Kasama ba siya ni Kayena pupunta sa Las Vegas para sa pagkanta nito ng Philippine national anthem saPacquiao-De la Hoya fight sa MGM Grand sa Las Vegas sa December 5?

"No, ang daddy niya ang kasama niyang pupuntaroon. Saka in fairness kay Dingdong, siya ang nag-push sa GMA Network nasi Kaye ang pakantahin sa fight," volunteered ni Carlo. "Kahit angpag-join ni Kaye sa West Side Story,si Dingdong din ang nag-push sa kanya.

"Aminado naman si Kaye na maraming naitulong talagasa kanya si Dingdong. And kung manonood si Dingdong ng laban sa Las Vegas, maypossibility na magkita sila dahil friends naman sila. And I'm sure, pagbalik niKaye from Las Vegas, she will open a new life."

Naalaalang itanong ng PEP kung alam ba ni Zsa Zsa[Padilla, Karylle's mom] ang paglipat ni Kaye sa ABS-CBN?

"Walang kinalaman si Zsa Zsa sa paglipat niKaye sa ABS-CBN, kami lang iyon ng daddy niya. Pero updated siya ngayon niKaye kung ano ang nangyayari. Tinawagan na rin ako ni Zsa Zsa at pagbalik dawniya, we will have dinner, bilang pasasalamat niya sa ginawa ko kay Kaye."

KARYLLE'S LAST APPEARANCE. Ngayongaraw, Sabado, November 22, ang huling appearance ni Karylle sa GMA-7, sa second part ng guesting niya sa Kakasa Ka Ba Sa Grade 5 with chairman ofthe blackboard Janno Gibbs at 10 classmates sa show. Si Karylle kaya ang magigingunang millionaire ng game show na mapapanood pagkatapos ng Pinoy Records?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN