Ogie Alcasid to perform with "American Idol" finalist and "Pinoy Idol" champion

Ogie Alcasid will be performing with American Idol finalist Ramiele Malubay and Pinoy Idol's first champion Gretchen Espina in his December 20 and 21 concert TheIdol Experience: Ogie Sings With The Idols at the Aliw Theater.


Ilang araw bago ang Pasko, mapapanood si OgieAlcasid in a special concert titled TheIdol Experience: Ogie Sings With The Idols na gaganapin sa AliwTheater sa December 20 and 21 at produced by The Underground Studios.

Ang makakasama ni Ogie sa concert na ito ay ang2008 American Idol finalist na siRamielle Malubay, along with Pinoy Idol'sfirst Champion Gretchen Espina at ang bandang Menaya. Magsisilbi ring homecomingconcert ni Ramielle ang concert.

Sa taong ito ipinagdiwang ni Ogie ang kanyang 20thyear sa showbiz sa pamamagitan nga ng isang grand concert sa Araneta Coliseum.Ano naman ang bago ngayon na puwede niyang ipakita at aabangan ng fans sa The Idol Experience?

"Well, with all the concerts I've done, this is themost pop that I'll be doing. Usually kasi ang concert ko, puro pop-ballad langang ginagawa ko. This time, since I'm singing with an indie rock group and I'msinging with the younger generation idols, medyo ma-RnB sila, ma-pop rock, so,medyo, masasabak ako sa ganoon."

Ayon pa kay Ogie, "Itong mga batang ito, ipinangakoko sa sarili ko na hindi ko sila papabayaan."

LEARNING FROM THE YOUNG. Experience dindaw kay Ogie yung nakakasama niya sa stage ang younger generation of singers. May opinion kasi si Ogie na ang music niya, hindi masyadong type ng mga bagets ngayon; feeling daw kasi niya, iba ang crowd ng mga kanta niya.

"Well, kaya nga kapag nagmo-mall show ako ornagko-concert, tinatanong ko talaga ang edad nila. ‘Iha, ilang taon ka na?' ‘Sixteen!'‘Ah, nakikinig ka sa music ko?' ‘Opo!'"

Feeling niya ba, hindi nagugustuhan ng mga kabataanngayon ang music niya?

"Hindi naman sa hindi nagugustuhan, pero, magpakatotooka lang. Meron kasing market na tinatamaan talaga, e. Hindi na rin naman akobata. Kapag nakakakita ko ng teenager, tinatanong ko sila, ‘Ano nagustuhan mo?'So you know, I learn from them kung bakit nila nagugustuhan yung music. Ganoon ako, e. Hindi naman ako basta pipirma lang, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman siya nauubusan ng idea?

"Hindi puwede. When you're an entertainer, di ba,yun ang calling mo? Kaya ka nga tinawag na entertainer, hindi ka puwedengmaubusan. Kasi, parang kumbaga, doctor ka, kailangan mong gumamot ng tao, diba?

"Entertainer ka, singer ka, actor ka, kailanganmong mag-entertain ng tao. Kapag tinigil mo yun at nawala ang creativity mo,sino-short change mo ang sarili mo, pati na rin ang mga nanonood."

PERFORMING WITH THE IDOLS. He'll beworking with an American Idolfinalist. What is he feeling now that he'll be working with Ramielle Malubay?

"Okey lang naman. I haven't met her. I mean, I'msure, she's a very good singer but I'd like to work with her. I'm very impressedwith her voice. So, I guess, the answer to the question is that I'm excited."

Dugtong pa niya, "Gusto kong marinig ang mgakuwento niya tungkol sa American Idolexperience. Gusto kong marinig ang kuwento niya about David Cook, DavidArchuleta, kung anong klase silang mga tao. Kasi, talagang sumikat sila and I'ma fan! I'm a fan of American Idol."

Magiging confident ba siyang ipakilala naman angwinner ng Pinoy Idol na si Gretchenkay Ramielle?

"Of course! Of course! I think, Gretchen hasmatured a lot in terms of her looks, the way she sings, the way she performs.Kanina nang pinapanood ko siya, hindi siya boring panoorin. You know, maypagka-sexy and I really like what I saw. So, that's a mark of a performer. Andshe plays piano pala. So, talagang musician pala siya.

"I'm proud na ang laki na ng ini-improve niya salooks niya. And she deserves to win. The PinoyIdol was the vote of the nation. The fact that she won, then, she deservedit."

PLAYING GIRL. Kahit may kahirapan daw ang pag-a-apply sa kanyang makeup sa pelikulang Desperadas 2,obvious sa pagsasalita ni Ogie na nag-e-enjoy siya nang husto sa shooting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually yung pag-arte ng babae, hindi na bago saakin ‘yan, ginagawa ko na ‘yan. Pero, mahirap din kasi, maitim ka. Buong arawkang nakagano'n. Well, ano kasi siya, it's a German makeup. So, after fifteenminutes, nagda-dry na siya. Parang part na siya ng katawan mo. In fact, angtagal niyang tanggalin. Mga six times akong naliligo."

Na-miss daw niya ang paggawa ng pelikula.

"Nag-e-enjoy ako sa pagmu-movies ulit. Ang tagal kong hindi nag-movie.Nagpapasalamat lang ako...ewan ko kung ano ang naisip nila at ginawa nila angmovie na yun," biro pa niya.

Hindi siya isang bading dito kundi babae talaga angcharacter niya. Good thing nga lang daw na sanay na rin kasi siya sa mgaganoong klase ng role.

"Hindi na ako nagpi-prepare. At saka, ang galing niDirek Joel Lamangan. Bago ko gawin ang eksena, ginagawa muna niya sa harap ko.So, you know, I'm inspired. At saka, nag-e-enjoy ako na gumawa ng movie. Na ibana, hindi na tulad noon, na parang laro lang ang pelikula sa akin. Para akongnaglalaro lang."

Pero kinorek din niya na hindi naman daw serious napara siyang nagtse-change image.

"Hindi naman seryoso, comedy pa rin ang role ko.Pero ngayon, you really have to define your character. Isa akong babaeng maitimna taga-Kulali. Isang lugar na inimbento na lang sa movie," tawa niya.

"Nakakatuwa ‘yung movie. Minsan nga sa set, angtawag nila sa akin, ‘Ma'am, Ma'am!' Babae na yung tingin nila sa akin. ‘Tapos,yung mga babae, sina Marian [Rivera], sina Iza [Calzado], babae na ang tinginnila sa akin. Niyayakap nila ‘ko.

"Sabi ko, ‘Sana , kapag lalaki na ‘ko, ganyan parin kayo sa akin.' Pero ayaw nila. Ang sabi nila, ‘Hindi! Ayaw na namin!Ikaw, Kuya Ogie, gusto namin, ganyan ka na lang, girl ka na lang.' Pambihira, diba?"

Next week naman daw, pupunta siya ng Australia paradalawin ang kanyang pamilya. Pero mag-i-stay lang daw siya ng two days. Afterna raw siguro ng MMFF siya makakabalik muli for the Christmas season. Hindi panga lang daw siya sure kung makakasama sa kanya si Regine Velasquez by then.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN