Marian Rivera denies confiding problems to Rufa Mae Quinto

"Nakikipag-usapna ako, nakikipag-bonding, but not to the extent na nagsasabi na ako sa kanilang mga problema... . Hindi ko sinasabing hindi ako close kay Rufa Mae, perokaibigan ko siya," says Marian Rivera about Desperadas 2 co-star Rufa Mae Quinto.


Ipinarating namin kay MarianRivera na tuwang-tuwa si Vivian Velez na siya ang gaganap ng title rolesa TV remake ng Ang Babaeng Hinugot saAking Tadyang. Vivian produced and even took the female lead in this CarloJ. Caparas' masterpiece that was shown back in 1981.

Nasabinga rin ni Vivian na posibleng matalbugan pa siya ni Marian sa pagganap bilangsi Proserfina, ang heroine ng nasabing komiks material na mula sapagsasapelikula nito, after so many years, ay mapapanood na muli sa TV.

"Basta,ang original ay original pa rin!" sabi pa ni Marian. "Naku,nakatutuwa naman si Miss Vivian! Salamat na lang sakanya. Pero, siya talaga ang original at hindi ko mapapantayan yun.

"Nasabilang niya na mahihigitan ko siya, kasi, natutuwa lang siya sa akin. Pero,mahirap yatang mahigitan si Miss Vivian doon. Napapanood lang siguro kasi niyaako, at hindi niya sinasabi yun para ma-pressure ako," dugtong pa ngdalaga.

Sa totoo lang, as we write this, wala pang idea si Marian kung ano ang magigingrole niya sa follow-up sa very succesful teleseryes na tinampukan niya saGMA-7, ang Marimar at Dyesebel.

PLAYING NIEVES. May mga gumagawanaman ng isyu tungkol sa pagtanggap niya ng role na para sana kay EugeneDomingo sa Shake, Ratlle & Roll X.

"Kahitsiguro ako pa ang twentieth choice, kung gusto ko ang role, kung ako angmatutuloy para roon, palagay ko, para sa akin talaga yun.

"Palagayko, wala naman ding problema kay Uge [Eugene]. Masaya ako sa role at sa episodeng pelikula entitled ‘Nieves.' Ako nga si Nieves, and it's a good role, attatapusin ko yun, in time for the Metro Manila Film Festival,"nangingiting sabi pa ni Marian.

Hindibig deal kay Marian kahit sabihin pang pamasak-butas lang siya kay Uge. Angmahalaga ay mayroon siyang trabaho.

"Okeyrin sa akin ang maging sidekick, walang problema roon. Lalo na kung sidekickako ng bidang lalaki, para maiba naman. Open ako sa iba't ibang klasengchallenges," dugtong pa ni Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala pa talagang masasabing launching movie si Marian, na tipong solo niya, peronakapagbida na siya.

Kasalukuyangitinatanghal ang One True Love ng GMAFilms at kasama niya rito sina Dingdong Dantes atIza Calzado.

FRIENDS BUT NOTCLOSE.Sa Desperadas 2, isa na naman sa mgabida rito si Marian. Napag-alaman nga ng PEP (Philippine Entertainment Portal)na kahit daw paano ay nakakapag-open up na ng kanyang mga problema si Marian sakanyang co-stars, particularly kay Rufa MaeQuinto. But she vehemently denies this.

"Nakikipag-usapna ako, nakikipag-bonding, but not to the extent na nagsasabi na ako sa kanilang mga problema.

"Naturallang naman na noong una, medyo ilang ako, kasi sila, mga datihan na. Matagal nasilang magkakasama. Bago lang ako sa grupo.

"Totoongtao kasi ako na kung hindi ko pa masyadong gamay yung tao, hindi ako bastamakikipag-chikahan na parang close na close na. Hindi ako ganyan.

"But,since pangalawang pelikula na naming magkakasama yung Desperadas 2, siyempre, nakapag-build na ako ng rapport sa kanila.Pero, it's not true na nagsasabi na ako ng mga problema.

"Kumustahanlang, chikahan. Wala rin akong problema sa ngayon. Hindi ako bastanagsasabi ng problema, kasi, kaya ko namang i-solve na mag-isa ang mga problemako.

"Kunghindi ko kayang i-solve, sa family ko na muna io-open yun, at hindi sa mga kapwako artista.

"Mahirapsabihin na may ka-close talaga ako. 'Pag ganoon kasi, dapat, lagi mong kasama.Magkausap kayo palagi, magka-text.

"Kungmay super-duper-close ako, si Paolo Ballesteros yun, si Lotlot de Leon, kasi,sa Dyesebel noon, araw-araw halos,kasama ko sila.

"SinaManilyn Reyes, Ate Rita [Avila], Tita Perla [Bautista], sila yung masasabi kongka-close ko. Hindi ko sinasabing hindi ako close kay Rufa Mae, pero kaibigan kosiya," tuluy-tuloy na sabi ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN