Christine Bersola-Babao launches children's book for Christmas

by Ruel J. Mendoza
Nov 22, 2008
"In our society kasi iba-iba. May mga mayayaman at may mga tama lang ang pamumuhay. Ang mga bata, napi-feel na rin nila ang different classes ngayon. So this book will somehow teach children of all classes and ages na sa mata ng Diyos, pantay-pantay lahat. Each kid has his or her own individuality. Hindi tayo dapat mainggit sa kanino man. Yung maging happy at proud tayo sa kinalakhan nating pamilya," says Christine Bersola-Babao of her new children's book, &l


Kasabay nga sa pagbukas ng Grand Christmas Charity and Celebrity Bazaar na pinamunuan ng multi-media celebrity na si Christine "Tintin" Bersola-Babao sa World Trade Center last Friday, November 21 ay ang launch ng kanyang bagong children's book titled Bakit Siya Meron? Bakit Ako Wala?: A Christmas Story.

Ito nga ang ikaapat na children's book na sinulat ni Tintin. Una niyang ni-launch noong 2004 ang kanyang first children's book titled Bryan Learns His Lesson. In 2007 naman, nilabas niya ang Basura Monster at The Story Of Christine na nabigyan ng citation sa 30th Catholic Mass Media Awards.

In her new children's book, Bakit Siya Meron? Bakit Ako Wala? the story revolved on two boys named Ricardo and Menandro who came from two different families and how the magic of Christmas made the friendship very special.

"In our society kasi iba-iba. May mga mayayaman at may mga tama lang ang pamumuhay. Ang mga bata, napi-feel na rin nila ang different classes ngayon," bungad ni Tintin nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Continue reading below ↓

"Yung mga batang nakasakay ng magagandang kotse, they see kids their age na nagtatrabaho na. Pero yung mga nagtatrabaho naman na mga bata, nagtataka sila bakit yung mga kaedad nila magagandang magdamit at nakasakay sa mga magagandang kotse.

"So this book will somehow teach children of all classes and ages na sa mata ng Diyos, pantay-pantay lahat. Each kid has his or her own individuality. Hindi tayo dapat mainggit sa kanino man. Yung maging happy at proud tayo sa kinalakhan nating pamilya," ngiti pa ni Tintin.

THE REAL RICARDO AND MENANDRO. Inspired nga raw ang mga characters ng book ni Tintin na sina Ricardo at Menandro sa mga tunay na mga tao na sina Riccardo Almoneda at Menandro Chavez na pareho nang nakatira at nagtatrabaho sa Italy kasama ang kanilang mga pamilya.

"Kaibigan namin ni Julius [Babao, Tintin's husband] sina Riccardo and Menandro. Every time na maisipan naming mag-vacation sa Italy, sila ang mga nag-aasikaso sa amin doon.

Continue reading below ↓

"Nakilala namin sila ni Julius as hardworking people. Nagsikap talaga sila na marating ang kinalalagyan nila ngayon. Kaya masaya kami because maayos ang buhay ng mga pamilya nila sa Italy at matulungin sila sa mga Pinoys doon.

"Both of them work as exclusive and professional butlers in Italy. They were part of the wedding of Tom Cruise and Katie Holmes noong November 18, 2006. Lima lang silang Pinoy na nandoon sa event na iyon," kuwento pa ni Tintin.

Dedicated nga rin daw ang Christmas story sa nag-iisang kapatid na lalake ni Tintin na si Nino Angelo Lorenzo Bersola na pinanganak noong December 25, 1987 at sa kanilang inang si Mommy Ching Bersola na nag-labor at nanganak noong Christmas Eve ng taong iyon.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"In our society kasi iba-iba. May mga mayayaman at may mga tama lang ang pamumuhay. Ang mga bata, napi-feel na rin nila ang different classes ngayon. So this book will somehow teach children of all classes and ages na sa mata ng Diyos, pantay-pantay lahat. Each kid has his or her own individuality. Hindi tayo dapat mainggit sa kanino man. Yung maging happy at proud tayo sa kinalakhan nating pamilya," says Christine Bersola-Babao of her new children's book, &l
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results