Jennica Garcia wants mom's next lover to accept her and kid brother as "package deal"

"Importante sa akin na ‘pag nakita ko yung lalake,willing siyang magpaka-tatay sa kapatid ko, kasi ‘pag hindi, malaking puntosang mababawas," says Jennica Garcia on her requirement for the next boyfriendof her mom Jean Garcia.


Pagkatapos makumpirma ang breakup nina Polo Ravales at Jean Garcia, nanatiling tikom ang bibigng aktres sa kung ano ba talaga ang rason ng hiwalayan nila ng aktor.

Samut-saring mga kuwento ang lumabas kung saan naginglaman din ng mga babasahing pang-showbiz ang mga diumano'y di magagandangnasabi ng mag-ex sa isa't isa. Gaya ng kasabihang sa lahat ng paghihiwalayay wala namang nanalo at natatalo, sa ngayon daw ay tiyak na dinaramdam papareho nina Polo at Jean ang kinauwian ng kanilang relasyon.

Pero sa panayam ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) sa anak ni Jean na si Jennica Garcia sa nakaraang premiere night ngpelikulang One True Love ng GMA lastNovember 18, Tuesday, agad naming kinumusta sa young actress ang ina at kung nagbukasna ba ito ng saloobin sa kanya tungkol sakinauwian ng relasyon nila ni Polo.

"Kasi ako naman sa nakikita ko nung lumabas yung mgaisyu sa kanila ni Polo, di ko siya nakitang malungkot, masayahin pa rin siya,mas nakakapag-bonding kaming dalawa at masaya ako.

"My mom kasi is a very transparent person, di siya yungtinatago niya ang nararamdaman niya sa akin. Sa nakikita ko talaga, she's okayand she's happy."

Sa kabila ng mga naglabasang isyu ay di padumarating sa puntong tinanong na nang deretsahan ni Jennica ang ina tungkoldito.

"Di ako nagtatanong talaga tungkol kay Polo. Kungmagkukuwento siya, makikinig ako pero kung hindi, okey lang din. Di akonagtatanong at di siya nagsasabi kasi alam niya ang mga sasabihin ko,papagsabihan ko siya gaya ng pagpapangaral niya sa akin pagdating sa lovelifeko."

ALWAYS A MOTHER. Sheeven assured us na kahit pa magkaroon ng karelasyon si Jean ay hindi itonagkulang sa kanilang magkapatid bilang isang ina.

"Di nagkulang ng oras sa aming magkapatid siMommy. Basta wala siyang trabaho, alam ko na sa amin ng kapatid ko angatensyon niya, so never talaga siyang nagkulang."

Bukod kay Jennica, nagkaanak din si Jean sa isangJapanese national. Kotaro ang pangalan ng kapatid ni Jennica sa ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang isang anak, nando'n pa rin kay Jennica anghiling na sana nga ay matagpuan ng ina ang tamang lalake para rito. Sa tanongnamin kung issue ba sa kanya kung mas bata kay Jean ang makarelasyon nito, nilinawagad sa amin ni Jenica na hindi big deal sa kanya ang edad ng mamahalin ng inabasta mamahalin lang ito ng totoo at matatanggap ang kalagayan na nito sa buhay.

"Sa akin kahit sino, basta nakikita ko na masayasiya, nirerespeto siya at nakikita ko na iniisip din yung kapakanan ng mga anakniya, package deal kami. Kailangang matanggap nila na may anak na ang mommy ko.Kahit hindi na ako, yun na lang kapatid ko, he's only six years old. Importante sa akin na ‘pag nakita ko yung lalake, willing siyang magpaka-tataysa kapatid ko, kasi ‘pag hindi, malaking puntos ang mababawas.

"Naghiwalay ang parents ko when I was two years old,so, I know how it feels na everyday wala kang tatay, ayokong maranasan ng kapatidko yun. ‘Pag nakikita ko na nag-e-entertain siya at masaya siya, di akohahadlang hangga't wala akong nakikitang mali.

"Gusto kong tumanda ang mommy ko na may ka-partnersiya sa buhay, na may kasama siya. Di naman ako selfish na tao na dapat sa aminlang ang mommy ko. Di kami ganun."

MART ESCUDERO. Hinangaanng marami sa pagiging tapat na pag-amin nila ni MartEscudero ang kanilang relasyon bilang magkasinatahan. Kung ang ibakasi ay nagde-deny, naging open naman ang dalawa sa publiko tungkol dito."

"It's our anniversary this coming December, we're eleven months now. Kaya dinamin tinago kasi bukod sa wala kaming ginagawang masama, ang hirap pagnag-deny ka nang nag-deny, ‘tapos sa bandang huli lalabas din ang totoo,nakakahiya lang."

Magkasama sa Gagambinoat kahit di magka-partner ay magkatrabaho sina Mart at Jennica sa isang episodeng Shake, Rattle and Roll X ng RegalFilms. Sa parte nina Mart at Jennica, hindi raw kaya nahihirapan ang dalawa naihiwalay ang pagiging mag-boyfriend sa pagiging mag-love team nila ‘pag mayroonsilang lovers' quarrel, na madalas na problema ng magka-love team na nagkaroonng tunay na relasyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Di kami dumarating sa point na naaapektuhan yungmga trabaho namin, naha-handle namin yung ganyang mga bagay. ‘Pag trabaho,trabaho talaga kami."

Naging successful ang premiere night ng One True Love at balitang kasalukyangpinipilahan ito sa takilya. Agad namang nagpaabot ng pasasalamat siJennica ng pasasalamat sa mga sumuporta ng nasabing pelikula.

"Maraming-maraming salamatsa kanila, sa lahat ng nanood ng premeire night at sa mga taong nanood sa mgasinehan at nagbigay ng oras at panahon nila, maraming salamat. Kung di akokasama dito, kailangan nilang abangan yung mga nakakakilig ng eksena ninaDingdong at Marian. Napak-effortless at ang huhusay nina Dingdong, Marian atIza [Calzado].


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN