Jewel Mische willing to work with Bubbles Paraiso despite issue between them

"Of course, of course, that's work. Kahit anongklaseng trabaho, blessing po yun," says Jewel Mische when asked if she's stillwilling to work with Bubbles Paraiso (inset) in the future.


Pagkatapos na pag-usapan dahil sa isyu ng sikuhanat maglabas ng kanyang official statement sa pangyayari dito rin sa PEP(Philippine Entertainment Portal) ay nakausap na ng Startalk si Jewel sa grand fans day ng GMA Artists Center saEnchanted Kingdom.

Sa umpisa ay ikinuwento nga niya ang kanyang recenttrip sa Holy Land na isa pala talaga sa matagal nang pangarap ni Jewel namapuntahan.

Aniya, "Nagpunta ako sa mga churches doon. Sa Jerusalem, Bethlehem, Jordan River. ‘Tapos, iba talaga ang feeling. Nalakaran ko yungmga nalakaran ni Jesus like Via dela Rosa, ‘tapos, yung Station of the Cross,Sea of Galilee , Jordan River."

Tungkol naman sa issue sa kanya at kay BubblesParaiso, sinabi ni Jewel na personal choice daw talaga niya na itago na langsa kanyang sarili ang anumang nararamdaman niya.

"Kung may problema man ako sa isang tao, I'm notthe type na ipapaalam ko pa sa ibang tao. Kaya lang talaga, dumating ang pointthat I have to speak up. Speak up for people na nasasaktan para sa akin. Myfamily, my friends."

Itinanggi rin ni Jewel na may namamagitan sakanila ng co-Starstruck survivorniya na si Aljur Abrenica. Ang huli kasi ang sinasabing dumamay raw kay Jewelduring that night na sinasabing nagkaroon ng sikuhan sa pagitan nila ni BubblesParaiso.

"Si Aljur...kaibigan ko po. Kaibigan ko po siya kahitnoong Starstruck days pa."

Tumanggi naman na si Jewel na magbigay pa ngmensahe sa kampo raw ng taong nanakit sa kanya. At sa kabila raw ng nagingintriga sa kanilang dalawa ni Bubbles, open pa rin daw siya sa idea na mag-worksila ni Bubbles in the future.

"Of course, of course, that's work. Kahit anongklaseng trabaho, blessing po yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN