Regine Velasquez forgives Ogie Alcasid for forgetting their anniversary

Regine Velasquez reportedly got upsetbecause Ogie Alcasid forgot their anniversary. "Binati naman niya ‘ko.Pero kasi, ang usapan namin dapat ay wala siyang work. Kaso, nakalimutan niyaang day na yun," said Regine in her interview with Startalk yesterday, November 22.



Limang taon na ang itinatagal ng relasyon nina Regine Velasquez at OgieAlcasid. Pero nagkaroon ng isyu at diumano'y tampuhan sa pagitan nilang dalawadahil tila nakalimutan daw ni Ogie na batiin siya sa kanilang anibersaryo.

Ito ang naging takbo ng interview ni RickyLo para sa The Ricky Lo Exclusives naipinalabas kahapon, November 22, sa Startalk.

Ipinaliwanag naman ni Regine ang naturangpangyayari, "Hindi, binati naman niya ‘ko. Pero kasi, ang usapan namin dapat aywala siyang work. Kaso, nakalimutan niya ang day na yun."

Ayon naman kay Ogie Alcasid sa pressconference para sa kanyang concert na The IdolExperience: Ogie Sings With The Idols, "Medyo sasobrang dami ng trabaho, pero ako ay pinatawad na. Ano naman, ano lang yun,konting...alam n'yo naman po kaming mga lalaki, minsan ay kailangang pukpukin angulo," natatawang wika ni Ogie.

Regine was also asked kung paano ba silanag-celebrate ni Ogie ang kanilang 5th year anniversary.

"May trabaho siya, may trabaho ako. Perookey lang, before that, we had dinner at the house with the whole family."

Biro ni Regine, binigyan daw siya ng cashni Ogie kaya niya ito napatawad.

"Loko lang, Ha-ha-ha! He's always namanvery sweet, e..."

Nag-propose na ba sa kanya si Ogie?

"Hindi pa...hintayin na lang muna natin. Ang hirap magpakasal ngayon," sabi ni Regine.

CARDSAND FLOWERS. Ang naging regalo raw ni Ogie kayRegine ay five cards na kunsaan, isinulat ni Ogie ang mga thoughts niya rito.Ricky asked Regine kung ano sa mga isinulat ni Ogie ang tinamaan siya nanghusto?

"Nakalimutan ko na," natawa niyang sabi."Well, ang palagi niyang sinasabi, parang thankful siya kay God na parang shemet me. And she has never met na parang a wonderful person na ako...ganoon palagiang sinasabi niya sa akin, binobola niya ko."

Sabi naman ni Ogie sa magkahiwalay ngangpanayam, palagi naman daw talaga siyang nagbibigay ng card kay Regine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nandoon yung text, pero, iba yung sinulatmo, di ba? Old fashion."

On Regine's part, umamin itong hindi rawsiya nagbibigay ng card, kaya iba ang iniregalo niya kay Ogie.

"I gave him flowers. Pinadalhan ko siya ngflowers sa shooting niya. Isang malaking-malaking bouquet of flowers. Romanticdin ako. E, di ba, kadalasan lalaki ang nagpapadala ng flowers? Siya, sanay nasanay na nakakatanggap ng flowers from me."

Pansin ni Ricky, mukhang kilig na kilig parin daw sila ni Ogie sa isa't isa.

"Oo nga! Halata mo? Ha-ha-ha! E, di ba,yun nga ang maganda run na may kilig pa rin."

JEALOUSOF DAIANA? Ayaw namang patulan ni Regine ang isyuna pinagselosan daw niya ang Brazilian model and TV host na si Daiana Menesesna nakasama ni Ogie sa isang music video.

"Like I said naman before, he doesn't giveme reason to be jealous. He has to give me a reason."

Para kay Ogie naman, "Naku-cute-an ako saisyung yun," natatawa niyang sabi. "Wala....wala yun. Si Daiana, saan ko bana-meet si Daiana? Well, na-meet ko siya sa EatBulaga! at nag-guest siya sa BubbleGang. And I realized later that she really likes to sing. So, nag-shoot akong video at tinanong ko kung puwede siya. At puwede naman siya. Yun..."

JEALOUSOF ROBIN? Si Ogie naman ang kinuhanan ng reactionkung hindi raw ba ito magseselos ngayong magkakasamang muli sa isang soap sina Regine at Robin Padilla. Lalo pa nga't before, aminado si Robin na isa sapinaka-nagustuhan niyang leading lady niya ay si Regine?

"Hindi rin n'yo alam, kahit noong nagtatagopa kami ni Regine, si Robin, alam na niya. Hindi lang niya sinasabi. Nakitaniya kami at pinayuhan din. Binigyan ng mga mungkahi.

"Ako, malaki ang respeto ko kay Robin.Malaki ang pasasalamat ko bilang kaibigan. Kaya ngayon, nag-partner sila,excited ako."

Sa huli, Regine was asked about heranniversary message to Ogie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Thank you...thank you for being patient withme. And there's a lot of time that I really don't get to spend with him kasinga I'm working and I'm gonna be working again. So, yun...thank you for beingvery, very patient and very, very loving."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN