Lorna Tolentino to launch "Hope" CD featuring tracks of celebrity friends

Rudy Fernandez's widow Lorna Tolentino will notcelebrate her birthday on December 23. When asked for a birthday wish,she said, "Ang birthday wish ko, mag-platinum agad ang Hope CD na ginagawa ko." Her CD featuringmusic tracks from her and Daboy's friends will be launched at the talk show Boy & Kristomorrow, November 24.


Pinangunahan ni Lorna Tolentino ang blessing andopening ng 25th branch ng Flawless sa East Wing ng Robinson's Galleria, OrtigasCenter, kahapon, November 22. Kasama niya ang co-endorsers niya ngFlawless na sina Richard Gutierrez, Mark Herras, Katrina Halili, and PBB Teen Edition 2 winner EJFalcon.

In-introduce din nila ang promo nilang "Facial of theStars" na ang clients nila sa lahat ng branches ay tatanggap ng servicesng personal facialists of the stars. Tatagal ito up to December 31 at maywinners na tatanggap ng all-expense paid vacation for two sa Boracay.

NO BIRTHDAY PARTY. After theblessing, nagkaroon ng chance ang PEP (Philippine Entertainment Portal) nakumustahin si Lorna after almost six months nang yumao ang husband niyang siRudy (Fernandez). Napansin kasi, na sa kabila ng pagiging maganda niLorna, may lungkot pa rin sa kanyang mga mata. Malapit na ang Christmas,ano ba ang plano niya at ng mga anak niyang sina Raphe and Renz?

"Definitely, wala akong birthday party sabirthday ko sa December 23," nakangiting wika ni Lorna. "Perosi Raphe, baka magpaabot kami ng 12:00 midnight sa December 18, sa The HeritagePark. Ganoon din ang ginawa namin noong birthday ni Renz last September8, doon niya sinalubong ang birthday niya. Hindi pa tapos iyong mausoleum naipinagagawa ko, pero bubuhusan na ang second floor nito. Hindi naman akonagpalagay ng room, may roof deck lang iyon at may loft, kung gusto namingmag-stay doon, puwede."

May time ba na nagparamdam si Rudy sa kanya?

"Wala naman, hindi siya nagpaparamdam, hindiko rin siya napapanaginipan," wika pa ni Lorna. "Doon nga akonatutulog sa side na tinutulugan niya noon, pero wala. Kung minsan naman,nanonood lamang ako ng TV, ‘tapos mapapansin ko, umaga na pala. Wala,wala akong nararamdaman."

Howtrue na ibebenta niya ang bahay nila sa White Plains?

"No, hindi totoo. Wala akong balak ibentaiyon. Ang balak ko, magpatayo ng bagong bahay, doon din sa White Plains, ‘tapospauupahan ko ang dati naming bahay. Pero matagal pa siguro iyon, magtatrabahomuna ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naayos na ba niya ang mga gamit ni Rudy?

"Hindi pa, hindi ko pa binubuksan iyong mgagamit niya, hindi ko pa inaayos, hindi ko pa rin kaya," may lungkot nawika ni Lorna.

BIRTHDAY WISH: PLATINUM CD. Dapat pala last week, pumirma na ng contract siLorna sa ABS-CBN, para sa bagong teleserye na gagawin niya, pero hindi pa iyonnatuloy.

"Sa Wednesday, November 26 na matutuloy angcontract signing ko," paglilinaw ni Lorna. "May inaayos pa kasisi Inang [Director Olive Lamasan] sa script. Binasa niya kasi, mayroon dawsiyang gustong baguhin. Kaya hindi pa rin sure kung sino-sino angmakakasama ko sa teleserye. Una kasi, sabi nila si Gabby Concepcion, then,nagkaroon na ng Albert Martinez, may Christopher de Leon pa, kaya hindi ko alamkung kasama ko silang tatlo. Basta ngayon, si Gabby pa lang ang sure.

"Hindi ko pa rin alam kung kailan kami mag-i-startdahil wala pa ngang casting at si Gabby ay sa January 2009 pa babalik from theStates, nagbabakasyon siya roon."

May gagawin na rin ba siyang movie sa Star Cinema?

"Wala pa, hindi pa kami nakikipag-usap niNanay Lolit [Solis] sa Star Cinema."

Natawa si Lorna nang tanungin ng PEP kung may birthday wish ba siya?

"Ang birthday wish ko, mag-platinum agad ang Hope CD na ginagawa ko,"nangingiting sagot ni Lorna. "Bukas, November 24, ilo-launch ko naang album sa Boy & Kris at 10:30a.m., live iyon. Eleven cuts ito: ang epilogue ko para sa album, then angsong kong "Far From Home," "Special Memory" of SharonCuneta, "Doon Lang" nina Senators Jinggoy Estrada and Bong Revillaand Phillip Salvador, "Stand By Me" nina Christopher de Leon, RickyDavao and Edgar Mortiz, "Awit ni Daboy" ni Tirso Cruz III, "IWill Be Here" ni Piolo Pascual, "Ikaw Lamang" ni GaryValenciano. Ako rin ang kumanta ng "Kalooban Mo" and extro, narrationko." Ang proceeds nito, ilalaan ko sa Rudy FernandezFoundation."

BLUE CHRISTMAS. So, paanonila isi-celebrate ang Christmas?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung puwede nga lang wala nang December 25 atJanuary 1," medyo malungkot na wika na ni Lorna. "Depende na rinsa mga bata, baka sa Wack-Wack Country Club kami sa December 24, kasi iyon naang nakaugalian namin noong kasama pa namin si Rudy. Kapag January 1naman, family reunion namin iyon, dumarating sa bahay lahat ng members ngfamily, sama-sama kaming kumakain at nagsasaya, nagpapa-cater pa kami, at sinaRudy, nagsisindi ng mga fireworks. Ngayon, wala na lang, hindi naminmagagawa iyon nang wala na siya.

"But life will go on, ayaw ni Rudy nanalulungkot ako, ayaw niya akong umiiyak. Ang mga bata, very supportivenaman sa akin. Si Raphe, may ginagawa siyang short film para sa Mowelfund,si Renz, busy sa school niya na two years na lang, tapos na niya angInterdisciplinary Studies niya, major in Philosophy sa University of thePhilippines. At bukod sa teleseryeng sisimulan ko, magiging busy pa rinako sa advocacy ko to help the cancer patients."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN