Mel Pulmano sues Becky Aguila, Pacman has coming baby, and other "Startalk" updates

Mel Pulmano (main photo), Becky Aguila'sformer employee formally files charges against the talent manager for non-payment of separation.Reacting to this, Becky said, "Definitely, ako pa nga ang dapat may kunin sa kanya,siya pa nga ang dapat magbayad sa akin." Inset: Becky and talent Jennylyn Mercado.


Punung-puno ng mga balita at intriga angStartalk kahapon, November 22, dahilsa napakarami nilang featured stories. Ang mga sumusunod ang ilan nga sa mgaito:

MANNYPACQUIAO UPDATE. May update ang Startalk tungkol kayManny na nalalapit na ang laban kay Oscar dela Hoya sa Las Vegas, Nevada. Mayplano raw kasing i-cover si Manny sa Reader'sDigest at maging sa mismong magazine ni dela Hoya na The Ring.

Ibinalita rin daw ni Pacman na kungmaipapanalo niya ang laban kay Dela Hoya sa December 6, maituturing nito na itona ang pinakamalaking laban niya. Ayon din kay Pacman, nasa ika-pitong buwan nang pagbubuntis ang kanyang asawa kung kaya't isinagawa na nila ang baby showerpara rito.

LOVIDENIES RIFT WITH MOM. Minsan pa, ipinaliwanag niLovi na walang katotohanan ang mga isyu na hindi magandang namamagitan sakanila ng kanyang mommy dahil sa patuloy raw niyang pagiging malapit kay JoloRevilla.

May isyung pinalayas daw si Lovi ngkanyang ina, pero, nakangiti itong itinanggi ni Lovi. Aniya, "No, hindi po akopinalayas ng mommy ko. Mahal na mahal niya ‘ko at mahal na mahal ko rin siya.Wala...hindi po totoo yun. Everything is fine at home. Kami ng mom ko."

SUNSHINEAND CESAR, OK NOW. Dahil muli nga silang nagkabalikan ng asawangsi Cesar Montano, ayon kay Sunshine, may plano raw si Cesar na mag-spend ngChristmas sa Hong Kong Disneyland with their kids.

Ayon kay Sunshine, na-miss daw niya kayCesar yung pagiging malambing ng asawa. "Na-miss ko yung lambing niya. Kasi,malambing na tao talaga si Cesar at saka, yung sense of humor niya. Kasi,pilyo, makulit, yun ang nami-miss ko sa kanya."

Sabi pa ni Sunshine, from the verybeginning, hindi naman daw niya na-imagine na magkakaroon pa ng ibang lalaki sabuhay niya after Cesar.

OYOADMITS LOVE FOR KRISTINE. Itinanggi naman ni Oyo nameron silang pinag-awayan ni Kristine Hermosa base raw sa mga nakitang actionsnila noong concert nina Rihanna at Chris Brown. Inamin din ni Oyo sa Startalk na mahal na mahal daw niya angdalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Hindi naman mawawala yun. Aminadonaman ako na mahal na mahal ko si Tin."

Nararamdaman din naman daw niyang mahalsiya ni Tintin.

"Oo naman, sana hindi ako nagkakamali.Tanungin n'yo siya. Baka mamya, mali, e."

Araw-araw rin daw silang magkasama niKristine, pero, hindi raw nila pinag-uusapan ang mga commitments dahil mas maypressure pa. Puwede rin daw matuloy sa seryosong relasyon ang anumang meronsila ngayon, pero mas maganda raw kasi ang relationship nila ngayon namagkaibigan sila.

When asked to describe theirrelationship, ang maikling sagot ni Oyo ay, "Shoulder..."

MELSUES BECKY. Nagsampa na ng demanda ang datingassistant ni Becky Aguila na si Mel Pulmano at isa sa kasong isinampa nito ayang tungkol sa non-payment of separation pay.

Hinarap naman ni Becky ang kasong ito atnagpahayag rin ng kanyang saloobin. Aniya, "What she did to my agency, she hasdamaged my agency. Definitely, ako pa nga ang dapat may kunin sa kanya, siya panga ang dapat magbayad sa akin."

Sinagot din ni Becky yung tungkol kay "TitaC" na lumabas ang interview rito sa PEP (Philippine Entertainment Portal).Maging ang isyu na kesyo si Jennylyn daw ay nasa panig na ngayon ng dating assistant ay hindi totoo, aniya.

Sinabi rin ni Becky kung kaya'tnatatagalan ang pagsampa naman ng kaso kay Mel ni Becky at ng alaga niyang siJennylyn ay dahil inaayos pa raw lahat ng papers, especially ang pag-o-audit ngisang independent auditor.

ONETRUE LOVE SUCCESS! Ipinakita naman ang naging tagumpay ng premiere night ng One True Love last Tuesday at ang daming mga taong nanood. Parehong nag-express ng kanilang kaligayahan ang mga bidang movie na sina Dingdong Dantes, Iza Calzado at Marian Rivera.

In-announce din ng GMA Films Presidentna si Ms. Annette Gozon-Abrogar na ang OneTrue Love will also be screened in Guam, Los Angeles, San Francisco, NewYork, Las Vegas, at Hawaii mula noong Biyernes hanggang third week of December.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN