Maxene Magalona tearfully expresses wish during birthday treat of "Startalk"

"Iisa lang po talaga ang birthday wish ko,sana, gumaling na si Papa. Yun lang...sana, soon! Gumaling na si Papa, yun langpo talaga ang wish ko," a teary-eyed Maxene Magalona said yesterday as she wasinterviewed in Startalk. She was later joined by her father Francis Magalonawho greeted her and updated everyone about his continuing fight with cancer.


Birthday ni Maxene Magalona at binigyan ngasiya ng surprise greetings ng mga taga-Startalk.Kasabay nito ang pagkumusta sa kanyang ama na si Francis Magalona sa kalagayannito ngayon.

Ano nga ba ang latest findings sa kanyangdaddy at bigla itong bumalik na naman ng ospital?

"Well, when he guested here in Startalk, sinabi niyang meron pa talagasiyang isang round ng chemotherapy na kailangan niyang i-undergo kaya bumalikpa siya sa hospital. It was actually... schedule dapat for December sana, pero,according to the doctors, kinailangan na maaga na talaga. Sila ang nagsabitalaga. Siyempre, kami naman, sinasabi namin kung ano ang gusto ng doctors andsila na rin yung nagsabi na kailangan, ngayon na gawin ang chemotherapy parama-fight na ang cancer."

Kumusta naman siya ngayon?

"Okey siya, ganoon pa rin siya, makulit.Palagi ko pa rin siyang nakakausap sa phone. Palagi pa rin nangungulit, stillthe same. Hindi siya nanghina or anything."

Pang-third round na raw ng chemo ni Francisang pinagdadaanan niya ngayon.

"Actually, yung chemo niya ngayon is forsix days. Six days na siya. Dati kasi may five, may seven, ngayon six days.Okey naman siya, he's still the same. Di ba, kapag nagki-chemo, nalalagastalaga ang buhok? Sa kanya, he's still the same and hindi po siya nagsusuka.Hindi po siya matamlay. It's just that, nagkakaroon lang po siya ng fever.Hindi siya nagsusuka. And I'm thankful for that."

Kumusta na ang project na gagawin atpagsasamahan nila ni Ely Buendia?

"Actually, it's an album and nasimulan nanila. Gumagawa sila ng songs at nang malaman ng dad ko na he would be confinedin a hospital again, nag-take na sila ng opportunity na makapag-record ngkanta.

"At narinig ko, napakaganda, ang galing-galingnila. Walang kupas po ang dad ko, ang galing-galing!"

Dugtong pa ni Maxene, "Siyempre, angginagawa nila, to show the people na kahit may sakit, kaya... Kaya pa rin gumawang mga proyekto. Kaya pa rin gamitin ang mga talento, ang mga skills na nothingcan stop you doing what you want to do."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Joey de Leon asked Maxene kung sino raw angalam niyang mga kasama sa foundation na tinayo ni Francis.

"Actually, ang alam ko lang po is my dadand si Ely Buendia. Hindi ko lang po alam kung sino pa yung mga sasali. Hindiko lang po sure. But I'm sure, my dad will explain more on that kapag nakausapna natin siya."

FRANCISON THE PHONE. On the phone naman ay nakausap nga nglive ng Startalk si Francis. Aniya,kahapon daw ang kanyang first day ng third round of his chemotherapy.

"I'm okay naman. I started after Eat Bulaga! and it will go on for sixdays."

Pagkatapos kantahan ng "Happy Birthday" ni Kiko si Maxene at ipasok ni Alyssa Alano ang kanyang birthday cake,Maxene was asked kung ano raw ba ang birthday wish niya?

"Iisa lang po talaga ang birthday wish ko,sana, gumaling na si Papa. Yun lang...sana, soon! Gumaling na si Papa, yun langpo talaga ang wish ko," naiyak nang pahayag ni Maxene.

Kuwento naman ni Francis, after daw niyanggawin ang third round of chemo. He will do the tissue-type match with some ofhis siblings and he will undergo a bone-marrow transplant.

Aniya, "Hopefully, after that procedure,which is a very costly procedure, siyempre, it will entail a lot of tests. It'sparang ano...kumbaga, pinag-aaralan pa siya ngayon. Yung technology na ganyan,hopefully, matupad ang wish ni Maxene."

Nag-follow-up naman si Lolit Solis kayFrancis sa tanong ni Joey kay Maxene kung sino pa bukod sa kanila ni Ely angkasama sa foundation na tinayo nila.

"Well, as of now, yung doctor friend kowho's been treating me here sa Medical City. And then, a friend of mine alsowho is with an IT company, volunteered already. And then, another one, sa panignaman ni Ely.

"I'm very proud to say na at least,nag-start na yung first album namin. May itinayo kaming banda at ang pangalanay The Chicos. Kasama sa CD na ‘yun ang DVD of our life and the medical journeythat we are going through our life."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kailan ang release?

"We we're looking at a February playdate.Hopefully, February 14 nga. And then, we will put up a foundation nga, TheArtists Foundation, and then I just hope that we can really do theproject. But nevertheless, kausap kosiya kahapon and he was here last night to visit me. Sabi ko sa kanya, by hookor by crook, I'll be here to finish the album."

Sabi naman ni Maxene, "'Yan si Papa, kungano ang gusto niyang gawin, gagawin niya at alam niyang magagawa niya andnothing can stop him."

CRYINGFRANCIS. Nagbigay naman ng message si Maxene sakanyang daddy.

"Papa, I love you. I love you so much. Itell you that every day. And I want you to know that I'm here for you. We'reall here for you. And I'm happy na patuloy ang recovery n'yo. Sana, matuloy nga yung wish ko. I hope itwill come true because I still want to be with you. I still want you to share memories with meand the rest of our family. At gusto ko lang malaman ninyo na how much I loveyou every day."

Ayon naman kay Francis, may isang 'complaint'lang daw siya sa anak. "Araw-araw kasi, pinapaiyak mo ‘ko kapag nanonood ako ngUna Kang Naging Akin. Palagi kakasing inaapi ro'n. Kapag nakikita kita, naalala ko ang mommy ko who is a verygood actress.

"You have matured a lot and I'm very proudof you. And I congratulate the whole cast, UnaKang Naging Akin and Direk Joel Lamangan for coming up with a very, verygood soap."

Dugtong pa ni Francis, "I would also liketo invite everybody to visit my blog. To be updated of my medical journey. It's happybattle.com at multiply.com."

NOFEAR. May takot pa ba siyang nararamdaman?

"No, I have accepted my faith. My covenantwith God and my relation with Him is very strong. I have very, very good peoplebehind my treatment. Of course, there's Senator [Dick] Gordon, Ms. Rosa Rosalof Red Cross and my doctors and the Medical City team.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And I would like to thank the support of Eat Bulaga! who was always there with mesince day one. Mr. Tony Tuviera, the Dabarkads, of course, TVJ. Everyday Iwatch them and I miss them."

What about his birthday wish for Maxene?

"My birthday wish for Maxene is explore, havemore projects. Not [many] people know that she's all around. She can be a VJ,she can do anything. Be a reporter, anything. Congratulations sa school niya,palaging mataas ang grades, napakatalinong bata at napakaganda."

Sa huli, humirit pa si Maxene sa papa niyana, "Wag matigas ang ulo. Listen to mama. Listen to the doctors and drink yourmedicines."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN