Vilma Santos on her comeback film: "Ito yung pelikula na mayroon talagang puso."

"When I've learnedna tatanggapin ni Lucky yung role, sabi ko sa sarili ko, ‘Ano pa anghahanapinko?' For a comeback movie after five years, I have a best actor andbox-office king here. First time ko ring makakatrabaho si Direk Olive,then gagawin pa saNew York. I think we will give a very, very good movie by next year, sosanaabangan nila," says Vilma Santos,



Natuloy na rin sawakas ang story conference ng pinakaaabangang comeback film ni VilmaSantos sa Star Cinema, ang A Mother's Story (working title). Ginanap ito noong November18 sa opisina ng film arm ng ABS-CBN.

Makakasama ni Vilma sa A Mother's Story angkanyang panganay na anak na si Luis Manzano at si John Lloyd Cruz. Ito ayididirek ni Olivia Lamasan na matagal ding hindi gumawa ng pelikula; ang huliniya ay ang Milan noong 2004.

Pagkatapos ng storyconference ay nagkaroon ng pagkakataon na makausap ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) si Vilma. Aminado ang actress-politician na ang scheduleat posisyon niya bilang governor ng Batangas ang rason kung bakit hindi agadnasimulan ang comeback movie niyang ito sa Star Cinema. Ang huling pelikulangginawa ni Vilma ang ay Mano Po 3 ng Regal Entertainment noong 2004.

"Yung pagpaplano ngpelikulang ito," umpisa ni Vilma, "si John Lloyd pa lang ang sure na makakasama ko. Dapat ito, the other year pa nasimulan na namin. But, fortunately, I wonas governor at that time. Humingi lang muna ako ng kaunting bakasyon kasi walapa akong isang taon na gobernador. I guess, yun muna ang priority ko, atnaintindihan naman ni John Lloyd yun.

"Sa ngayon, wellimplemented na yung mga proyketo ko sa Batangas at pinayagan na ako ng mgaconstituents ko. I'm so excited—very, very excited to do a movie, after almost Ithink magpa-five years na yata after akong makagawa ng pelikula. Buhay ko naito, hinahanap ko pa rin ito. So you can't imagine yung excitement na gawin koito, plus the fact na yung anak ko pa ang gaganap na anak ko."

Aminado si Vilma naisa sa sobrang nagbigay ng excitement sa kanya ay puro first time niyangmakakatrabaho ang mga taong makakasama niya sa nasabing pelikula—her son Luis, JohnLloyd, and Direk Olive Lamasan.

"When I've learnedna tatanggapin ni Lucky yung role, sabi ko sa sarili ko, ‘Ano pa ang hahanapinko?' For a comeback movie after five years, I have a best actor and box-office king here. First time ko ring makakatrabaho si Direk Olive, then gagawin pa saNew York. I think we will give a very, very good movie by next year, so sanaabangan nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang istorya ng AMother's Story ay tungkol sa relasyon ng isang ina (Vilma) sa kanyang anak na lalake (Luis)at sa gay lover ng kanyang anak na gagampanan naman ni John Lloyd.

"This is somethingnew!" excited na sabi ni Vilma. "And yung character na gagampanan ko, sa tinagal-tagalko na sa showbiz, hindi ko pa nagawa itong character ko sa movie na ito. Thisis not purely drama, this is a comedy-drama. But yung pagiging comedy niya isibang klase, hindi kami slapsticks dito. Saka ito yung pelikula na mayroontalagang puso."

Inaasahan na sa isang pelikula na may gay theme ay magkaroon ng lovescene o kissing scene. Ano ang magiging reaksiyon ni Vilma pag nalaman niyangmerong mga ganitong eksena ang kanyang anak na si Luis kay John Lloyd?

"As I've said,professional ang gagawin naming attack dito. With the team na ganito,everything will be done in good taste and in a professional way," sagot ng multi-awardedactress.

May tips ortechniques ba siyang ituturo sa mga makakasama niya sa A Mother's Story?

"Magagaling ang mgaartistang ito," sabi ni Vilma. "Bayaan mong ilabas nila ang kanilang style. Itdoesn't mean na porke't nanalo na ako ng awards, parang ganun na ako kagaling,it's a non-stop learning process.

"In any movie that Ido, iba nang iba ang attack mo dun. Hindi ibig sabihin na magaling ka sa nakaraanmong proyekto ay magaling ka na dito. Each one of us may kanya-kanya atake ngrole. Bayaan mong i-deliver nila yun. Now, pag humingi sila ng tulong, that'sthe time na puwede akong magsabi. Hindi ko puwedeng pakialamanan ang style ng iba."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN