Comedienne Kitkat says accusing her boyfriend of robbery is no publicity gimmick

"Hindi ako gumigimik sa mgaganitong isyu. Maraming puwedeng maging gimmick ng hindi ganito, nasobrang... Ang sakit, di ba? Halos walang natira sa akin, e. Wala naman akongpakialam kung maniwala kayo o hindi. Basta ano, yung justicelang," says Kitkat.



May mga nagsasabi na gimmick lang daw ng comedienne na siKitkat ang sinabi niya na ninakawan siya ng live-in partner niya for six yearsna si Alfred Santos Lumanlang. Ayon sa ilan, gusto lang daw kasi ni Kitkat na magingkontrobersiyal siya. Nagtagumpay naman daw ang gimmick niya dahil kabi-kabilaang publicity ni Kitkat ngayon at panay na rin ang TV guestings niya.

Ayon sa kuwento ni Kitkat, na huling napanood sa pelikulang My Only U, tinangay diumano ng boyfriendniya ang mga alahas niya at ang pera niya sa kanyang ATM card. (CLICK here toread related story.)

Nag-guest si Kitkat sa talk show ng TV5 na Juicy, hosted byAlex Gonzaga and IC Mendoza, kanina, November 23. Dito ay pinabulaanan niyaang paratang na gumigimik lang siya.

Sabi ni Kitkat, "Hindi ako gumigimik sa mgaganitong isyu. Maraming puwedeng maging gimmick ng hindi ganito, nasobrang... Ang sakit, di ba? Halos walang natira sa akin, e. Wala naman akongpakialam kung maniwala kayo o hindi. Basta ano, yung justicelang."

Tanong ni Alex, mapapatawad pa raw ba ni Kitkat angex-boyfriend niya kung sakaling humingi ito ng sorry sa kanya?

"Unang-una, kung in good faithsiya, makikipag-usap muna siya sa akin, hindi kung saan-saan siyanagpupunta at kung sinu-sino ang mga kinakausap niya," sabi ng comedienne."Kailangan resolbahan muna niya sa sarili niya kung... Explain niya paanoniya nagawa sa akin yun, bakit niya nagawa sa akin yun.Makipag-usap muna siya. Pero siyempre, hindi pa rin natin masabikung mapapatawad o hindi sa pakikipag-usap na yun."

Totoo ba na nadiskubre rin ni Kitkat na may asawa si Alfred?

"Oo," sagot niya. "Bukod sa pagnanakaw atkung anu-ano pa, may asawa nga siya."

Tanong naman ni IC, "Sa six years na yun, ever sincecollege pa kayo, may asawa na siya nun?"

"Ang alam ko talaga, wala...separated, hindi makontak,wala, hindi mahanap. 'Tsaka sa six years na ito, lahat naman ng oras nasa akin.Kung ikaw ba ang asawa, sa six years laging nawawala ang asawa mo, siyemprehahanapin mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hiningan ni Alex si Kitkat ng message kay Alfred.

"Alfred, puwede ka namang makipag-usap sa akin.Kung ano man itong gulong nangyari...lahat. Kung gusto mong ayusin,makipag-usap ka lang sa akin. Kung ayaw mo naman, puwede mong puntahansi Mario Dumaual [ABS-CBN entertainment reporter], sa kanya kamakipag-usap, ano ang gusto mong iparating sa akin. Basta makipagkita ka lang nang matapos ng lahat ng ito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN