Jinggoy Estrada tells story of friendship with Daboy through "Magkaibigan"

"Nami-miss ko 'yong mga phone calls niya. Araw-araw kasikaming nag-uusap niyan, hanggang sa araw na nawala siya. Tapos bigla na langnaputol. Wala na akong maipapalit sa kanya," says Jinggoy Estrada about his friend Rudy Fernandez.



Mapulang-mapula ang mga mata ni Senator Jinggoy Estrada nangabutan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa last shooting day ngMagkaibigan noong November 23 sa Capitol Golf Club Subdivision in Ayala Heights,Quezon City. Katatapos lang kasing kunan ni Direk Joey Reyes, who directed andwrote the script, ang death scene ni Christopher de Leon as Daboy.

Ang story kasi ng Magkaibigan ay inspired ng buhay ngyumaong matalik na kaibigan ni Jinggoy na si Rudy Fernandez, at angpagkakaibigang namagitan sa kanila nina Senator Bong Revilla at PhillipSalvador. Entry sa 2008 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang Magkaibigan.

Nahirapan ba si Jinggoy habang kinukunan ang death scene niBoyet?

"Iyon na kasi ang tunay na nangyari sa totoong buhay," sabi ni Jinggoy."Hindi naman kami nag-usap ni Direk Joey kung ano ang dialogues na ilalagay niyasa script, pero kung ano ‘yong nangyari sa huling sandali ni Rudy, ‘yon talagaang nasa script.

"Mahirap sa akin, pero hindi ko na kailangang mag-internalize.Sariwa pa ang nakaraan, at hindi ‘yon mawawala sa isip ko. Nakadagdag pa saemotions ko nang bago kami nag-take, dumating sa set si Lorna [Tolentino,Rudy's wife] kaya naalaala ko lalo ang lahat ng mga nangyari."

Bukod kina Jinggoy at Boyet, kasama rin sa pelikula sinaTirso Cruz III at Bobby Andrews na gumaganap din bilang mga kaibigan nila.Leading ladies naman nila rito sina Dawn Zulueta as Boyet's wife and Maricel Laxa asJinggoy's wife.

Ano ang gusto nilang i-impart sa mga manonood ng Magkaibigan?

"Gusto lang naming ipaalam sa mga manonood na realfriends stay forever," wika ni Jinggoy. "Ipakikita namin dito, mga 70percent ng story naming magkakaibigan. Kung paano kami nagba-bonding, kungpaano kami-kami ang nang-iingtrigahan, hindi kami naninira ng ibang tao."

Ano ang nami-miss niya sa pagkawala ni Daboy?

"Nami-miss ko 'yong mga phone calls niya. Araw-araw kasikaming nag-uusap niyan, hanggang sa araw na nawala siya. Tapos bigla na langnaputol. Wala na akong maipapalit sa kanya," maluha-luhang sabi ni Jinggoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy niya, "Lalo ko siyang naiisip ngayon dahilmalapit na naman ang kampanya. Noongcampaign ng last election, lahat ng mga lugar na dapat puntahan na hindi akopuwede, siya ang pumapalit sa akin. Ngayon, sino pa ang aasahan kong gumawanoon para sa akin?

"Si Daboy din ang aming comedian. Ang lakas ng sense ofhumor niya, kahit maliit na bagay nagagawan niya ng kuwento na pinagtatawanannaming lahat. Siya rin ang aming peacemaker. Noong medyo nagkaroon kami ngtampuhan ni Bong, hindi siya tumigil sa paggawa ng paraan hanggang hindi kaminagkabati, ganoon din kay Bong at sa daddy ko [former President JosephEstrada]. Naalaala namin 'yon ngayon, kaya mas close kaming tatlo [nina Bong atIpe]."

Sa palagay ba niya, muli siyang makatatanggap ng actingaward sa MMFF, tulad nang nanalo siyang Best Actor in last year para sa performanceniya sa Katas ng Saudi?

"With Christopher around, mag-iisip pa ba akong manalong Best Actor award?" natatawang wika ni Jinggoy. "Yun lang tinanggapniya ang offer namin para sa movie, isang honor na 'yon sa akin, and honor dinsa akin na makasama siyang gumanap sa movie. Noong first shooting day nganamin, hindi ko inisip na si Christopher de Leon ang kaeksena ko. Iba na langang inisip ko."

Napahalakhak lang si Jinggoy nang tanungin kung sino ba anginisip niya. Sinabi niya sa amin, pero huwag na lang daw naming isulat at bakamagalit pa sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN