Carmen Soo says lunch with John Lloyd Cruz is "totally innocent"

by Glen Sibonga
Nov 25, 2008
"I don't think something innocent like that can be blown out of proportion. The last thing that I would want to be is to be dragged into another accusation like that," says Malaysian actress Carmen Soo about report that she is dating John Lloyd Cruz.

Live na sinagot ng Malaysian actress-model na si Carmen Soo ang mga intrigang ikinakabit sa kanya sa The Buzz noong Linggo, November 23. Sa interview ni Kris Aquino, isa-isang binigyang linaw ni Carmen ang mga kontrobersiyang kinasasangkutan niya.

Bago ang interview ay ibinalita muna ni Kris ang pagbabago ng timeslot ng ABS-CBN teleserye na Kahit Isang Saglit, na pinagbibidahan nina Carmen at Jericho Rosales. Pinaaga na ang timeslot nito kaya kasunod na siya ng I Love Betty La Fea. Nag-switch sila ng oras ng Pinoy Fear Factor na pinakahuli nang mapapanood ngayon sa Primetime Bida.

Inamin din ni Kris na ibinabalita niya sa kanyang K-Text na fan talaga siya ng Kahit Isang Saglit. Maging ang family raw niya, kabilang na ang kanyang ina na si dating Pangulong Cory Aquino ay sumusubaybay sa pinagbibidahang teleserye ni Carmen.

Kaya ang unang tanong ni Kris kay Carmen ay, "Are you happy na ang daming Pinoy talaga ang kinilig, natuwa, at nagandahan sa proyekto ninyo?"

Continue reading below ↓

Hindi agad nakasagot si Carmen dahil hindi niya maunawaan ang ilang Tagalog na salita na sinabi ni Kris. After ipaliwanag ni Kris sa English ay saka sumagot si Carmen.

"I'm so happy and thank you to you for being so supportive all this time. And especially thank you to your mom, former President Cory Aquino. Thank you so much. And thank you to every one for requesting an earlier timeslot. Finally, our wishes are granted and I'm so happy that there will be many, many more viewers. The coming weeks will be extremely exciting," pasasalamat ni Carmen.

Pagkatapos nito ay sinimulan na ni Kris ang pang-iintriga kay Carmen. Ayon kay Kris, noong una, parang ang naging branding kay Carmen ay inagaw niya si Jericho kay Heart Evangelista. Pero napatunayan naman ng lahat na hindi naman ito totoo. Sabi pa ni Kris, makikita kay Carmen na sweet siya at hindi malandi. Ipinagpasalamat naman ito ni Carmen.

Continue reading below ↓

ON JOHN LLOYD CRUZ & JERICHO ROSALES. Dumako na ang pagtatanong ni Kris tungkol kay John Lloyd Cruz. Sinabi ni Kris na pareho ang naging stylist nila sa kanilang separate photo shoots, si Carmen for Petit Monde at si Kris ay sa isa niyang bagong endorsement. Ang stylist na tinutukoy nila ay si Liz Uy, ang girlfriend ni John Lloyd.

Sabi ni Kris, parang imposible naman daw na makikipagtrabaho si Liz kay Carmen kung feeling nito ay nakikipag-flirt si Carmen sa boyfriend niya. Kaya pinagpaliwanag ni Kris ang Malaysian actress kung ano talaga ang katotohanan sa lumabas na balita na nakita raw silang magkasamang kumakain ni John Lloyd sa Trinoma Mall.

"It was totally innocent," sabi ni Carmen. "It was my birthday and I was leaving that night. I was in Trinoma and I called up a friend of mine. She greeted me and asked me if I have time to see her. And she is with John Lloyd. And then we had lunch."

Continue reading below ↓

Is your friend working in ABS-CBN?

"Yes."

So, your friend is with John Lloyd?

"Yes, that's right."

So, they are in Trinoma already?

Kuwento ni Carmen, "I was actually catching up with my shopping, buying some stuff, since I'm already leaving that night. And then she said thay haven't had lunch. 'Okay, let's have lunch,' I said. And she happens to be with him [John Lloyd]. I didn't know that until I saw her. She asked if I'm sure it's gonna be okay. I said, yeah.

"I don't think something innocent like that can be blown out of proportion. The last thing that I would want to be is to be dragged into another accusation like that," pahayag niya.

Ipinaliwanag naman ni Kris kay Carmen, tulad din ng ginawa niyang pagpapaliwanag kay Liz Uy, na kapag nakita ng mga tao ang dalawang stars na magkasama kahit na may iba pa silang kasama, hindi na papansinin ng mga tao ang civilian na kasama nila. Ang nakikita lang ng mga mata ay yung dalawang stars na magkasama na mas magandang gawan ng kuwento.

Continue reading below ↓

"That is still one thing that I haven't got used to in the Philippines. It's not something I think about in Malaysia," sabi ni Carmen.

Ayon kay Kris, John Lloyd feels bad about the issue kasi yung spirit ng pakikipagkaibigan ay nawawala. Nagiging awkward tuloy ang situation.

"Yeah," pagsang-ayon naman ni Carmen.

Did Jericho react?

"No, he didn't!" sabay tawa ni Carmen.

Are you friends?

"Yes."

Do you have communication? Do you text each other?

"In some way," sagot ni Carmen. "When I left, I was doing a movie in Malaysia. And he was also doing a movie here. So, a little of communication. We text a little bit. I said, ‘I'm here in the Philippines.' And he said, ‘Have a good time.'"

Hiningi naman ni Kris ang kumpirmasyon kay Carmen tungkol sa pagkakaroon ng follow-up project niya with Jericho ulit, pero this time with Kristine Hermosa.

"That's right. I think it came out a few days ago. I will be working on a big project next year with Jericho and Kristine Hermosa. I'm excited!"

Continue reading below ↓

So, it's a triangle?

"Yes, it's a triangle."

What about with John Lloyd?

"Well, with John Lloyd... I'm involved in a movie with him which will be shown next year. It will be with one of your favorite directors, Direk Chito Roño."

You worked with Liz, and she said you were super nice?

"She's very nice also."

What are you going to tell her? Because, you know, as a girlfriend, even if you want to ignore the news, it will still affect her. And you're a girl, I'm sure you know what I'm trying to say.

"Yeah, we talked about it before and she was cool. It is not for me to explain anything to her. It's just nothing to explain. But she spoke to me, ‘You know, you are being gossiped with my boyfriend?' And then she commented, ‘Don't worry, you'll get used to it.' That was really cool of her. She was very professional and very, very good with her craft. And very, very nice to me."

Continue reading below ↓

Out si Jericho, out si John Lloyd, who is she dating?

"Nobody since the last time I saw."

Why is it somebody as pretty as you, sasabihin na lang wala?

"Wala. It's true. I have no time. I don't think I have time to meet any one to ask me out on a date. And I don't go on a date. Not right now. Hopefully, next year I have better luck."

At nagpasalamat na si Kris kay Carmen at sinabi pang the Philippines is so in love with her.

"I love being here, getting used to work here. I hope I will never get used to all the gossips. It's a bit crazy. I'll stay out of it."

No, if you're a star you can't stay out of it.

"I'll be a different one."

At nag-one liner pa si Kris bago tuluyang tapusin ang interview kay Carmen, "Akala lang po niya ‘yon."
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I don't think something innocent like that can be blown out of proportion. The last thing that I would want to be is to be dragged into another accusation like that," says Malaysian actress Carmen Soo about report that she is dating John Lloyd Cruz.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results