Watch Now

Aiza Marquez denies marrying lesbian in the States

by Glen Sibonga
Nov 25, 2008
"Sumasama nga ako sa kanya sa San Francisco kasi wala nga akong trabaho. Iniikot niya ako sa lahat ng bars. Marami kaming pictures ni Elaine. Sa dami ng pictures namin, iisipin mo talaga na kami dahil ganun kami ka-close," says Aiza Marquez about a certain Elaine Crisostomo.

Nauna nang nabalita rito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) last September 2007 ang umano'y pagpatol at pakikipagrelasyon daw ni Aiza Marquez sa isang tomboy. Mariin itong pinabulaanan ni Aiza. (CLICK here to read related story.)

Unang lumabas ang balita sa Entertainment Live noong Sabado, November 22. Isang balita ang ipinadala ng isang viewer na nagpakilalang si Gabriel Ruben, na may e-mail address na gabenukol12@yahoo.com. Sinabi niyang si Aiza Marquez ay nagpakasal daw sa San Francisco last May. At ang pinakasalan daw ng young actress ay ang ex-partner ni Desiree del Valle na si Elaine Crisostomo, isang tomboy.

Ayon sa email, after five months daw ay umuwi ng Pilipinas si Aiza galing Amerika upang magtrabaho dahil siya ang breadwinner ng kanyang pamilya. Pero nagpapadala naman daw ng pera si Elaine. Babalik daw sa Amerika si Aiza sa March 2009.

Sinamahan pa ang e-mail ng isang picture kung saan magkasama nga sina Aiza at Elaine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahapon, November 23, ipinalabas sa The Buzz "True Confessions" ang reaksiyon ni Aiza tungkol dito.

Paano niya nakilala si Elaine Crisostomo?

"Nakilala ko siya through Desiree del Valle. Nagkasama kami dati sa Maalaala Mo Kaya. So, since then, kumbaga friends na talaga kami, until now," sabi ni Aiza.

Inamin din ni Aiza na pumunta siya sa Amerika noong December last year para magbakasyon at totoong nagkita sila doon ni Elaine dahil magkaibigan sila.

"Nung nag-California ako, nag-message siya sa akin. Gusto niya raw akong iraket sa mga comedy bars sa States. So, ako naman, since gusto ko ng trabaho at the same time bakasyon din ako, pinadalhan niya ako ng tiket. Tapos nag-stay ako doon ng two to three weeks," kuwento ng young actress.

Itinanggi ni Aiza na ikinasal sila ni Elaine sa Amerika noong May.

"Kakaloka naman!" bulalas niyaa. "Napakaimposible na ikakasal ako ng May. Dahil May dumating na ako dito, May 25. Tapos noong May 16, kasama ko ang Tito ko kasama ang asawa niya sa Sta. Barbara."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinakita kay Aiza ang picture na pinadala sa inbox ng Entertainment Live.

"Totoo yung picture na ‘yan," sabi niya. "Marami kaming pictures actually. Meron akong kopya sa USB ko. Binigyan niya talaga ako ng kopya. Sumasama nga ako sa kanya sa San Francisco kasi wala nga akong trabaho. Iniikot niya ako sa lahat ng bars. Marami kaming pictures ni Elaine. Sa dami ng pictures namin, iisipin mo talaga na kami dahil ganun kami ka-close."

Napansin din ng The Buzz ang suot-suot na singsing ni Aiza.

"Sana nga may magbigay sa akin ng wedding ring, di ba? Ito kasi, binili ko ito sa sarili ko noong nag-birthday ako last year," sabi niya.

Nasasaktan daw si Aiza dahil pumatol daw siya kay Elaine noong time na gipit siya sa pera. Napalayas din daw si Aiza noon sa tinitirhan nilang apartment dahil wala na raw umanong pambayad. Totoo ba ito?

"Inaamin ko mahirap ako nung time na yun. Pero hindi ako ganun kadesperado para manggamit ako ng tao. And wala sa personality ko yung manggagamit ako para lang makaiwas ako, or kailangan ko ng tulong kumbaga. Tapos papatol ako sa...sabihin na natin na tomboy. Hindi ako ganun kadesperado sa buhay ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinulungan daw siya ni Elaine para makalipat ng bahay?

"Hindi totoo yun," tanggi ni Aiza. "Hindi totoo na tinulungan niya ako para makalipat ako. Since noong nanalo ako sa isang game show sa kabilang channel, yun ang saktong-sakto na ginamit ko para makalipat."

Hindi naman itinanggi ni Aiza na naligawan na siya ng isang babae noon.

"Noong high school ako. Kasi all girls yung school namin, e. At saka kapag bago ka, lahat ng mata nasa iyo. Lalapitan ka talaga. At saka kilala ko yung sarili ko, alam ko kung ano ang tama o mali para sa akin."

So, never siya nakipagrelasyon sa kapwa babae?

"Never akong nakipagrelasyon," diin ni Aiza.

Ano ang message ni Aiza sa nagpadala ng e-mail at nagsimula ng isyu?

"Hindi ko alam kung sino ka, pero since ‘yang picture na ‘yan na-send mo, parang nagkakaroon na ako ng idea kung sino ka. Huwag ka namang manira ng buhay ng may buhay. At kung nandun ka talaga, na sinasabi mong nandun ka, ipakita mo sa akin yung video. Game ako. Kung may maipakita ka, e, di talo ako," pahayag ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sumasama nga ako sa kanya sa San Francisco kasi wala nga akong trabaho. Iniikot niya ako sa lahat ng bars. Marami kaming pictures ni Elaine. Sa dami ng pictures namin, iisipin mo talaga na kami dahil ganun kami ka-close," says Aiza Marquez about a certain Elaine Crisostomo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results