Piolo and Angel's first movie, Kimerald's selos issue, and other "The Buzz" updates

Anne Curtis and Sam Milby (left) and Angel Locsin and Piolo Pascual (right) are some of the stars who be came the subject in last Sunday's episode of The Buzz.



Heto pa ang ibang maiinit na isyung itinampok sa The Buzznoong Linggo, November 23:

LAND DOWN UNDER. Masayang-masaya ikinuwento nina PioloPascual at Angel Locsin ang mga naging experience nila sa two weeks shootingnila sa Darwin at Sydney, Australia para sa pelikula nilang Land Down Underunder Star Cinema.

Saad ni Piolo, "I really wish to go out of the country with a group kasinga nakakapag-bond kayo. There was no moment na nagkapikunan kahit na sino.Tulungan talaga. Masarap yung bonding at wala kaming ibang kasama kundi yunggrupo lang. And then we got to make friends with some Australians."

Ayon naman kay Angel, "Sa lahat ng mga nangyari sa amin mulaBukidnon hanggang Australia, ang dami naming kuwento. Masaya kami na nataposnamin yung sa Australia, sa Bukidnon, na kumpleto, na masaya lahat at walangnagka-bad trip-an kahit medyo rough yung conditions doon. Nagawa namin nangmaayos."

Ibinalita rin ni Piolo na isang TV network at radio stationsa Australia ang nag-interview sa kanila.

"We were interviewed sa isang TV station, parang ABS-CBN doonand there was also one radio interview. So, naka-post na rin sa Internet.Nakakatuwa because excited din sila," masayang pahayag ni Piolo.

Nag-share din sina Angel at Piolo ng naging experience nilakasama ang mga kababayang Pinoy sa Australia.

Kuwento ni Angel, "Yung last day namin tinapos namin yungmga eksena namin. Tapos after noon, nilabas namin yung mga kababayan natin doon,mga TFC [The Filipino Channel] subscribers. Nag-dinner lang kami, tapos pasyal-pasyal."

Sabi naman ni Piolo, "It was Angel's first time also, sopumasyal na lang kami kagabi kahit medyo pagod na. We took the time to at leastgo around. Ayun, masaya kami. We went to the opera house. We went to GeorgeStreet . Tapos sa Black Top kami nag-stay, marami ring Pinoy."

SLIGHTLY HURT. Inamin naman ni Kim Chiu na nagtampo siya sakanyang ka-love team na si Gerald Anderson tungkol sa panliligaw raw nito kayPauleen Luna. Open kasi noon pa si Gerald sa pagsasabing mahal niya si Kim,tapos ngayon ay mababalitang nanliligaw siya sa iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Slight totoo," sabi ni Kim. "Medyo lang. Siyempre maynililigawan na siyang iba."

Maging si Gerald ay nagseselos din daw sa tuwing nali-linknaman si Kim sa iba.

"E, kahit naman ako. Di ba, nandiyan si Enchong [Dee],nandiyan si Robi [Domingo]?" sabi ni Gerald.

Recently, nagkita na naman sina Gerald at Pauleen sabirthday ni John James Uy, na kasamahan nina Gerald at Kim sa Star Magic.

"Magkasama raw sila, ganyan-ganyan. Nag-party. Hindi namanako invited e," ani Kim. "Friend kasi si Carla Humphries [girlfriend ni JohnJames] at si Pauleen."

Sinagot naman ni Gerald ang isyu na ito. Aniya, "Hindi naman akogagawa ng bagay na masasaktan siya."

Bakit nga ba hindi na sila magkaroon ngcommitment para matapos na ang mga isyu?

"Masaya na yung ganito. Walang away. Walang responsibility.Gusto ko rin yun kasi ano... Ayokong magkagulo," say ni Kim.

Ayon naman Gerald, "The fact na nagseselos siya parang...ayoko naman pero... Bakit ba nagseselos ang isang babae kung walang konting...walasiya ano. So, whoo, thank you!"

TARAYAN ISSUE. Maging ang The Buzz correspondent na siPhoemela Baranda ay hindi rin nakaliligtas sa mga intriga. May lumabas nga naisyu na tinarayan daw ni Phoem ang isang reporter.

Sa isang event kasi ng Philippine Movie Press Club (PMPC)kamakailan ay ini-interview raw ng entertainment press si Tim Yap. Bigla rawumeksena si Phoem at nagtaray pa sa isang reporter sa pagsasabing, "Angtagal-tagal naman ng interview na ‘yan! Hanggang New Year ba ‘yan?"

Nagpaliwanag si Pheom tungkol sa isyu.

"Yung gabing ‘yon, galing kasi kami ni Tim Yap sa concertni Gary Valenciano. So, sabi ko kay Tim, ‘Pupunta ka ba sa PMPC? Sasama ako sa 'yo.' And then, pagdating doon, talagang... Hindi ako marunong kumanta, perobinati ko lahat ng nandun. Pero hindi ko po maalala na may nasabi akong ganun.

"Pero kung may nasabi man po akong ganun, hindi ko posinasadya. Si Tim kasi, sobrang close kami, so nagbibiruan kami. Hindi po kasiako mataray. Mahal ko po kayo [press]. Feeling ko nga, party ko rin ‘yon, e. Part dinako ng press [being a correspondent of The Buzz]. Sa tingin ko, si Tim yungbinibiro ko. Pero mahal na mahal ko po kayo dahil kasama rin po ako sa press,"pahayag ni Phoem.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

P.O.V. Sa segment naman ng The Buzz na P.O.V. (Points,Opinions & Violent Reactions), tatlong issues ang tinalakay kung saannagbigay ng mga opinyon nila ang hosts na sina Boy Abunda, Ruffa Gutierrez, at Kris Aquino.

Una ay ang tungkol sa singer-actress na si Vina Morales atang negosyanteng si Cedric Lee.

Matapos magsalita ni Vina tungkol sa kanyang pagbubuntis saThe Buzz, naging usap-usapan kung sino ang ama ng dinadala ng singer. Angpinangalanang ama sa mga babasahin ay ang businessman na si Cedric Lee. Peromula sa ilang sources, ayon daw sa kampo ng negosyante, wala raw itong idinenayo kinukumpirma dahil pinahahalagahan raw nito ang privacy ng kanyang pamilya.

According naman kay Vina, na nasa US ngayon para sa kanyangconcert tour, hindi na rin niya gustong pahabain pa ang isyu dahil imbes daw nanaiintriga pa ang malalapit sa kanya ay mas marami pa ang nae-excite sa kanyangbaby.

Ang komento ni Ruffa ang tumatak sa lahat nang sabihinniyang: "Cedric is not denying it. He will take full responsibility of whateveractions he made in the past. Pero I believe kasi Vina's baby deserves to have aname and a father. And hindi naman dine-deny ni Cedric yun. So, paanong lumabassa mga diyaryo na he's denying it? Hindi raw siya ganun klaseng tao. Hindi niyaraw tatakbuhan ang responsibilidad niya kay Vina at sa kanyang baby."

Pangalawa, ang pagiging open ni Kim Chiu sa pagtatampo niya kay GeraldAnderson dahil sa panliligaw diumano kay Pauleen Luna.

Ang comment naman ni Kris dito, "May reaction lang ako. Kasinga, hindi siya [Kim] na-invite dun sa party. It's John James's party, taposnagkita ulit sina Gerald at Pauleen.

"Ako naman, kung ako si Gerald at alam kongganun ang sitwasyon, I would have called up John James and said, ‘Bro, pare,whatever, can I bring Kim with me?' E, kasi kung ganyang nagtatampo yung girl... Incidentally, ang lakas ng love team nila, di ba? And kung ako naman si Gerald, papangalagaanko yung love team na yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At nag-one liner pa si Kris, "Because si Kim naman yung bigwinner, siya yung sikat."

Pangatlo, ang pagli-link kina Rufa Mae Quinto at Sam Milby. Matatandaang na-interview si Sam ng The Buzz two Sundays ago at sinabi nitong magkaibigan lang sila ni Rufa Mae.

Agad naputol ang sasabihin sana ni Boy, nang sabihin ni Krisna, "Ay, huwag na tayong mag-comment about Sam kasi, di ba, inirapan na ngakami ni Ruffa, di ba? He doesn't like us. Pero kung ako rin naman si Sam,talagang pakialamera naman kami ni Ruffa, talagang iirapan ko rin. So, weshould just shut up na!" Dagdag ni Kris, "Mahal na mahal ko si Anne. Andtalagang hindi pa siya sumusuko. So, I want her to be happy and I promised her,‘Okay, I will never make a comment about Sam for your sake.' Just in case, diba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN