Angel Locsin describes her love scene with Piolo Pascual as "bongga!"

"Gusto ko, boy and girl. At kung sino yung magiging asawa ko,mape-pressure talaga siya dahil ang gusto kong maging anak, kambal!" says Angel Locsin.



Maraming magagandang balita si Angel Locsin sa pag-uwiniya mula sa Australia kamakailan. Ito ay kaugnay ng pagtatrabaho nila ni PioloPascual sa una nilang movie team-up, ang Land Down Under ngStar Cinema.

Merong tungkol sa kung paano siya nangitim, mula sapinagmulang location site, sa Bukidnon, hanggang mapunta sila sa isang ranchosa Australia kung saan kinunan ang maraming eksena nila ni Piolo.

"E, kasi, grabe! Fresh from Bukidnon, immersed naimmersed ako sa character ko, siyempre ayoko naman na... magbubukid ka, taposang puti-puti mo, di ba? Nagpa-itim talaga kami ni Piolo," saad ni Angel.

Tiyak na ikatutuwa ng maraming fans ng Piolo-Angel tandemang nabanggit din ng aktres sa PEP (Philippine Entertainment Portal), tungkolsa love scene nila ng aktor.

"Bongga!" pagde-describe ni Angel sa lovescene nila ni Piolo. "May nagawa ako na love scene before [sa The Promise,with Richard Gutierrez], pero ito yung may skin kaming ipinakita [ni Piolo]. Napakaganda ng pagkakagawa ni direk Rory [Quintos]."

Noong Nobyembre 22 ng gabi, around 6:15 p.m., angnakatakdang arrival sa Manila ng grupo ng Land Down Under, na agad naibalita saEntertainment Live ng ABS-CBN.

Mula naman sa isang source na malapit sa manager ni AngelLocsin na si Becky Aguila, napag-alaman ng PEP na marami na agadcommitments na naghihintay sa aktres. Ito ay sa kabila ng hindi pa man lubusang natatapos angshooting ng Land Down Under.

"As soon as herplane lands," pagbabalita ni Becky Aguila sa PEP source, "diretso nasi Angel sa homecoming event ng sister ni Tim Yap at asawa ng McDo owner."

May natitira pa nga raw na tatlong araw nashooting ang Land Down Under, pero ipinapakita na sa States ang trailer ngpelikula. Nasa States ang manager ni Angel nang dumating ang grupo mulaAustralia, at ito rin ang nagbalitang magkakaroon ng international screeningang Piolo-Angel movie, sa San Francisco at Los Angeles sa December 6 and 7.

"Ang ganda ng trailer ng Land Down Under dito, nagulat ako! Maganda siAngel, kahit madungis ang role niya. Simple lang. At ang guwapo ni PJ [Piolo].Nakaka-excite ang movie. Inaaabangan na dito," text pa ni Becky sa source ngPEP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Mico del Rosario ng Star Cinema, ganun din ang nagingpaghanga sa Kapamilya actress. "Ang galing ng acting ni Angel,walang exaggeration!" sabi ng namesake ng yumaong bofriend noonni Angel.

Hindi naman ito kataka-taka dahil may munting pruweba narin si Angel pagdating sa acting.

Sa darating Star Awards for Television ng PMPC, na gaganapin sa Linggo, November 30, dalawaang nominasyon ni Angel bilang best actress para sa seryeng Lobo, at sa Maalaala Mo Kaya episode na "Pilat."

Samantala, mag-aasawa na nga ba, o ano ang plano ni Angel tungkol sa pagkakaroon ng baby?

"Planadung-planado na po kasi ang buhay ko," perohindi pa raw siya mag-aasawa. Gusto niyang magkaroon ng anak na kambal.

"Gusto ko, boy and girl. At kung sino yung magiging asawa ko,mape-pressure talaga siya dahil ang gusto kong maging anak, kambal!" sambit ni Angel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN