Vic Sotto takes a break from "Enteng Kabisote" to revive "Iskul Bukol"

"Kaming tatlo, as TVJ, last time na gumawa kami ng pelikula was 1990 pa yata, e.So, it's about time na magkaroon ng reunion yung TVJ, and what's more fittingkundi yung reunion din ng Iskul Bukol: 20 Years After. Ano na ang nangyari saEscalera brothers? Ano na ang nangyari kay Ungasis, kay Miss Tapia, and therest of the gang," says Vic Sotto about his reunion movie with Tito Sotto and Joey de Leon, Iskul Bukol: 20 Years After.&



Pansamantalang ipinahinga ni Vic Sotto ang serye ng EntengKabisote upang bigyan daan ang reunion movie nilang tatlo nina Tito Sotto atJoey de Leon, ang Iskul Bukol: 20 Years After.

May dalawang dekada na rin ang nakararaan nang hulingmagsama-sama ang tatlo sa sikat na sitcom noon sa telebisyon, ang Iskul Bukolnga. Ngayon, sa movie version nito, layunin nina Tito, Vic & Joey, o TVJ,na ipakilala sa bagong henerasyon ang barkadahang kinagiliwan ng mga manonoodnoon. Muli ngang nabuhay ang karakter noon nina Tito at Joey bilang Escalera Brothers at si Vic bilang si Victorio Ungasis.

Sa pagpupursigi ni Vic ay natuloy ang pelikula at ngayon ngaay naging entry pa sa 2008 Metro Manila Film Festival this December. Ang IskulBukol: 20 Years After ay co-produced ng sariling produksyon ni Vic na M-Zet TVProductions with OctoArts Films ni Orly Ilacad at APT Entertainment ni TonyTuviera.

Kasama ng TVJ sa cast ng pelikula ang ilan sa original castng Iskul Bukol sa telebisyon upang muling buhayin ang kanilang mga karakter.Kabilang dito sina Bibeth Orteza, Jimmy Santos, Mely Tagasa na mas kilala noonbilang istriktong teacher na si Miss Tapia, Ritchie D' Horsie, at AnthonyRoquel na kilala noon bilang bading na si Tonet Macho.

Gaganap naman sa mahahalagang roles sa pelikula sina RyanAgoncillo, Jose Manalo, Robert Villar, Oyo Sotto, Gian Sotto, Keempee de Leon,Carlene Aguilar, Francine Prieto, Krista Ranillo, Pauleen Luna, at NicoleUysiuseng. May special apperance din ang Megastar na si Sharon Cuneta bilang youngersister nina Tito at Joey na si Sharon Escalera.

Kahapon, November 25, ay nagkaroon ng grand presscon angIskul Bukol; 20 Years After na ginanap sa Marina restaurant sa Timog Ave., QuezonCity. Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) nama-interview si Vic Sotto.

Bakit naisipan nilang magsama-sama ulit at buhayin sapelikula ang Iskul Bukol?

"Alam namin na na-miss ng mga tagahanga namin ang IskulBukol na tumakbo rin ng sampung taon sa telebisyon," sabi ni Vic sa PEP. "Atkaming tatlo, as TVJ, last time na gumawa kami ng pelikula was 1990 pa yata, e.So, it's about time na magkaroon ng reunion yung TVJ, and what's more fittingkundi yung reunion din ng Iskul Bukol: 20 Years After. Ano na ang nangyari saEscalera brothers? Ano na ang nangyari kay Ungasis, kay Miss Tapia, and therest of the gang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaano katagal na-conceptualize ang movie?

"Matagal. Siguro mga one hour!" biro ni Vic.

Ano ang feeling na nagsama-sama ulit silang tatlo nina Titoat Joey?

"Mabuti. Nakatutuwa. Nakasama ulit namin yung mga matagal nanaming hindi nakita... Si Miss Tapia, si Bibeth, si Ritchie D' Horsie, na matagalna palang nakakulong pero ngayon lang namin nalaman at napagkasunduan nga naminna tulungan. Lahat naman ng nagkakamali sa buhay ay dapat binibigyan naman ngpagkakataon na magbago at ituwid ang mga mali," saad ni Vic.

Ganun pa rin ba ang kakulitan nila sa set?

"A, oo!" sambit niya. "Hindi ka mapapagod dahil enjoy lahat,e. Masaya...biruan. Back to the good old days, ‘ika nga."

TAKING A BREAK. Last year, during the pressconof Enteng Kabisote 4, nasabi ni Vic na baka umabot pa ng Part 10 ang serye ngnaturang pelikula. Bakit pinahinga muna niya ang Enteng Kabisote para gawinitong Iskul Bukol?

"Pahinga muna, e, break. Iskul Bukol muna. Siguro mga apatna Iskul Bukol ulit, tapos balik tayo kay Enteng Kabisote 5 hanggang Enteng10!" may halong birong sabi ni Vic.

So, puwede palang maging series din ang Iskul Bukol?

"Puwede, dahil malawak ang tinakbuhan ng istorya at hindi nakatulad ng dati na naka-confine lang sa isanng classroom. So, ito yung mgabuhay na nina Ungasis at mga Escalera, at ng iba pang kasamahan namin."

Kapansin-pansin na may adventure factor ang Iskul Bukol.

"Yeah, dahil ako nga ay isa ng archeologist, nandun yungadventure factor ng pelikula na may kinalaman sa mga kalokohan ng Escalerabrothers," sabi ni Vic.

Ano ang expectations niya sa Iskul Bukol, since naging bighit ang serye ng Enteng Kabisote?

"Wala naman," sagot ni Vic. "Sa tingin ko, magiging curiousdito yung mga bata. Parang Enteng Kabisote lang ‘yan at Okay Ka Fairy Ko, yungmga hindi inabot yung Iskul Bukol sa telebisyon, siguradong magiging curious.Yung mga magulang naman siguro na inabot yung henerasyon ng Iskul Bukol aymaipapaliwanag ito sa mga bata. At saka sinigurado naman namin na kahit anongage ay mag-e-enjoy panoorin ito, hindi lang yung mga fans noong araw, hindilang yung mga tagasubaybay noon sa telebisyon, kundi pati yung mga youngerones. We guarantee entertainment for them."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May pressure ba para maging top grosser ulit ang Iskul Bukol saMetro Manila Film Festival?

"Hindi ko iniisip yun," ani Vic. "Basta masaya ulit angating Pasko at maging matagumpay ulit ang Metro Manila Film Festival. Hangga'tmaaari nga panoorin natin lahat ng entries para bumalik ang sigla, bumalik angmga ngiti ng mga kasamahan natin sa industriya."

Bakit wala pa ring kupas ang TVJ? Ano ang sikreto nila?

"Wala naman talagang sikreto. We just enjoy life. Masayakaming tatlo kapag magkakasama kami," sagot ni Vic.

ON OYO SOTTO. Masaya rin si Vic na kasama niya sa IskulBukol ang anak niyang si Oyo Sotto.

"Noong ipanganak si Oyo, noong 1984, may Iskul Bukol panoon, e. Noong lumaki-laki siya ng konti, isinasama ko siya sa taping," kuwentoni Vic.

Si Oyo ba humihingi rin ng advice sa kanya pagdating saakting lalo na sa comedy?

"Malaki na ‘yan, e. Marami na ‘yang eksperyensiya salarangan ng pag-arte. Tuluy-tuloy yung pag-aaral niya sa pag-arte, sapakikisama sa tao... Hindi ko kailangang ituro sa kanya yun.

"Ako naman ay nagbibigay lang ako ng advice kungkinakailangan at ang mga naibigay ko naman sa kanya ay yung mga basics sabuhay. Pero mas gusto kong sa kanya manggaling mismo yung mga desisyon niya sabuhay. Kasi balang-araw, kapag wala na ako, siya na yung magma-manage sa buhayniya. So, ngayon pa lang mag-practice na siya.

"Pero si Oyo is a very responsible son. Hindi ko nakailangan i-explain sa kanya ang maraming bagay, alam na niya kung ano angtama, kung ano ang mali. Nakikita ko rin na magaling siyang makisama sa mga taokahit hindi niya kilala. He is easy to get along with."

May say ba siya sa pagdating sa lovelife ng kanyang anak?

"Yung mga ganyang bagay, may kanya-kanyang personal nadesisyon sa buhay ‘yan. Not unless if my advice is solicited, then that's theonly time that I would say something about it," saad ni Vic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON PIA GUANIO. Mabilis naman ang naging sagot ni Vic nangmatanong ng PEP kung may guesting ba ang girlfriend niyang si Pia Guanio samovie.

"Wala!" madiing sagot ni Vic na tila nakakaramdam na ang mgaisusunod na itatanong ng PEP ay tungkol kay Pia.

Pero tinanong pa rin ng PEP kung bakit hindi nakasama siPia.

"Walang magandang role, e. Siyempre espesyal siya kaya dapatespesyal din ang role. Hindi naman puwede yung basta mai-guest lang," sagot niVic.

Kumusta naman sila?

"Okay kami. Masaya kami."

At nagawa ring isingit ng PEP ang tanong kung may weddingplans na ba sila.

"Wala pa," sagot niya. "Kung meron ia-announce ko. Walakaming planong isikreto. If ever that will come, ia-announce namin yun."

CHRISTMAS WISH. Tinanong din ng PEP si Vic na sincenalalapit na ang Kapaskuhan, ano ang Christmas wish niya?

"Christmas wish? Peace and prosperity for all of us. Tuladng sinabi ko kanina, para sa bansa natin, para sa buong mundo. Mabuti ngatayong mga Pilipino, hindi masyadong iniinda yang krisis-krisis na ‘yan. Kahitanong dumaan sa atin, kahit anong problema, tuloy pa rin tayo. Enjoy life. So Iwish for a peaceful and prosperous New Year," pagtatapos ni Vic.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN