Megan Young says transferring to ABS-CBN is a "smart move"

"Actually ngayon, meron nang mga lumalapit na sa akin. Tapossinasabi sa akin na ang mean-mean ko raw, ang sama-sama raw ng ugali ko saBetty La Fea. At least, nakikita nila na effective, na may improvement na akosa acting ko. So, sobrang nata-touch ako," says Megan Young.



Mula sa GMA-7 ay lumipat ang young actress na si Megan Youngsa ABS-CBN. Hindi naman nagsisisi si Megan sa kanyang naging desisyon. Si Meganay produkto ng StarStruck 2, ang reality-based artista search ng GMA-7.

Naalagaan ng Kapamilya network ang kanyang career. Hindi siyanawawalan ng mga proyekto rito.

Ngayon nga ay kasama siya sa I Love Betty La Fea napinagbibidahan ni Bea Alonzo. Gumaganap siya rito bilang si Marcela, anggirlfriend ni John Lloyd Cruz. Love triangle sila rito ni Bea.

Nag-guest si Megan kahapon, November 25, sa talk show naJuicy ng TV 5 hosted by Alex Gonzaga and IC Mendoza. Dito ay sinabi niya kunggaano siya kasaya na napasama siya sa I Love Betty La Fea.

"Actually ngayon, meron nang mga lumalapit na sa akin. Tapossinasabi sa akin na ang mean-mean ko raw, ang sama-sama raw ng ugali ko saBetty La Fea. At least, nakikita nila na effective, na may improvement na akosa acting ko. So, sobrang nata-touch ako," saad ni Megan.

Ipinagmamalaki ni Megan na napunta siya sa ABS-CBN. Masnabibigyan daw kasi siya ng magagandang roles dito, unlike noong nasa GMA-7 pa siya.

"I think it's a smart move. Siyempre, it's all with theright time, right place naman yun. Ganun lang naman," sabi ng young actress.

Gaya ni Megan ay produkto rin ng artista search naStarStruck sina Katrina Halili at Iwa Motto. Pareho nang nagpapa-sexy angdalawa. In fact, ilang beses na silang naging cover ng men's magazine na FHM.

Tanong ni Alex kay Megan, "Kaya mo na rin bang magpa-sexy?"

"Sa akin naman, okey lang. Pero in due time na lang po, not now. I mean, if ever na magpo-poseako ng ganyan, sa fashion magazine na lang muna," sabi ni Megan.

Tinanong ni Alex si Megan kung ano pa ang role na gusto niyanggampanan.

"Siyempre, gusto ko yung medyo middle class, or yung medyohindi sosyalan. Siyempe gusto ko ring ma-try yun. Kasi isa pang challenge yun parasa akin, e," sabi ni Megan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN