Oyo Sotto says there's nothing to admit between him and Kristine Hermosa

"Ngayon, mas importante sa akin ang friendship. Kasipuwedeng maging kayo, pero hindi n'yo naman mahal ang isa't isa. Mas maganda namagkaibigan kayo, pero may respect at totoo kayo sa isa't isa. Mas open, masvocal, mas prangka. Hindi kagaya ng kapag may relasyon, nandiyan na ang selos,away," says Oyo Sotto about rumored relationship with Kristine Hermosa.



Kumpara sa huling interview ni Oyo Sotto, naging mas naging open na siya nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment writers sa press conference ngIskul Bukol: 20 Years After kahapon, November 25. Kasama si Oyo sa cast ng Iskul Bukol: 20Years After, na official entry ng OctoArts Films, M-Zet, at APT Productions sa2008 Metro Manila Film Festival.

Mas open na nga si Oyo sa pagkukuwento kung ano talagaang nangyari sa kanila ng rumored girlfriend na si Kristine Hermosa sa concert nina Rihanna and Chris Brown sa The Fort noong November 16. May mgalumabas kasing reports na nagkaroon daw ng lovers' quarrel that night.

"'Eto, lilinawin ko na lang talaga yung nangyari saconcert," simula niya. "Kasi the last time, ayaw ko na lang talagang magsalita. Yun ngalang, nagmukha kaming sinungaling, ako at si Tin, dahil inamin ko raw na kamina. Nililinaw ko po na wala po kaming relasyon ni Tin. Yun lang po ang totoo.

"E, bad trip na kaming dalawa nun dahil yung sa gate, yung sa platinum, goldentrance, sinarado nila yung gate, ayaw nilang magpapasok. Parang sumisigaw angmga tao ng ‘Refund, refund!' We had to leave. Kapag nagsabayan kami, masmahirap kaya sabi ko, ‘Sige, mauna ka na.'"

Na-enjoy pa ba nila ang concert or nainis na sila?

"Pagdating namin, medyo magulo na ang concert. Parang hindimaayos. Yung gold, ang layo na. Sabi nga namin, ‘Sana nag-platinum na langtayo.' Yun pala, ang platinum, ganoon din, ang layo rin. So, sabi ko, parangwala naman nang difference kung mag-platinum ka man or mag-gold."

Nakaapekto ba sa kanila ni Kristine yung mga naglabasangisyu after that?

"Hindi, natawa kami!" tawa rin ni Oyo. "Pati si Mommy [DinaBonnevie], sabi niya, ‘Nakakatawa naman. Yung mukha mo kasi parang naghahabolka.' So, tawa lang nang tawa si Mama about dun sa nangyari."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE REAL SCORE. Ano na nga ba ang real score sa pagitan nila ni Kristine?Panay kasi ang sabi nila na hindi pa sila, pero madalas naman silang makitang magkasama.

"E, ewan ko," pagkikibit-balikat ni Oyo. "Sabi ko nga,parang hindi rin naman pinipilit kasi. Kaya mas okey na kaibigan na lang kamini Tin. And if ever man na mahulog na talaga ang loob namin sa isa't isa, bakitnaman hindi?"

Noong Enteng Kabisote 1 pa raw nang makilala ni Oyo siKristine. Pero naging close na lang daw sila sa second and third installmentsng pelikulang pinagbidahan ng ama ni Oyo na si Vic Sotto.

Si Kristine ba ang pinakamatagal niyang naging kaibigan bagoniya makarelasyon?

"Si Tin yung parang siya yung longest friend ko talaga namahal ko rin naman," sagot ni Oyo. "Sa akin naman kasi, kahit na ano, happy na ako na friendskami ni Tin. Ang hirap minsan na kapag may relasyon, ano, e, puwede kayongmaghiwalay. Kapag nag-away, ‘Hindi, ayoko na! Hiwalay na!' Puwedeng ganoon.Unless kapag kaibigan, walang iwanan, kasi kaibigan talaga, e."

Iginiit ni Oyo na hindi talaga sila ni Kristine, lalo na'tbigla niyang makita niya sa presscon ang entertainment writer na nagsulat nasila na raw ni Kristine.

"Gusto ko lang linawin, hindi kami ni Tin," diin ni Oyo."Kasi ang nangyari, meron lang mga na-receive si Tin na mga text na parang...Bakit daw nagsisinungaling kaming dalawa? Yun lang ang sigurohindi nila naintindihan."

But to set the record straight, nililigawan ba niya siKristine?

"Hindi, e. Ang pangit kapag sinabing ligaw. Parang puttingyour best foot forward. Ang sa akin, kung gugustuhin ko man at maghahanap akong partner for life, gusto ko best friend ko siya. Kasi, mas totoo ang feelingkapag kaibigan," paliwanag ni Oyo.

So, posibleng si Kristine yun?

"Puwede! Bakit hindi? Okey naman siya, e."

Hindi kaya si Kristine lang ang hindi open na umamin nasila? Kung ibabase kasi sa previous relationships ni Oyo—kina Anne Curtis, Alessandra de Rossi, Angel Locsin—he's been very openkapag may girlfriend siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala naman kasing aaminin. Wala talaga," nakangiti niyangsabi. "E, kung kami lang talaga ni Tin, bakit hindi, di ba?"

Pero aniya, "Alam n'yo dati, parang importante sa akin angtag. Parang ‘we.' Pero ngayon, mas importante sa akin ang friendship. Kasipuwedeng maging kayo, pero hindi n'yo naman mahal ang isa't isa. Mas maganda namagkaibigan kayo, pero may respect at totoo kayo sa isa't isa. Mas open, masvocal, mas prangka. Hindi kagaya ng kapag may relasyon, nandiyan na ang selos,away."

Sino ba sa kanilang dalawa ni Kristine ang nagkakaroon ngproblema pagdating sa commitment?

"Actually, wala, e," sagot ni Oyo. "Parang feeling langnamin pareho. Kasi kung minsan, kung talagang pinapakinggan mo ang sinasabi ngisang tao, mararamdaman mo kung ano ang gusto niya, e. Siguro naiintindihannamin ang isa't isa na walang relasyon."

ON JERICHO & DIETHER. Magkakaroon kaya ng isyu o selos sa part ni Oyo ngayongbalik-tambalan muli sina Kristine at Jericho Rosales? Lalo pa't may mga kissingscenes daw ang dalawa?

"Well, actually, naaalala ko nga, natatawa ako kay Tin noon...Nagte-taping siya ng [soap] nila ni Echo. Tinatanong ko siya, ‘O, ano angnangyari?' Kasi for a time, naging fan din ako ng love team nila.

"Sabi niya, ‘Ano nga, nagulat kami ni Echo. Kasi noongkissing scene namin, parang may ilangan kami, pero okey naman.' Ako naman, sabiko, ‘Paanong nangyari?' Tapos si Tin, nagkukuwento siya, parang tuwang-tuwasiya. Parang sa kissing scene nila, ‘Yuck! Yuck!' Tapos, tawa siya nang tawa,"kuwento ni Oyo.

Walang selos?

"Wala!" mabilis niyang sagot.

May balitang lilipat na ang dating karelasyon ni Kristinena si Diether Ocampo sa GMA-7. Sa palagay kaya ni Oyo ay magiging favorable sapart niya yun dahil posibleng mas maging malapit sila ni Kristine?


"Hindi ko alam, e," sagot ni Oyo. "Ewan ko, pero okey lang. Wala namangproblema, e. Sa isang araw, maraming nagbabago. Sa isang araw nga, puwedengmawala si ganoon, si ganyan... So, hindi natin masabi talaga kung ano talaga angmeron."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba isyu kay Oyo na hanggang ngayon ay close pa rinsina Diether at Kristine?

"Wala!" sambit niya. "E, kung sila naman sa huli, bakithindi, di ba? Alam ko naman si Diet, na ang tagal niyang kasama at inalagaandin naman siya. So, bakit hindi, di ba?"

Open naman daw si Oyo to see or date other girls. Yunnga lang, aminado siya na he's not dating other girls right now.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN