FIRST READ ON PEP: Marian Rivera suffers fractured toe while shooting "Shake, Rattle & Roll X"

Actress Marian Rivera's right toe was fractured while shooting a scene for the movie Shake, Rattle & Roll X. After complaining of pain, Marian was rushed to the Medical City where her right leg was placed in a cast.



Itinakbo sa Medical City ang aktres na si Marian Riverakaninang alas-tres ng madaling-araw, November 26, pagkatapos niyang maaksidentesa shooting ng "Nieves" episode ng pelikulang Shake, Rattle & Roll X.

Natapilok si Marian habang kinukunan ang isang eksenakagabi, November 25, bandang alas-otso. Dumating si Marian na sobrang sakit ngkanyang paa.

Sa X-ray ay nadiskubre nabali na ang toe sa kanyang kanyang paa. Dahil dito ay nilagyanni Dr. Rafael Claudio ng Medical City ng cast ang kanang paa ni Marian.

Hindi naman daw serious fracture ang nangyari kay Marian,pero dapat daw pag-ingatan ng aktres na gamitin ang right foot niya.

Pahinga raw muna si Marian sa pagsasayaw habang naghi-healang kanyang paa. Dahil dito, hindi muna siya makakapag-promote ng kanyangsecond dance album, kung saan siya mismo ang kumanta ng ilang tracks.

Bagamat naka-semento ang kanyang kanang paa, tuloy pa rindaw ang lipad ni Marian papuntang U.S., kasama ang kanyang ka-love team na siDingdong Dantes, sa first week ng December. Ayaw raw kasi niyang ma-disappointang kanilang fans sa Amerika na nag-aabang ng Let's Celebrate concert nila saShrine Auditorium sa Los Angeles, California.

Kaso nga lang, baka hindi raw siya makasayaw dahil sakanyang cast sa paa. Two to three weeks daw kasi siya dapat na naka-cast.

Tungkol naman sa dalawang pelikula ni Marian para sa 2008Metro Manila Film Festival, ang Shake, Rattle & Roll X at Desperadas,matatapos naman daw niya ito in time for the filmfest.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN