Cristine Reyes has forgotten Dennis, but she's not closing her doors

"I think I can say, oo, nakalimutan ko na yung sa amin. Perowala akong sinasabi na tapos na. I mean, I'm not closing my doors. Kasi hindimo masasabi, mamaya sabihin naman nila, ‘O, sinabi niya ganito?' Paano kungnagkabalikan, 'tapos sasabihin sinungaling, ganyan-ganyan. So, ayokongmagsalita ng tapos," says Cristine Reyes about her past relationship with Dennis Trillo.



Sa December 1, Lunes, ay ipalalabas na sa PrimetimeBida ng ABS-CBN ang Eva Fonda na pinagbibidahan ng dating Kapuso star na siCristine Reyes.

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Cristine kahapon, November 26, sa taping ng gag show na Banana Split. Sinabi niyana nagulat siya, pero natutuwa rin dahil finally ay ipalalabas na angkanyang teleserye.

"Nagulat ako, pati si Princess [Ryan], sina Direk Bobot [EdgarMortiz, direktor ng Eva Fonda]. Tuwang-tuwa kami! Sobrang kinikilig kami,sigawan talaga kami dahil finally ay ipapapalabas na ang Eva Fonda," masayang kuwento niCristine.

Bale dalawa na ang serye ni Cristine sa primetime. Bukod saEva Fonda ay kasama rin siya sa Kahit Isang Saglit, na pinagbibidahan naman ninaJericho Rosales at Carmen Soo.

"Sabi nga sa akin ni Tita Cory [Vidanes], ako lang daw angmay dalawang serye sa kanila," nakangiting sabi ng young actress.

Sa mga eksenang drama na magkasama sina Cristine at Carmen,maraming nagsasabi na nilalamon sa pag-arte ng una ang huli. Ano ang reactionni Cristine tungkol dito?

"Si Carmen kasi model naman kasi siya, so, hindi siya sanaysa mga heavy roles. Ano naman, tinutulungan naman namin siya pagdating saacting," ani Cristine.

Mas sikat na raw siya sa Ate niyang si Ara Mina dahil masmarami siyang trabaho kesa rito?

"Maraming projects siguro," sagot niya. "Pero hindi naman,mas sikat kasi siyempre mas matagal na siya sa industriya, di ba? Kahitpumunta ako sa ibang bansa, mas kilala siya kesa sa akin. Ako, thankful na langako kung merong nakakakilala sa akin doon, e. Pero hindi ko naman hangad yung massikat ako sa kapatid ko, e."

Kumusta na ba ang relasyon nila ng Ate Ara niya?

"Okey naman kami. Nagkikita-kita kaming family. Wala pakaming plano sa Christmas, e. Siguro pag malapit-lapit na, saka kamimagpaplano."

ON DENNIS TRILLO. Kumusta naman sila ng ex-boyfiend niyang si Dennis Trillo?

"Wala na kaming communication," maikling sagot ni Cristine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga nanliligaw ba sa kanya ngayong single na ulit siya?

"Meron, pero ayoko muna silang i-entertain," aniya.

May mga taga-showbiz daw na nanliligaw kay Cristine, peroayaw niyang banggitin ang pangalan ng mga ito.

"Secret. Ayokong mag-names!" tawa niya.

Hindi kaya ang dahilan kaya ayaw niyang mag-entertain ngsuitors ay dahil sila pa rin ni Dennis? May mga nagsasabi kasi na hindi namandaw sila talagang nag-break. Itinatago lang daw nila ang kanilang relasyon paraproteksyunan ang career ng isa't isa.

"Wala na talaga, as in wala na, kahit text," diin niCristine. "Hindi na kami nagkikita or something. Kahit mga kaibigan niya nanaging kaibigan ko, hindi ko na rin nakakausap totally. Pati parents niya,na naging ka-close ko, hindi ko na rin nakakausap."

Masasabi ba niya na nakalimutan na niya talaga siDennis?

"I think I can say, oo, nakalimutan ko na yung sa amin. Perowala akong sinasabi na tapos na. I mean, I'm not closing my doors. Kasi hindimo masasabi, mamaya sabihin naman nila, ‘O, sinabi niya ganito?' Paano kungnagkabalikan, 'tapos sasabihin sinungaling, ganyan-ganyan. So, ayokongmagsalita ng tapos," pahayag ni Cristine.

ROBI'S CRUSH. Si Robi Domingo, itinanghal na second big winner sa PinoyBig Brother Teen Edition Plus, ay nagpahayag sa isang interview na crushniya si Cristine. Pero sa tingin niya ay mahirap daw itong ligawan. Ano angmasasabi ni Cristine tungkol dito?

"Ang masasabi ko lang, cute siya. Nakikita ko nga yungbillboard niya ng Bench sa Katipunan at yung house niya sa magazine. Cutetalaga siya, as in!" bulalas ni Cristine.

Mahirap ba talagang ligawan ang isang Cristine Reyes?

"Hindi, a! Basta mabait lang. Hindi naman ako after sasikat or something," sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN