Dingdong Dantes joins ex-girlfriend Karylle in their yearly Christmas party for cancer patients

"Gusto naming ituloy ito since friends pa rin namankami ni Kaye. Walang malisya ‘yon,dahil kung ano ang objective na sinimulan namin noon tungkol sa yearly Christmasparty na ibinibigay namin sa mga batang cancer patients, ganoon pa rinngayon," says Dingdong Dantes about his yearly project with ex-girlfriend Karylle.



Masayang-masaya ang aura ni Dingdong Dantes nang dumating samezzanine ng Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City, kagabi, November 26,para sa thanksgiving dinner na ibinigay ng Regal Entertainment at GMA Films dahil sasuccess ng One True Love. Ayon sa nakuha naming report ay almost P50 million na angbox-office gross ng pelikula na pinagbibidahan nina Dingdong, Marian Rivera, at Iza Calzado, sa first week of showing nito.

Biro ni Dingdong, parang kailan lang daw siya nandoon saImperial Palace Suites with the entertainment press, dahil sa early Christmasparty na ibinigay niya last November 22 in the same venue.

BOX-OFFICE SUCCESS. May mga detractors nilang ayaw maniwalang kumita ang OneTrue Love. Ano ang comment ni Dingdong dito?

"Hindi ko alam kung ano ang sukatan ng box-office hit.Pero sa nakita ko naman noong first day of showing namin nang pumunta kami samga sinehan, kung gaano karami ang tao sa three theaters sa SM Megamall at saSM North EDSA, at sa mga text messages na tinatanggap ko, naniniwala akongnagustuhan nila ang movie.

"Kaya nagpapasalamat po kami sa mga nanood at kahitpaano naiparating namin sa kanila ang message ng aming pelikula, at sinundannila kami ni Marian from TV to movie. Nagpapasalamat din ako sa GMA Films at Regal Entertainment na binigyankami ng chance na magkatambal naman sa pelikula," saad ng aktor sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

MARIAN'S FREAK ACCIDENT. Tinanong din ng PEP siDingdong kung nalaman niya agad ang aksidenteng nangyari kay Marian sa shooting ng "Nieves" episode ng Shake, Rattle& Roll X. Dinala si Marian sa Medical City kahapon, November 26, bandangalas-tres y medya ng madaling-araw dahil sa fractured toe niya pagkatapos niyang matapilok sa isang eksena. (CLICK here toread related story.)

Kuwento ni Dingdong, "Ewan ko lang kung ako ang unangtinawagan ni Marian nang nasa hospital na siya, pero nalaman ko na agad angnangyari sa kanya nang may tumawag sa akin na isang taga-production. Sincemalapit lang ako sa hospital that time, pinuntahan ko siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Doon ko nalaman na nagka-fracture ‘yong small toe ng right foot niya at kailangang i-plaster cast. Di ba, ganoon din ang nangyari saakin? Maliit lang ang fracture, pero malaking abala talaga sa akin, lalo pa'tnasa gitna ako noon ng pagtatapos ng Dyesebel at nagsu-shooting kami ng OneTrue Love."

Biniro tuloy si Dingdong na para namang magkatugma sila niMarian. After niyang magka-fracture noon, si Marian naman ngayon. Kung righthand ang nabali kay Dingdong, right foot naman ang kayMarian.

L.A. CONCERT. So, paano na ang Let's Celebrate concert nila ni Marian saShrine Auditorium sa Los Angeles on December 5?

"Tuloy pa rin ‘yon," paniniguro ni Dingdong. "Andhopefully, by that time, puwede na niyang itapak ang right foot niya. Mauunalang akong aalis sa kanya sa December 1, pero a-attend muna kami sa Walk ofFame ni Tito Germs [German Moreno] sa Eastwood City. Sa gabi naman ang flightko.

"December 2, susunod sina Marian and her manager Popoy[Caritativo]. Siguro naman, maiintindihan ng fans namin sa L.A. kung hindimakakasayaw si Marian o magagawan ng paraan. O di kaya, ako ang sasayaw, siMarian na lang ang kakanta!" nagbibirong wika ni Dingdong.

Tuloy ba ang panonood niya ng Pacquiao-Dela Hoya fight saLas Vegas sa December 6?

"Yes, may ticket na raw kami ni Perry [Lansigan, hismanager]. Pero ayaw ko munang magsalita hanggang hindi ko nahahawakan angticket!" natatawang wika ni Dingdong.

Sa boxing match na ito ay ang ex-girlfriend ni Dingdong nasi Karylle ang kakanta ng Philippine National Anthem.

"If ever tuloy kami, after ng show namin sa L.A.,tutuloy na kami ng Las Vegas. I will be watching her, with millions of peoplearound the world, sing our national anthem," sabi ni Dingdong nang hingan naminsiya ng reaksiyon.

Imi-meet din daw ni Dingdong ang producers ng E! Televisionna pumili sa kanya as one of the 25 Sexiest Men in the World. Mapapanood dindaw sa Pilipinas next year ang interview na gagawin sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa December 7 sila aalis ni Marian from Los Angeles at sabayna silang darating dito sa Pilipinas sa December 9. Ano ang susunod na gagawin ni Dingdongpagbalik nila?

"Mag-i-start na kami ni Marian ng taping ng Ang BabaengHinugot sa Aking Tadyang sa December 11. Mag-i-story conference na sina DirekJoyce [Bernal] at ang cast habang wala kami," banggit ng aktor.

Sa tanong kung ito na ang huling team-up nila ni Marian,hindi pa raw dahil may mga susunod pa.

MEETING KARYLLE. Bago pumunta ng thanksgiving party para sa One True Love ay kasama raw ni Dingdong si Karylle.

"Yes, ‘yon ang yearly Christmas party na ibinibigaynamin sa cancer patients," sabi ni Dingdong. "It's our third year na ngayon.This time, para sa Kapuso Foundation ito at nakahingi kami ng tulong saTimezone sa Glorietta. Doon namin nai-treat ang mga bata.

"Thankful kami na tumulong sa amin ni Kaye sina Iza Calzado,Gabby Eigenmann, at iba pang mga Kapuso, na asikasuhin ang mga bata. Bukod sapalaro doon, binigyan din namin sila ng food at gifts."

Hindi pala natapos sa pagbi-break nila ni Karylle angrelasyon nila?

"Gusto naming ituloy ito since friends pa rin namankami ni Kaye," nakangiting sabi ni Dingdong. "Walang malisya ‘yon,dahil kung ano ang objective na sinimulan namin noon tungkol sa yearly Christmasparty na ibinibigay namin sa mga batang cancer patients, ganoon pa rinngayon."

Nagkausap ba sila ni Karylle at totoo bang dinalaw niya angdating kaisntahan sa recording ng album nito?

"Hindi kami masyadong nagkausap dahil naging busykami," ani Dingdong. "No, not true na dinalaw ko siya sa recording.Noon pa ‘yon, nang nagre-record siya noong album niya. Matagal nang tapos‘yon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN