Rica Peralejo describes her new non-showbiz boyfriend as "a man of God"

"Unang-una, he's a man of God. Actually, givenna yun because I will not settle for anything else than a man of God. I can sayand I can see that he's a potential family man. Talagang a good father, a goodhusband, a good provider. As a boyfriend naman, he makes things very light forme. Kumpleto, e, hindi lang one area yung na-target niya. Kumbaga, parangnakita ko na almost ang lahat sa kanya," says Rica Peralejo about her non-showbiz boyfriend.



Visible man sa telebisyon ay mukhang pansamantala munangnamahinga si Rica Peralejo sa kanyang pagiging isang artista upang pagtuunan ng pansin ang kanyang hosting at pag-aaral. Regular na napapanood si Rica bilangisa sa mga host ng ABS-CBN daily morning show na Umagang Kay Ganda.

Sa pansamantalang pagtalikod ni Rica bilang artista aynamahinga na rin ang kabi-kabilang issues at intriga sa kanya. Kung kaya'tkahit may bago na siyang non-showbiz boyfriend ay hindi ito gaanong maingay sapubliko.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Ricasa pictorial ng isang clothing line, inamin niyang mayroon siyang bagonginspirasyon pero tumanggi siyang magbigay ng karagdagang mga detalye.

"May boyfriend ako, he's non showbiz," sabi ni Rica."Pasensiya na if I will not give any details or whatsoever. I really respectthat person and more than respect, I want it for me na lang.

"Showbiz man or non-showbiz, iba-iba, e, depende ‘yan satao. Kung ako ang tatanungin, kung ako sa sitwasyon ko, masaya ako sa kung anoang mayroon kami," aniya.

Ayaw mang i-reveal ang identity ay inisa-isa naman ni Ricaang characteristics na nagustuhan niya sa boyfriend.

"Ang dami, e... Unang-una, he's a man of God. Actually, givenna yun because I will not settle for anything else than a man of God. I can sayand I can see that he's a potential family man. Talagang a good father, a goodhusband, a good provider.

"As a boyfriend naman, he makes things very light forme. Kumpleto, e, hindi lang one area yung na-target niya. Kumbaga, parangnakita ko na almost ang lahat sa kanya," saad ni Rica.

Since kuntento at masaya naman siya sa itinatakbo ngrelasyon nila, aminado si Rica na napag-uusapan na rin nila ang kasal and havingtheir own family.

"Hindi ako papasok sa isang relasyon kung hindi konakikita," sabi niya. "Nababanggit namin, pero kasi yung mga ganung bagay,nababanggit mo naman once you are in a relationship. E, ako, hindi akopumapasok sa isang relasyon na hindi ako seryoso. In any relationship, I guess,I need to be that way also."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

EDUCATING RICA. Sinabi rin ni Rica na kahit hindi na siya matatawag nacelebrity talaga ay masaya at nakapag-adjust na siya sa buhay niya bilangestudyante at host ng Umagang Kay Ganda.

"Yung hirap, hindi nawawala ‘yan. Pero yung joy niya saakin, it's worth it in whatever hirap na nadadaanan ko. Sobrang saya! I neverthought sa age ko na ito, makakabalik pa ako sa eskuwelahan. Ang sarap ng felingna normal kang tao!

"Kung ano ang hinihingi ng estudyante, yun din ang hinihingiko. Kung ang problema ko ay grades ko, I have to work hard on that, kailanganmong pagtrabahuhan. Kesehodang ayaw mo ng Science, kailangang talagang mag-aralka ng Nat Sci [Natural Science] sa ayaw at sa gusto mo.

"Actually, simple lang at mababaw. Pero parang ang basic ngbuhay na-skip ko because I started acting when I was 12. I started being acelebrity, 12 ako. So I skipped a lot of normal things. Right now, I'm on mysecond year second sem. I'm taking up Creative Writing. But next year, mid-year,magsi-shift ako ng English Literature.

"I'm not closing my doors that maybe someday, puwede pa rinakong gumawa ng teleseryes, movies... Pero sa ngayon talaga, ang priorities ko aremy studies and Umagang Kay Ganda.

"Siguro pag tapos na ako sa studies ko, taposlet's say may mag-offer ng isang magandang project, bakit hindi? Pero ako kasi,nag-e-enjoy ako mag-host. Napaka-content oriented niya, people oriented. It'snot about you, e. Ayoko naman talagang maging celebrity," saad ni Rica.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN