Maricel Laxa makes an acting comeback in "Magkaibigan"

"I don't want to miss that opportunity,and I want to give the best to my children. Yun talaga ang commitment ko, atsaka mapa-realize sa mga anak ko ang importansiya ng kanilang kapaligiran asthey grow up,"says Maricel Laxa.



Kaunti lang ang mga artistang babae na inthe prime of their career, made a decision to concentrate on family life. Isana rito ang premyadong aktres na si Maricel Laxa. Pero nagbabalik-pelikula ngayon siMaricel sa pamamagitan ng Magkaibigan, official entry sa 2008 Metro Manila FilmFestival.

Inalam ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) kay Maricel kung ano ang reaksiyon ng mister niyang si AnthonyPangilinan sa pagtanggap niya ulit na gumawa ng pelikula.

"Sabi niya, ‘Well, it's about time!'Supportive naman siya. Hinihintay lang niya na gumawa uli ako ng pelikula.Mapili lang kasi talaga ako. I should say, protective lang talaga ako sa timeko, lalo na sa bahay at sa pamilya ko. I really believe that the children needthe time and attention of their parents," pahayag ni Maricel sa PEP(Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin siya sa presscon ngMagkaibigan noong November 27.

Number one career para kay Maricel angkanyang pamilya, at given na agad yun nang lumagay siya sa tahimik.

"Sino ba ang nag-wish na mag-spend ng somuch time sa work? Wala naman siguro. I don't want to miss that opportunity,and I want to give the best to my children. Yun talaga ang commitment ko, atsaka mapa-realize sa mga anak ko ang importansiya ng kanilang kapaligiran asthey grow up," sabi ng aktres.

Sumusulpot-sulpot si Maricel sa TV, perohindi siya puwede on a regular basis dahil ang problema talaga sa kanya aytime.

"Isa lang akong nilalang, at napakaramikong ginagawa," ani Maricel. "Kung matatali ako sa isang project na kailangangmagtrabaho ako until wee hours in the morning for how many days a week, sorry,but I cannot. Kung konting exposures lang siguro, okey na yun."

TEAM-UP WITH DIREK JOEY. Nagbabalik si Maricel sa isang pelikulangidinirek ni Jose Javier Reyes, ang Magkaibigan. Matatandaan ang tindi ng past collaborations nilaas actress and director sa mga pelikulang Ikaw ang Lahat saAkin, Iisa Pa Lamang, at Minsan Lang Magmamahal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat ng nagawa namin, award-winning,"banggit ni Maricel. "People will still come up to me, natatandaan parin nila ang lines ng characters na ginampanan ko sa mga pelikulang 'yan.

"Si Direk ay ninong namin sa kasal.Tinanggap ko ang pelikula just because I received an email fromhim, and he wants me to be a part of his film. So, what can I say? Makakatanggiba ako?" tawa niya.

MARRYING A PANGILINAN. Naikukumpara ang naging married life ninaAnthony at Maricel kina Senator Francis Pangilinan at Sharon Cuneta. Beingmarried to a Pangilinan, marami ang nagsasabing maiiwasan talaga ang grabeng mgaintriga kung ang isa, lalo na ang babae, should project a low profile. Gaya sasitwasyon ni Maricel, na hindi naman puwedeng mangyari kay Sharon, being theMegastar.

Anong palagay ni Maricel sa puntongito?

"I can only speak sa aming dalawa niAnthony," sabi ni Maricel. "We are not defined by what other peoplesay that we are. Kung ano ang sinasabi ng mga tao, hindi kami nagpapadala saganoon.

"Kung may sasabihin at alam namingmalinis ang konsensiya namin at hindi naman totoo, walang problema, di ba? Angpoint namin, we just have to do our work, the best that we can. Pabayaan nalang ang mga intrigang 'yan. So far, wala naman kaming intrigang kung anu-ano.

"Hindi ko alam, kasi gumagawa ako ngpelikula ngayon, pupuwedeng intrigahin uli ako. Naku, e, kung ganoon, ganoontalaga! Ang importante kasi, yung mag-asawa ang nagkakaintindihan,"saad ni Maricel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN