Celebrities donate personal treasured items for "Ploning"

Celebrities give their personal items to be auctioned for Ploning. Proceeds of the celebrity bazaar and auctionwill be used in the campaign for Ploning, which is the Philippine entryfor 2009 Academy Awards or Oscars in Best Foreign Language Film Category. Ploning is starred and produced by Judy ann Santos (in photo).



Naging matagumpay ang ginanap na celebrity bazaar andauction para sa Ploning kahapon, Nobyembre 28, sa Plaza Ibarra sa mayTimog Avenue, Quezon City.

Dininig ng ilang fans at supporters ang panawagan nina JudyAnn Santos at Direk Dante Nico Garcia sa Unang Hirit tungkol sa kanilangfundraising event para sa Pilipinas entry sa Best Foreign Language Filmcategory sa 2009 Oscar Awards.

Sa halagang P100, nagkaroon ng pagkakataong mamili ang mgafans ng mga personal na damit at iba pang gamit ng kanilang paboritong artista.Samantala, sa halagang P250 naman ay may pagkakataon silang makipagsubastahanpara sa mga mamahalin at collector's items na bag, damit, relo, at iba panggamit ng mga local celebrities.

"This is through the efforts of Juday, Ogie [Alcasid], andRegine [Velasquez], and a lot of friends. Basically, sila Regine at Ogie angtumulong sa amin to collect all the items," paliwanag ni Direk Dante o mas kilala bilang DirekGa.

Ayon kay Direk Ga, maraming artista ang bukas-palad natumulong sa kanila sa pamamagitan ng pagbahagi ng kanilang mga gamit paramaibenta. "Masaya itong event na ito kasi walang Kapamilya, Kapuso demarcationline. So, exciting!"

Ilan sa mga gamit na talagang inabangan at naisubasta samalaking halaga ay ang mga signature bags mula kina Dra. Vicki Belo, RegineVelasquez, Ai-Ai delas Alas, at Juday. Mayroon ding mga mamahaling relo mulakina Dingdong Dantes, Toni Gonzaga, at sa asawa ng aktres na si Beth Tamayo nasi Johnny Wong.

Naging interesado rin ang ilan sa mga gamit najacket nina Ogie Alcsid at Dingdong. Gayundin ang mga damit at gowns nina JudyAnn, Regine, Kris Aquino, Gretchen Barretto, at Marian Rivera.

Sa bazaar, ipinagbili rin ang coffetable book ng Ploningna ginawa ng boyfriend ni Judy Ann, ang actor-photographer na si RyanAgoncillo.

HELP PLONING RAISE FUNDS FOR OSCARS. Ayon kay DirekGa, nais nilang makaipon ng sapat na pera upang magpagawa ng mga kinakailangangpublicity materials para makilala ang pelikulang Ploning sa Los Angeles,California, kung saan gaganapin ang Oscars sa February 2009.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, "Ang target namin na amount na ma-raise isfive million pa rin to be able to send people to the Oscars para mangampanya,additional prints, website, bayad ng publicists, screening hours na rental ngmga theaters.

"At saka kung lalagpas ang pera, a dinner to the people ofPalm Spring Film Festival na pupuntahan namin at huling hihiritan bagomag-Oscars, huling festival na ginaganap sa California bago mag-Oscars. At doonnanonood ang lahat ng mga for consideration na pelikula. So we want to have aparty for them na somehow bahagi ng kampanya talaga. Partly doon, we want toraise more money din to be able to screen the film for a week sa L.A., sa isanglegit na theater para puwede pa kaming ma-consider sa iba pang category."

Sa ngayon, isa ang Ploning sa mahigit 60 na kalahokna pelikula mula sa iba't ibang bansa na nais makapasok sa limang magigingofficial nominees para sa Best Foreign Language Film category ng Oscars, na itinuturing na pinakaprestihiyosong award-giving body sa Hollywood.

Samantala, nagpaliwanag din ang kilalang makeup artistna si Fanny Serrano, na tumulong din sa event, sa mga taong dumalo sa auctionbago ito magsimula.

Aniya, "Sa showbiz, malaking karangalan po sa Philippinemovie industry ang makilala ang pelikulang Pilipino. Isa pong kahanga-hangangpelikula [ang Ploning] na nagkataon po na ang nakagawa pa ay angtinatawag nating independent group. Hindi naman po ito iimbitahan sa Oscarskung hindi talaga maipagmamalaki."

Kasunod nito ay nanawagan siya sa mga tao na suportahan angkampanya ng Ploning.

"Katulad po ng mga narinig ninyo sa television at publicity,magtutulung-tulong po tayong mga Pilipino. Ang dami hong gastos pala,magpakatotoo na tayo. Kumbaga, para mapansin po, kailangan maramdaman saHollywood. So, 'yong mga gastos po ng pag-imbita ng mga press people doon, nahindi naman namin kakilala kung sino, ‘yon po ang kailangan pakiusapan natin.Kailangan maramdaman po tayo dahil ang kasali po rito ay mahigit 50, o bakamahigit 60, na mayayamang countries po na talagang gagastusan o suportado nggobyerno para ipaglaban lang," pahayag ni Fanny.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PLATO PARA KAY PLONING. Kasunod ng katatapos lamang nacelebrity bazaar, magkakaroon pa ng isang fundraising event ang grupo ng Ploning. Ito ay ang "Plato Para Kay Ploning" nagaganapin sa Martes, December 3, sa Rockwell Tent sa Makati City.

Ito ay isang fundraising dinner kung saan si Judy Ann mismoang gumawa ng menu. Magkakaroon din ngilang pagtatanghal mula sa ilang sikat na Pinoy performers.

Bukod pa rito, ayon kay Direk Ga, pinaplano rin nilangmagkaroon ng red-carpet premiere sa L.A. sa December 10. "Itong red-carpetpremiere naman, we will try to invite Fil-Am actors, mga Fil-Am na nasamainstream Hollywood to make them aware of the film and help us with thecampaign," aniya.

Sa ngayon, mabuti naman umano ang mga reaksiyong nakukuhaniya sa mga nanood ng pelikula nang siya ang nagla-lobby sa Los Angels.

Kuwento ni Direk Ga, "Ako, para sa akin at pinakagusto kongnakuhang reaksiyon na nakukuha ko from people is when they come out sascreening and they would come up to me and say, ‘It's been a while since athird-world country sent a film na walang social issues, walang galit, walangpoverty.'

"Parang sabi nila, ito ang unang feel-good movie. They thinkit's so light for it to come from a third-world country. In a way, positive'yon kasi I'm thinking na ganun 'yong magiging slant ng Ploning ngayon."

Mula rito, umaasa si Direk Ga na maging positibo ang resultang kanilang pagla-lobby para sa Ploning.

"I'm hoping that with that kind of reaction that I'mgetting, madaling ikalat at ikuwento sa iba pang miyembro ang tungkol sapelikula. Sana 'yon ang maging edge natin sa ibang pelikula na nandoon, sa 66pang pelikula na kasiksikan natin para mapunta sa top five," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN