Charee Pineda receives her first acting award for indie film "Alon"

"Hindi ko po talaga ine-expect dahil yung mga kasama ko po sa nomination,talagang mga multi-awarded actress na po sila. Feeling ko, hindimapapansin ang acting ko. Siyempre, yung mapapansin yung mga multi-awardedactress. Pero dahil po sa tulong nila at ng director namin, napansin. Thank youtalaga!" exclaims Best Actress winner Charee Pineda.



Hindi makapaniwala ang young star na si Charee Pineda nasiya ang naparangalang Best Actress sa Cinema One Originals Digital FilmFestival na ginanap kahapon, November 28, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Nanalo si Charee para sa independent digital film na Alon.Kitang-kita sa mukha niya ang labis na kaligayahan at ang pagka-surprise talagana, at this point in her career, ay nanalo na siya ng acting award.

Ayon kay Charee nang makausap ng PEP (PhilippineEntertainment Portal), "Sobrang saya po! Tulad nga po ng sinabi ko sa speech,hindi ko po talaga ine-expect dahil yung mga kasama ko po sa nomination,talagang mga multi-awarded actress na po sila. Feeling ko, hindimapapansin ang acting ko. Siyempre, yung mapapansin yung mga multi-awardedactress. Pero dahil po sa tulong nila at ng director namin, napansin. Thank youtalaga!"

Ang trophy na natanggap niya mula sa Cinema One Originalsang very first acting award ni Charee.

"Ito po talaga at sana po hindi ito ang last. Sana marami papo ang sumunod," nakangiti niyang sabi.

Ipinalabas angentries sa Cinema One Originals Digital Film Festival sa iba't ibangeskuwelahan sa bansa and will eventually have regular screenings in differenttheaters. Kaya ang karamihan ng nakapanood ng mga entry sa Cinema Oneay ang mga estudyante.

Ano ba ang ginampanang role ni Charee sa Alon para siya angmapansin among the lead actresses?

"Vanni ang pangalan ng role ko," umpisa niya. "Unselfishsiya, tactless, minsan insensitive siya sa feeling ng iba. Pero as the storygoes, makikita mo kung paano magma-mature si Vanni. Katulong siyempre ngmag-asawa sa pelikula, sina Tito Mark Gil at Tita Eula Valdes."

Sa trailer ng Alon, lumalabas na nagkaroon sila ng relasyon dito niMark, na siya namang nanalo ng Best Actor, ka-tie si Ronnie Lazaro para saYanggaw.

"Actually, meron po, pero nothing physical," sabi ni Charee."Parang it's more of falling in love. Parang hindi pala imposibleng ma-in loveang isang 17 years old sa 47 years old."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikalawang independent film pa lang ni Charee ang Alon. Herfirst was Sisa with Jodi Sta. Maria. Kasalukuyan ding umiikot sa iba'tibang eskuwelahan sa bansa ang Sisa.

Ayon kay Charee, dahil sa pagkilala na ibinigay sa kanya,mas lalo pa raw siyang ginanahang umarte.

"Opo talaga!" sambit niya. "Parang mas lalo ko pong gagawinang best ko para sa mga susunod pang indie films at ibang movie or ibang actingpiece."

Mas natatandaan ng PEP si Charee noong nasa GMA-7 pa siya,pero ngayon nga ay isa na siyang Kapamilya. Kasama rin daw siya sa Utoy, isa samga shows ng ABS-CBN na matagal na ring naka-lineup na ipalabas.

What happened at bigla siyang naging Kapamilya?

"Nag-start po talaga ako sa ABS," paglilinaw ni Charee. "Mayoffer po sa akin noon na mag-Star Circle Quest. Pero feeling ko, kesa mag-compete,e, may offer po sa akin na Let's Go [defunct gag show in ABS-CBN]. After po ng Let's Go, nag-offer angGMA sa akin na teleserye.

"Siyempre, teleserye, so parang big break na sa akin yunkung kaya't yun po ang pinili ko. Kaya lang, nagkaroon ng problema ang GMA atsaka ang manager ko [Becky Aguila]. Kaya napunta ulit kami sa ABS-CBN."

Bukod sa pag-aartista, si Charee ay chairperson din ngSangguniang Kabataan sa Barangay Parada sa Valenzuela. Nag-aaraldin daw siya.

Ayon kay Charee, nakakaya naman daw niyang pagsabayin lahat.

"Hindi pa naman po ako ganoon ka-busy sa showbiz. At least,nagiging busy po ako sa SK at saka sa schooling ko po."

If ever na may mag-alok sa kanya ng mga sexy roles, papayagba siya?

"Hindi naman ako against sa pagpapa-sexy," sabi ni Charee."Pero for now, mas gusto ko muna pong mag-focus sa mga pa-tweetums na roles.Although, I'm not closing my door. Kasi ngayon naman, ang mga nagpo-pose talagasa mga sexy magazines din ang napapansin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN